Chapter Four

46 5 0
                                    

Beggar

"Pupunta ka na naman sa paaralang iyon, Atticus?"

Humarap si Atticus sa aming tatlo. Inayos niya ang pagkakapusod ng buhok niya sa likod at bahagyang nilinas rin ang pinakamaayos niyang kasuotan na mayroon siya.

"Hindi ako pupunta roon para humiram ng mga libro o ng kung ano. I'm heading there to steal. Hindi tayo makapusit sa mga bayan rito sa Theros dahil mahigpit ang pagbabantay ngayon. They are still here, Eva..." Abiso niya.

"Atticus..." Nag-aalalang tawag ko at lumapit na sa kanya. "May natitira pa naman..."

"How long do you think our food will last, Ilasandre? Dalawang linggo na noong huli kang nakabili, hindi ba? And what did you use for trading? Shells?" Napailing siya. "We can't buy anything with that now. Theros is guarded. Trades won't be allowed no matter how pretty the shells you offer." Pang-ilang ulit na niyang paliwanag.

"Tama siya, Ila..." Rinig kong sumasang-ayon nang tugon ni Damen. "Hindi rin tayo makakaalis rito hanggang nandito sila."

"Theros has four gates and open seas." Madiing usal ni Everett. "Those gates weren't fully guarded. How can we not get our way out here?" Sarkastiko niyang tanong.

Sumandal siya sa silyang inuupuan niya at tinupi ang dalawang braso. Pinaglaruan niya ang dulong mga hibla ng maitim niyang buhok. "We can take the gate in the north. I can put the boring knights there to sleep. Ilasandre can pass through the Toris Bay. Mawawala tayo na parang mga bula..." Paggalit na suhestyon niya habang nakatitig kay Damen. "Hindi na pwedeng bumalik pa roon si Atticus."

Bumuntong hininga si Atticus sa harapan ko bago marahang hinawakan ang braso at ngumiti ng may paninigurado sa amin. "Baka nakakalimutan mong hindi lang mga Hari't Reyna ang mga bisita, Everett?"

"We have company in waters, too."

Wala sa sariling akong napayuko. Ang mga pinaunlakan at binigyan pa ng bulwagan...

"An impressive fleet is also here." Tukoy ni Damen. "Their ships are in every island here. Naglalayag sila sa bawat sulok ng Theros. I think they're studying the lands here. Walang madadaan si Ilasandre kung tatahakin niya ang tubig."

"Sa tingin mo, anong ginagawa dito, Damen? Do you think your family plans something? Was this because of the conflagration?" Tanong ni Everett.

Ang konfligrasyon sa nagtataasang mga trono. Wala kaming masyadong naririnig tungkol dito dahil masyadong maingat ang may mga alam sa pagsisiwalat nito. Ang huling nalaman ko lang tungkol rito ay ang pagwawasak raw ng mga kaharian at walang tigil na kamatayan... na inumpisahan ng tinatawag nilang gintong reyna at sinuportahan ng lima.

Napatitig ako kay Damen. Nagpakawala lang siya ng hininga. "I think they are pledging an alliance to Theros. I'm not sure..."

"We can wait until they leave. It's either Atticus goes to that forgotten school or I can disguise..."

Hindi na niya naituloy ang pagsasalita nang tumayo si Everett. "Kahit ano pa man ang sadya nila dito, wala na tayo roon--Maliban nalang sayo, Damen. You're still one their children of the kingdoms. Ang dugo mo ay dugo pa rin ng ama mo. Pwedeng-pwede ka pa rin nilang angkinin kaya hindi ka pwedeng magparamdam sa kung kahit saan lang. You can't just disguise as a beggar near the castle."

Napahimas siya sa kanyang noo. "Clearly, we don't have a decent plan."

"My plan is decent!" Usal ni Atticus ngunit sabay-sabay lang kami ulit umiling sa kanya.

"That place was the place of the last great war. The traces of wickedness are still in there."

Napaiwas na lamang siya ng tingin kay Everett. Wala nang nagsalita pa sa amin. Wala ni isa sa amin ang may ligtas na kalayaan para lumabas ngayon, pero dalawang araw na kaming walang pagkain.

Voyaging Scales (Legend Of The Stars #3)Where stories live. Discover now