Chapter Five

37 3 0
                                    

Fire

"B-Bitawan mo ako!"

Sa abot ng lakas ko ay tinulak ko ang mapangahas na manlalakbay na ito na bigla-bigla nalang nanghahalik. Pinako niya lang pabalik ang mga braso ko at halakhak lang ang tanging isinagot sa akin.

"Huwag kang sumigaw... Please, my serene. Tumakas lang ako para rito..." Bahagyang sumilip pa siya sa pintuan. "And we're running out of time."

Umiling ako sa kaba. "Gusto ko nang b-bumalik... Pakiusap..." Natupi ko ang bibig ko at iniwasan ang paghagip ng tingin niya sa mga mata ko.

Kailangan ko pang tulungan si Damen sa paglilibot para sa mga mabubuting nilalang. Kailangan niya pang umawit sa iba pang sulok sa parteng ito ng Theros. M-Makikilala siya kapag wala ang kapangyarihan ko!

At sina Everett at Atticus... Mawawalan ng silbi ang pagtitiwala nila sa amin kapag mangyari iyon.

"Kailangan ko nang bumalik!"

Pilit ko pang bumitaw sa kanya, mas lalo pa akong nagwala. Gusto kong umiyak sa sama ng loob. W-Wala pang may humahalik sa akin at wala akong plano na humangad pa ng mga bagay na iyon. May plano ako... May plano akong kung sakali mang makakauwi na ako sa dagat, ay babalik ako roon na birhen sa kahit ano mang pagnanasa ng mga nilalang rito sa lupa!

Mahalaga sa akin ang bagay na kakakuha niya lang. Mahalaga na mapangalagaan ko at mapanatiling silyado. Ang halik ng mga sirena... ay hindi lang basta paglapat ng mga labi. Isa rin itong kayamanan para sa amin.

Muli niyang hinawakan ang mga kamay ko at bahagyang yumuko. Mabilis siyang umiling-iling nang may sumisilip na hindi ko maipaliwanag na pag-aalala sa mga mata niya. Binitawan niya ang mga pulupulsuhan ko at mahigpit na pinigilan ang mukha ko sa pagpihit sa kung saan-saan. Umiling siya.

"You can't. Ilasandre, you can't. Something will happen here... in this part of Theros. Hindi ka na pwedeng manatili pa rito... You have to come with me. Ano mang oras ay dadating na sila... I'm here to take you somewhere safe. Please..."

Natigilan ako sa pagmamakaawa ng mga mata niya. Marahan niyang hinimas ang mga pisngi ko at bumuga ng hininga bago nilagyan ng distansya ang pagitan namin.

"You don't trust me. Hindi kita pipilitin na baguhin pa iyon, pero pakinggan mo ako. This part of Theros will fall."

Tila sinabuyan ako ng maiinit na tubig sa binigkas niya. Nalilito ko siyang tinitigan. Hindi ko alam kung nagsisinungaling ba siya, ngunit unti-unti nang bumabakas ang takot sa mukha niya.

"A-Anong sinasabi mo?" Singhap ko.

Humigpit pa ang hawak niya at sinandal muli ako sa pader. Napapikit siya ng mariin at napakagat sa ibabang labi na tila may pinipigilang isiwalat sa pagitan naming dalawa.

"Ilasandre..."

Napalunok ako. "Wala akong pagsasabihan... kung iyan ang inaalala mo. Gusto ko lang maintindihan ang mga sinasabi mong ito..."

Mas lalo pa siyang napapikit ng mariin. "Wala ka nang mapagsasabihan pagtapos nito, Ilasandre. Wala na."

Hindi ko namalayan ang pag-akyat ng mga kamay ko sa braso niya. Napaawang ang bibig ko sa lapit namin sa isa't isa bago napailing sa kalituhan. Ano ba ang gusto niyang iparating? Anong mangyayari sa parte na ito ng Theros na malapit sa mga pangpang?

"Wala akong may maintindihan, E-Enoch..."

Yumuko siya at hinawakan ang ibaba ng mukha ko para pigilang umiwas ng tingin sa kanya. Napahinga siya ng malalim bago pinagmasdan ako.

"This part of Theros is changing. The King said it's as if something underneath it is awakening. Sa tingin nila may bumubukas na lagusan sa ilalim ng lupain rito mula mundo ng mga demonyo. They can't risk that to happen again..." Nag-aalala niyang bulong.

Voyaging Scales (Legend Of The Stars #3)Where stories live. Discover now