Riverdel
Matapos kong makipag-usap sa mga diyosa ay bumalik na ako sa ibabaw ng tubig. Kagaya ng pinangako ko kay Enoch, ay hindi na ako tumagal pa sa ilalim. May kaakibat ng takot sa puso ko sa pag-akyat ngunit hindi ko na gustong ipahalata pa iyon kay Enoch. Kahit papaano'y... inaasahan ko na rin naman iyon.
Kagaya ng sinabi ko, kamatayan na ang humahabol sa amin ngayon.
Ano mang mangyari sa loob ng kweba... Sabay namin iyong haharapin. At kung may mag-aalay man ng buhay sa aming dalawa ni Enoch, ako iyon... sapagkat isa akong Olden. At dahil si Enoch ang gumawa ng sumpa kung gayun ay may posibilidad na hindi siya pahihintulutan nito.
Ang ibig sabihin nun, k-kung mangyayari nga ang ibinilin sa akin ng mga sirena ay wala nang pagpipilian pang magaganap...
Marahan na umahon ako sa tubig ng may ngiti sa labi. Kagaya ng inaasahan ko ay naroroon na agad si Enoch sa ibabang bahagi ng Sailerys para salubungin ako. Bahagya siyang napaigtad bago napaluhod sa kinatatayuan upang makalapit sa akin.
Pinilit kong panatilihin ang ngiti ko sa likod ng bigat na nararamdaman ko sa dibdib. Lumangoy ako papalapit sa kanya at napagdesisyonang manatili pa rin sa tubig. Hindi pa ako makakapagpalit ng anyo... dahil nandito siya. H-Hindi nalang ako basta-bastang umahon nalang sa harapan niya.
"You took so long, Neph..." bulong niya at lumabi.
Tuluyan ng lumuhod ang isang tuhod niya sa harapan ko habang ang isa ay nanatiling nakalapag at pinagpatungan niya ng kanyang braso. Mukhang ngayon lang siya nakahinga ng maluwag ngunit bakas pa rin ang pag-aalala sa kanyang mukha.
"Akala ko tuluyan ka na nilang kukunin."
"Bakat naman nila gagawin iyon, Enoch?" Natatawang napailing ako. "Naiintindihan nila ako... Tayo... At kung bakit kailangan nating bumalik ng Riverdel." Tugon ko.
"Did they knew about me too? Who I am and what am I to you? Alam ba nilang isa ako sa mga kalaban?" sunod-sunod ang maririin niyang tanong.
Mabilis akong umiling. "Hindi ka naman kalaban, Enoch. At oo, alam nilang mahal kita at ikaw ang katunggali ko sa paghawak ng espada. Ngunit hindi ibig sabihin nun ay banta ka na sa lahi namin... Ikaw pa rin ang papanigan ko, Enoch... At rerespetuhin nila ang desisyon kong iyon." Pagpapaintindi ko sa kanya.
Mukhang hindi pa rin siya nakukumbense, pero pinili nalang niyang tumahimik. Napabuntong-hininga siya bago nilubog ang isang kamay sa tubig. Napasinghap ako nang inabot niya ang palad ko sa ilalim.
"Alright..." Bulong niya. "Kailangan mo nang umakyat dito. We're almost in Riverdel, and the night's getting darker. We should start preparing."
Napatango ako at naiilang na umiwas ng tingin.
"M-Mauna ka na..." Saad ko at binitawan ang kanyang kamay. Inabot ko rin ang kasuotan ko kanina na nakasabit na ngayon sa balikat niya.
"Oh." Nanlaki ang mga mata niya at bahagyang bumaba ang tingin sa dibdib ko. Tanging ang mahabang buhok ko lang ang kasalukuyang humaharang sa katawan ko ngayon.
"R-Right." Napatikhim siya bago tumayo. Ilang segundo pa niya akong pinagmasdan bago tuluyang tumalikod na. Sinundan ko siya ng tingin hanggang sa makaakyat siya sa itaas. Hinintay ko munang mawala siya sa tingin ko bago umahon.
Hinila ko ang sarili sa kung saan nakaluhod kanina si Enoch bago binago ang anyo. Naiilang na sinuot ko rin ang kasuotan ko at inayos ang bawat tali nun sa katawan ko. Nang bahagyang tumuyo na ang buhok ko ay tumayo na ako para sumunod sa kanya.
Pumatak ang ilang butil ng tubig mula sa akin sa pag-akyat ko sa hagdan. Tinuon ko ang aking atensyon sa harapan ng Sailerys. Mabilis na tumupok ang kaba sa dibdib ko nang mapansin sa gitna ng dilim ang tila mga anino matataas na bukirin sa kalayuan.
![](https://img.wattpad.com/cover/229854465-288-k166989.jpg)
YOU ARE READING
Voyaging Scales (Legend Of The Stars #3)
FantasyLegend Of The Stars #3 (Completed) •Alignments After thousands of years of being in prison in a cave, the Olden Mermaid--Nephalae, finally found herself free. Or was she truly is? Considering her eyes have only been open to the new world she once lo...