Chapter Thirty-one

27 4 0
                                    

Kahilingan at Sumpa

Napakabilis ng pangyayari. Nagunaw na lamang si Oizys sa harapan ko na parang isang nauupos na kandila, bago unti-unting namuo ang hugis ng isang katawan ngunit hindi na ito ang dati niyang normal na anyo.

Isang kabayo...

Hindi ko napigilan ang aking sarili sa pwersang lumabas sa kanya sa oras na lumabas ang kanyang bagong anyo. Tuluyan na akong napaluhod sa sahig at yumuko sa kanyang harapan. Sa abot ng mga kaalaman ko, isang dyosa lang ang may ganitong diwa sa tuwing nagpapalit ng anyo... at hindi ako makapaniwalang narito siya ngayon sa harapan ko.

Siya... Si Oizys... ay ang dyosa ng karagatan.

"B-Bakit niyo ito ginagawa? Bakit niyo gustong pigilan si Sora? B-Bakit... Bakit nais ninyong sakupin ang Astraea?" Nakatitig lamang ako sa sahig. Pakiramdam ko nawalan na ako ng kakayahan na mag-angat pa ng tingin sa kanya. Isa siyang dyosa... na kailanma'y hindi maaaring humarap sa mga mas nakakababang nilalang na kagaya ko.

Pero... ang kanyang pagpapanggap at kanyang pag-eespiya, nangunguhulugan ba ito ng higit pa sa inaasahan ko? Ito ba ang kinatatakot ng mga Hari't Reyna kagaya ng sinabi ni Daniel? Isang uri ng mga bagong kalaban... na hindi nila nakikilala? At kapag wala ang mga espada sa limang kaharian, wala silang magiging laban sa kanila?

Gusto kong mapaiyak nalang. Pakiramdam ko nawawalan ng silbi ang lahat. Ang pagprotekta ko sa susi ng tore noon. Ang sakripisyo ng huling tao na kumuha nito sa akin at halos binigay na ang kanyang buhay. At ano ito ngayon? Bakit nanghihimasok na naman ang lahi ni Oizys kung saang may kapayapaan na sa Astraea?

"Ginagawa namin ito dahil nararapat ito sa lahi namin... Sa simula pa lang, kami na dapat ang namumuno sa lahat." Sambit ng boses sa likod ng anyo ng kabayo. "Kahit sa panahon mo noon pa man, Nephalae. The throne should've belong to my kind, and not to Ravensiels. They've committed treason and things that you can't imagine."

Mahina akong napailing. "Kapag ginawa niyo ito... magiging makasarili kayo sa mata ng lahat..."

"Hindi iyan mangyayari kung ang mga kaharian na mismo ang tumanggap sa amin. You'll see one day." Iyon na lang ang naging huling tugon niya bago gumalaw ang kabayo sa kinatatayuan nito. Nagsimula itong tumakbo sa buong Sailerys bago tumayo sa balkonahe.

"Since you've came from the time of Empires, I think it would be right for me to name you before I leave... Nang sa ganun ay masisigurado kong nasa mabuting mga kamay ang buong karagatan sa aking pag-alis," mahinahon niyang giit.

Napasinghap ako. I-Ito ba? Ito ba ang tagal niyang itinalaga para sa akin? Ito ba ang inaasahan niyang kapalaran ko? Dahil ako... hindi pa ako sigurado kung magiging karapatdapat ba ako dito...

"As the goddess of the sea, I entrust you with the seven seas of Astraea, Nephalae. And since you've came from the time of Empires, I would name you as the Olden Queen with the blood of an Empress--The mother of the sea."

Nagsimulang manginig ang katawan ko nang maramdaman ang kanyang basbas. Mariin akong napapikit nang nag-alab ang katawan ko. Tila umahon ako sa hindi inaasahang paraan nang maramdaman ang pagkawala na niya sa harapan ko. Umangat ang tingin ko sa balkonahe. Wala na siya...

Kusang umangat ang kamay ko sa ere nang may luha sa mukha. Kumalabog ang puso ko nang sumunod sa aking palad ang tubig--sanhi upang gumalaw na ang Sailerys at lumagas papalayo sa tabing-dagat kung saan ito nakatali. Dala ng sunod-sunod pang malalakas na alon ay tuluyan na itong pumagitna sa karagatan.

Bumakas ang mga mata ko at agad na walang tigil ang paglagas ng mga luha ko. Magkahalong takot at kaligayahan ang aking nararamdaman ngayon. Kaligayahan para sa dangal na ibinigay sa akin ng mismong dyosa ng dagat, at takot para sa hinaharap. Sapagkat ang kanyang pagsisiwalat sa akin ng katotohanan ng kanyang katauhan ay mas lalo lang nagbigay kumpernasyon para sa mangyayari. Isang pag-aagawan ng kapangyarihan ang nakatakda ng mangyari...

Voyaging Scales (Legend Of The Stars #3)Where stories live. Discover now