A decade ago...
"We shall make a treaty that will settle this matter."
Umangat ang lahat ng mga tingin namin sa Haring nagsalita. Si Haring Lavislous. Matapos ang mahabang sagutan ng dalawang pinakamatataas at matatalinong mga salamangkero sa kanyang harapan ay sa wakas nagsalita na rin siya. Both of the bowed before him then left the aisle.
The five greatest Kings of the five kingdoms with their Queens sat in front of us to bestow us judgement. Napatingin ako sa mga kasamahan kong nakaluhod rin sa kanilang harapan. May ilang tahimik na umiiyak nalang para sa kanilang mga buhay habang ang ilan ay patuloy pa ring nanginginig sa takot. We've been kneeling in the floor in front of their thrones for hours now, and yet they still haven't come up with a decision on what to do with us.
They call us traitors. They call us pawns... because we fought against them... We fought for Lysandra. Ang pagiging purong dugo namin ay nabahiran na ng kadiliman dahil sa iba't ibang uri ng mga kapangyarihan dahil sa babaeng iyon... She had no mercy. Even innocent children--the ones I'm kneeling with now were also captured and tortured. We are nothing more but victims... Pagkatapos ay ito ang magiging kapalaran namin pagkatapos ng digmaan.
Pinukulan ko ng masamang tingin ang Haring nagsalita. Ang buong akala namin ang magiging ligtas na kami sa mga kamay nila... But how could we? They are liars. They've been fooling the world for who they are for who knows how long... I trusted them, but not anymore. Mas inaasahan ko pa ngayon na ang magiging desisyon nalang nila ay pugutan kami ng mga ulo.
The war is over. Everyone fought. Pero kung mas higit mang naipit sa digmaan ay walang iba iyon kung hindi kami. Ang lahat ng mga nakaluhod dito ngayon. At wala na kaming ibang hinihiling pa sa kanila kung hindi hustisya.
Justice... for the crimes we've committed that were never in our intentions. Justice for the manipulation that we've been through.
"N-Natatakot ako..."
I held Dalia's hand on my arm tightly. Kanina pa niya tinatago ang sarili niya sa likuran ko at patuloy lang sa pag-iyak. She has chains on her hands just like mine. Kahit ang isang maliit na prinsesa na katulad niya ay hindi rin pinalampas.
"S-Sora will do something... Hindi tayo pwedeng mamatay, Enoch... Wala tayong ginawa na m-masama, 'di ba? We h-had no choice..."
"Sshh..." Itinaas ko ang kamay ko para senyasahan siya. Agad siyang natahimik at napaangat na rin ang tingin kat Haring Lavislous. Pero hindi nagtagal ay bumaba rin ang kanyang tingin na para bang wala siyang karapatan upang magmasid pa sa kanila.
"T-This is not fair... We've been protecting them, Enoch. We've been following their orders even since we were little... Wala tayong nilabag sa kanilang mga batas," takot na bulong niya sa akin.
"Ano pa ba ang inaasahan mo? They've been lying to us, Dalia. Ginagamit na nila tayo sa simula pa lang." I whispered back to her. Kailangan na niyang magising. Here we all thought Astraea and the ravensiels were just myths because of them, but we didn't knew those myths were already standing right in front of us... At ang masama pa roon ay hindi pa pala tapos... Hindi pa pala tapos ang kaguluhang dinulot nila sa nakaraan na mga sa kwento ko lang napag-aralan.
It was never over until this battle came. But the aftermath of this war will be endless.
"They are allowed to live, and to be in the five kingdoms. But, they are not allowed to stay for long," panimula ni Haring Lavislous. Bakas pa ang pagod sa mga mukha nilang lahat kahit ilang linggo nang nakalipas matapos ang digmaan. Ngayon lang nila kami napagtuonan ng atensyon dahil mas inuna pa nila ang selebrasyon sa kanilang 'pagkapanalo'.
![](https://img.wattpad.com/cover/229854465-288-k166989.jpg)
YOU ARE READING
Voyaging Scales (Legend Of The Stars #3)
FantasyLegend Of The Stars #3 (Completed) •Alignments After thousands of years of being in prison in a cave, the Olden Mermaid--Nephalae, finally found herself free. Or was she truly is? Considering her eyes have only been open to the new world she once lo...