This is the last chapter. Thank you for reading! I hope you enjoyed the voyage of Enoch and Nephalae <3
Music for this chapter on the multimedia above.
***
Kung pagpalain
"Alagaan mo ang espada, Enoch... Huwag mo na ulit itong itatapon sa dagat dahil kung magkataon mang makita ko ulit ito sa ilalim, hindi ko na muling kukunin ito..." Babala ko sa kanya.
Mahina siyang tumango at natukod ang dalawang kamay sa mga batuhan. Napapansin ko ang pagkuyom ng mga iyon at muling paglabas ng kadiliman sa kanyang ugat. Huminga ako ng malalim bago marahang inabot ang mga palad niya roon.
"Enoch," tawag ko sa kanya.
"So, he was a Van Doren..." Bumigat ang kanyang paghinga bago sinalubong ang mga mata ko nang may kalungkutan sa kanyang mukha. "...A Van Doren King whom no one in this era has ever heard of."
Mahina akong tumango. "Maliban sa aming dalawa ni Daniel... At ngayon, ikaw..." Huminga ako ng malalim. "Enoch, ang mga nakikitang pangitain mo noon ay ang mga alaala niya na ibinigay sayo ng dagat at ang pagsasama naming dalawa... Kung kaya't nagawa mo akong makilala sa ganoong paraan kahit hindi pa tayo nagkikita..."
Malumay siyang napatango. "I know. But I didn't fell in love with you just because of that, Neph... I loved you out of my own will. I loved you before I even knew there was a bond between us..."
Napangiti ako.
"I'm sure I can love you without it," dugtong pa niya.
"Paalam, Enoch..." tugon ko sa kanya at bumitaw na sa batuhan. Hinayaan ko ang sariling bahagyang tangayin na ng alon pabalik sa dagat.
"Can you love me without it too, Neph?" Nanatili siya sa kung nasaan siya. Sa dulo ng mga batuhan, nakaluhod, at halos hinahayaan na ang sariling bumagsak sa tubig. Bakas pa rin sa mukha niya ang pagluluksa at pagsisisi. Napabuntong-hininga ako at mahinang tumango.
"Oo naman."
Binuksan ang aking isang palad sa ilalim. Bumaybay mula roon ang kapangyarihan ko sa pagtawag muli ng mga perlas kong matagal na ring nawalay sa akin. Bumaba ang tingin upang pagmasdan ang pag-akyat nila patungo sa akin mula sa ilalim.
Mas lalo pa ang ngiti ko at mangiyak-ngiyak na dinama sila sa aking mga palad nang palibutan na nila. Umangat ang tingin ko kay Enoch at nakitang nakatitig rin siya sa pagbalik ng mga perlas ko sa akin.
"Alam mo ba ang tunay nilang halaga? Ng mga perlas na nagmula sa akin?" Malungkot akong napangiti. "Sa tingin ko ay... binigay sa akin ang kakayahan na maging tagapangalaga nila upang makita ang halaga ng tungkulin at pinagmulan... Enoch, masaya ako... dahil nagkaroon ako ng pagkakataon na humawak sa isa sa mga pinaka makapangayarihang espada kasama mo... Pero gaano man katagal ako nawalay sa aking lahi--ilang mga dekada man nakalipas, hindi pa rin dapat ako mawala sa kung saan ako nararapat. At hindi iyon sa tabi mo, Enoch..."
Pumatak ang isang luha sa mata ko. "Mahal kita... at patuloy kitang mamahalin. A-At salamat... Dahil sa pagsama ko sayo sa paghawak ng espada ay nagkaroon ulit ako ng pagkakataon upang mabuhay, at makilala muli ang aking sarili... S-Sana tandaan mo iyan..." Kinuha ko ang isang perlas na nakapaligid na ngayon sa akin at nilahad sa kanya. "Ikaw... ang nagbigay sa akin ng totoong kalayaan."
"Ang bato ng buwan ay isang perlas at nabuo iyon dahil sa sumpa mo... At dahil sa sumpa mo, nagkasama tayo. Sa pagkakataon na ito, gusto kitang bigyan ng panibago. Wala itong kahit anong kapangyarihan sa lupa, Enoch. Pero parte ito ng pagkatao ko..." Sumikip ang dibdib ko at bahagyang kinabahan. "S-Sana huwag mo akong makalimutan... kahit na lumipas man ang ilang mga taon."
YOU ARE READING
Voyaging Scales (Legend Of The Stars #3)
FantasyLegend Of The Stars #3 (Completed) •Alignments After thousands of years of being in prison in a cave, the Olden Mermaid--Nephalae, finally found herself free. Or was she truly is? Considering her eyes have only been open to the new world she once lo...