Silver and Gold
“Saan tayo patungo ngayon?” tanong ko kay Enoch matapos niya akong hilahin mula sa entablado.
Kasalukuyang nakangiti sa aming lahat ang mga nadadaanan namin. Nahihiyang hinandugan ko rin sila ng kaway nang may ilan nang itinaas ang kani-kanilang mga kamay sa amin. Kay tagal ko ring hindi nakaramdaman ng ganitong uri ng pagpupunyagi. At mas lalong hindi koi to inaasahan mula sa kanila.
“It’s done. Hindi nila tatayo paaalisin. Told you so…” Lumingon siya sa akin at ngumisi. “Si kapitan na ang bahala magpataw ng kaparusahan para kay Felipe. Huwag kang mag-alala. They won’t do anything to him or to his son…”
“Mananatili rin sila dito?” hindi ko alam kung saan nanggaling ang galak sa boses ko.
“Yes, they can… since most of us here have accepted us. Hindi k aba masaya, Neph?”
“M-Masaya!” napalakas ang sambit ko. “Hindi ko alam kung paano sila pasasalamatan…”
Lumapad ang ngiti niya. “Then, accept my offer. Be one of us, Nephalae. Stay with me here… in Sailerys. Wala na pala akong pakialam sa Haring iyon. I don’t care if you’re bonded to anyone or not, allow me to claim you…” Kinunotan ko siya ng noo. Napatikhim naman siya at napaiwas ng tingin. “…a-as a member of our voyage.”
Mahina akong napatawa. Napailing-iling ako bago huminto sa tapat ng silid na namin Oizys na bahagyang maayos na. Nilahad niya sa akin ang espada. Napabuntong-hininga ako bago kinuha iyon.
“Sa tingin ko ay masyadong pang maaga para tanggapin ko iyan.” Ngumiti ako sa kanya. “Pero salamat pa rin.”
“You saw a little bit of hope now, did you?” tila nanunuyo ang kanyang boses.
Tumango ako. “Ang inaasahan ko ay papaalisin nila ako rito… Magiging ligtas naman sila kapag nasa iyo lang ang espada. Higit sa lahat, mas nauunawaan mo ito kaysa sa akin at maaaring hindi na rin ako kakailanganin ito.”
Mabilis siyang umiling bilang pagtutol. “It needs you more that it needs me. Nararamdaman ko ito, Neph. I am the one who rejected it, didn’t I? It will cling on more to you. I cannot rejected it anymore, but it will still favor you. Maiintidihan mo rin ito kapag natuturuan na kita…” panigurado niya.
“We’ll start now, shall we?” Agda niya at mas lumapad pa ang ngiti sa mukha.
“Kaya mo ba ako hinila paalis roon?”
Bumaba ang kanyang tingin. Hindi napawi ang ngiti sa kanyang mga labi na tila ba’y nasa isipan na niya ang lahat ng mga gagawin namin… at nananabik siya rito.
“Sa tingin mo ba ay talagang handa na ako?” Mahina kong tanong.
“No.” Makatotohanan niyang sagot. “Wala pa akong kilalang sirena na humawak ng isang sandata. I assume you’ll be the first…” Mangha niyang sagot, nasisilayan na ang tila pag-asa kanyang mga mata.
Mas lalo lang akong nabagabag dahil sa sinabi niya.
“Huwag kang masyadong umasa na mapapagkatiwalaan ako rito.” tukoy ko sa espada. “Wala akong alam pagdating sa--"
“I know, I know.” Itinaas niya ang dalawang kamay niya habang tumango-tango. Marahan niya binaba ang mga iyon at hinawakan ang mga balikat ko. “You’re too serious, Neph. Nagbibiro lang ako.” Bahagya siyang tumawa.
“Ano?”
“We’re not starting today. Gusto kong magpahinga ka muna… or you can study… in my room.” maamo n iyang sagot. “Kasi nandun lahat ng libro dito.”
![](https://img.wattpad.com/cover/229854465-288-k166989.jpg)
YOU ARE READING
Voyaging Scales (Legend Of The Stars #3)
FantasyLegend Of The Stars #3 (Completed) •Alignments After thousands of years of being in prison in a cave, the Olden Mermaid--Nephalae, finally found herself free. Or was she truly is? Considering her eyes have only been open to the new world she once lo...