Dalawa
“My flute? But, Neph… you can sing beautifully than that. Kantahan mo nalang kaya ako?”
Kumindat siya at kampanteng humilig sa palad niya na nakatukod sa rehas habang pinagmamasdan ako. “Hindi ko pa pala naririnig ang boses mo. Hmm…”
“Hindi ako kumakanta.” Sagot ko sa kanya. “At mas gugustuhin ko pang marinig ang iyong plawta. Hindi ba’t pampaamo ng mga sirena ang himig mo noon? Iyon ang ginamit mo upang madakip niyo ako.” Akusa ko sa kanya.
Napayuko siya. “Actually, no. That hymn was… well-known. Nagmula iyon sa isang piyesa, hanggang sa isinalin sa iba’t iba pang instrumento. It was only taught to me…” Ngumiti siya. “Kaya wala kang dapat ipag-alala.”
Ibig sabihin, hindi iyon parte ng bitag nila?
“Pero paanong nadala ako ng himig na iyon?”
“Hmm, I don’t know. Maybe because it’s coming from me?”
Tinignan ko siya ng masama. Umiwas ako ng tingin nang maramdaman ang pag-iinit ng pisngi. Bakit ba ganito siya magsalita? Kahit na noon pang unang beses pa lang naming magkakilala ay tila bumabalik nalang sa kanya ang mga usapan namin. Seryoso ako pagdating sa mga bagay na ito lalo na sa mga nangyari pero para sa kanya tila wala lang ang mga ito… Kagaya nalang ng pagkawala ng kanyang paa.
Narinig ko ang malalim niyang paghinga. Bumitaw siya sa paghawak sa mga rehas at tumayo ng maiigi sa harapan ko. “Fine. I will play for you. But in one condition…”
“Kung may kondisyon pala, huwag nalang.” Saad ko.
“You’ll need the condition. Hindi mo naman gugustuhing si kapitan ang magturo sayo na humawak ng espada, hindi ba? Kahit tanungin mo pa si Oizys. He’s really strict, Nephalae. He wasn’t patient with his students, he won’t be patient with you too.” Seryoso niyang sagot.
Napatingin ako sa kanya. “Mga estudyante? Pero akala ko’y… isa siyang kapitan?”
Umiling siya. “He wasn’t like this before. None of us are… But we still do carry what we’re good at before. We won’t easily let go of that… The same goes for you, mermaid of Riverdel.”
“Nalilito ako…” Napailing-iling ako. “Sino ba talaga kayo? Ang buong akala ko’y mga manlalakbay lang kayo ng dagat? Bakit kailangan niyo pang matutong lumaban gamit ang mga kapangyarihan ninyo? Hindi ko gustong matuto nito, Enoch… Hindi ko nais na may kalabanin pa.”
“We fight to survive, Neph. Being in the sea is not as easy as you think. May mga kaharian rin dito sa dagat na may kanya-kanyang mga teritoryo.” Pumasada ang isang kamay niya sa braso ko. Bahagya niya akong hinila papaharap sa kanya. “It seems like what they say about the Olden are true… Wise, but vulnerable. Ito ba ang rason kung bakit hindi mo gustong lumaban?”
Umiling ako. “Totoo ang mga sinabi mo. Mahina ako at hindi pamilyar sa napakaraming mga bagay, pero hindi dahil isa akong sirena na nagmula pa sa lumang panahon. Kung hindi dahil ay kakalabas ko lamang…” mahina kong sagot. “Ilang taon pa lang ang nakalipas, at hanggang ngayo’y hindi ko pa rin lubusang nakikilala ang mundong ito. At ang sarili ko.”
Walang nakapagsalita sa aming dalawa. Nararamdaman kong nais pa niyang magsalita ako tungkol sa sumpa ng Riverdel, at kung bakit may mga sirenang nakakulong sa mga kweba roon… Dahil isa ito sa mga misteryong hindi pa rin nabibigyan ng kasagutan sa ngayon. Pero hindi. Hindi ko maaaring basta-bastang ilabas nalang ang mga nalalaman ko sa ngalan ng mga sirenang kagaya kong nakulong at nawalan na ng buhay sa kweba.
Hindi pa ako handa…
“Nephalae…”
“Hindi rin iyon ang rason kung bakit hindi ko gustong lumaban. Nakita ko mo naman kung ano ang naging resulta ng ginawa ko noon, hindi ba?”
YOU ARE READING
Voyaging Scales (Legend Of The Stars #3)
FantasyLegend Of The Stars #3 (Completed) •Alignments After thousands of years of being in prison in a cave, the Olden Mermaid--Nephalae, finally found herself free. Or was she truly is? Considering her eyes have only been open to the new world she once lo...