Chapter Twenty-four

17 3 0
                                    

Deacon

Hindi ko alam kung gaano ako katagal tinangay ng mga alon patungo sa lupain ng Deacon. Hindi ko rin binilang ang mga pagkakataon kung ilang beses tumama ang katawan ko sa mga naglalakihang bato sa ilalim ng dagat dahil sa bilis ng pagkakahila sa akin ng dagat. Hindi na ako nakagawa pang makalangoy ng maiigi dahil sa pwersa nito, mistulang sabik na sabik na rin ang dagat na ibalik ao sa lupa.

Pakiramdam ko ay nawalan na rin ako ng malay dahil sa pagkakahila, at dala na rin ng paulit-ulit na panunumbalik ng kanyang imahe sa aking isipan. Enoch...

Hindi ako makapaniwalang nagawa ko iyon ng ganoon kabilis... Ang iwan siya sa mismong sitwasyong iyon.

Ngunit mas nangibabaw pa rin ang pangangailangan ng aking mga binitawang salita kay Loraz. Kung ano man ang magiging kinalabasan nito, mahahanap man ako ni Enoch o hindi, ipagpapatuloy ko ang responsibilidad ko sa espadang ito. Pero umaasa pa rin ako na masusundan niya ang aking tinig sa huling araw.

Ilang minuto akong nakadapa lamang sa tabing-dagat. Hindi pa ako tuluyang nakakaipon ng lakas dala ng panghihina at pagod. Gaano ba kalayo ang Sailerys mula rito? Noong ako'y tumalon mula roon ay hindi pa lumulubog ang araw, ngunit nang bumagsak na ako rito ay halos kompleto na ang lahat ng mga bituin sa kalangitan.

Walang buhay akong napakurap. Kinuyom ko ang mga kamay ko sa buhangin at hindi na napigilang hindi mapaiyak. Matagal ko ng natitiyak na ang mundong ito... ay napakalaki na ng pagbabago at hindi ko na gugustuhing pang mabuhay rito ng matagal, wala na akong may inaasahan pa noon kung hindi ang malayang pamumuhay nalang ng hindi nagtatago at nagpapalipat-lipat ng lugar. Simula noong nakalabas ako ay ito nalang ang tanging kagustuhan ko. Wala na akong may hininging responsibilidad o kahit ano mang pangalawang pagkakataon sapagkat hindi ko na ito gugustuhin pa... Pero bakit?

Dahan-dahan kong kinapa ang dibdib ko.

Bakit muli kang tumibok?

Isang lalaki lang ang minahal ko... Isang lalaki lang ang pinili sa akin ng mga bituin at nangako rin ako na wala ng magbabago nun. Na wala ng susunod pa o darating sa buhay ko... Gaano man katagal ang lumipas na panahon na nasa kweba ako, gaano man karami ang mga nilalang na humarap sa akin roon para sa isang kahilingan, walang kahit sino man ang makakapagbago nito. Wala na... dahil natuldukan na ang aking oras para sa pagmamahal.

Masyado na akong matagal na namumuhay ng wala ito, kaya bakit pa? Bakit pa kung magiging isang pagsuway ito sa bituin? Bakit ko pa kailangang maramdaman ito kung ang maaaring magiging kalalabasan lang nito ay kaguluhan?

Mariin akong napapikit at napahikbi nalang sa buhangin.

Hindi ito pwede...

---

Hindi ko na mabilang kung ilang oras na ang lumipas bago ko ginapang ang sarili papalayo sa tubig.

Nilapag ko ang espada sa kalapit na bato bago hinayaan ang aking sariling magpalit ng anyo. Nilibot ko ang tingin ko sa paligid. Deacon. Kagaya ng inaasahan ko, tahimik. Ang lupain ng Puting Hari--ang Haring ilang beses ring lumapit sa akin noon noong nasa kweba pa ako para magmakaawa para sa kanyang pagmamahal.

Hindi ko alam kung may nagbago ngayon sa kaharian na ito, dahil sa ilang beses kong paninirahan rito ay parang wala namang nag-iiba. Kahit pa dekada na ang nakalipas, nanatili paring pinakamisteryosong kaharian ang Deacon.

Unti-unti akong tumayo nang bumalik na ang mga paa. Lumapit ako sa pinakamalapit na bahay at kinuha ang talukbong na nakasampay sa likuran nito. Pinulupot ko ito sa aking sarili at tinakpan ang mukha. Saglit akong sumilip sa loob. Napasinghap ako at muling napayuko nang maanig ang isang matandang elven. Mukhang hindi naman niya kailangan ang talukbong na ito.

Voyaging Scales (Legend Of The Stars #3)Where stories live. Discover now