Chapter Twenty

25 2 0
                                    

Labanan ng puso

“Brace yourself.” Bulong sa akin ng Reyna habang papalapit kami sa nakatalikod na si Enoch.

Kasalukuyan na siyang nakikipagdigma sa isang… higanteng puting lobo.

Napapagitnaan ako ngayon ng mga kawal ng Reyna na kung titignan ay para bang isa na ako sa kanila. Magkaprehong kasuotan, pigura, at katayuan. Sabay na lalaban sa nag-iisang nilalang. Ngayon pa lang masasabi ko nang totoo ang sinabi sa akin ng Reyna. Walang mananalo sa amin… Sapagkat nasa kanya ang espada naming dalawa. Batid kong hindi ako magagawang saktan nito. At ganoon rin ang espada ng Reyna sa kanya.

Magiging patas lang ang laban hanggang sa huli.

“Gusto kong malaman…” mahina kong saad habang pinagmamasdan si Enoch sa kanyang laban. Hindi niya ginagamit ang espada… at tanging mga sumpa lang niya ang kumakawala sa katawan niya.

Nakakamangha at nakakagulat ang bawat sumpa na ginagawa niya. Alam kong hindi pa ito ang kabuoan na magagawa niya sa kanyang kapangyarihan ngunit, higit na itong nakakabulag ngayon pa lang. Wala siyang hawak na kahit ano, tanging sarili niya ang dinadala niya patungo sa lobo. At sa tuwing nagpapakawala ng matutulis na mga bakal ang lobo mula sa katawan nito ay walang pag-uurong na hinarap niya lang ang mga ito at sinalubong gamit ang kanyang mga kamay. Hindi pa nakakalapit ang mga matutulis na bakal sa kanya ay nagiging mga paru-paru na lamang ang mga ito sa oras makalapit sa kanya. Pagkatapos nun ay wala na siyang ginagawa at hinintay nalang ang sunod na atake nito.

Hindi siya lumalaban… Ano ba ang pinaplano mo, Enoch?

“Totoo ba ang mga nabanggit mo kanina? Na matagal na akong hinahanap nila Enoch? Ngunit paano nangyari iyon… kung ngayon ko lang siya nakilala?”

“I don’t think I have the right to affirm any of that. Lalo na’t ngayon ko rin lang nalaman na hindi mo pala alam.” Sagot niya nang diretso rin ang tingin kay Enoch. “You set your questions aside first. Kung hindi mo alam, isa ito sa pinakamahalagang bagay para sa akin bilang isang gintong dugo. Mahalaga ang araw na ito, hindi lang para sa akin kung hindi ay para rin sa inyo.” Giit niya.

“Not once have I thought Enoch to be chosen. After everything he has been through many years ago, he hated responsibilities. He hated the stars. Ngayon, malalaman ko na ang rason kung bakit siya pa rin ang pinili nito…” dugtong niya. “…At ganoon rin sa iyo. Why an Olden?” tila matagal na niya iyong katanungan sa sarili.

Natahimik ako. “Ang alam ko’y napasakamay siya ng mga kalaban noon. Napakaraming itim na mahika ang nag-iwan ng marka sa kanyang katauhan, at naging sanhi ito ng pagputol ng kanyang konesyon sa mga bituin. Totoo ba ito?”

Hindi siya nakasagot. Rinig ko lang ang paghugot niya ng malalim na hininga. “Yes… That was true.”

“At hinayaan niyong mangyari sa kanya iyon? Hinayaan niyo siyang mapasakamay ng mga kalaban kasama ng napakarami pang mga nilalang? Habang kayo ay patuloy na namumuhay ng matiwasay at ligtas sa loob ng mga palasyo ninyo?”

“You don’t know anything.” tipid na sagot niya lang. “Kaya magiging tapat ako sayo. Rulers can’t save everyone, Nephalae… Even if we believe in that lie, we could never save everyone and everything no matter how much we tried. But I promise you, we badly--terribly want to… We just can’t...” nanghina ang boses niya sa huling mga kataga. Bahagya siyang napailing. “Kagaya ng ginawa mo sa Theros.”

Sa pagkakataong iyon ay ako naman ang hindi nakapagsalita. Umiwas ako ng tingin sa kanya at humakbang sa gitna ng dalawang kawal upang mas mapalapit pa sa nasaan si Enoch. Patag ang lugar ng paglalabanan. Walang kahit anong harang sa pabilog na entablado, kung sino man ang lalagas sa bawat sulok nito ay tiyak na babagsak nalang sa marahas na tubig.

Voyaging Scales (Legend Of The Stars #3)Where stories live. Discover now