"Kunin mo na rin kaya 'yang kama mo," ani Tria kay Visha. Nandito kami sa kwarto ni Visha, natapos na kaming mag impake ni Tria siya na lang ang hindi kaya pinuntahan namin siya dito.
Kaya naman pala natagalan ang daming kinukuha. Kahit yata hindi essential na gamit kinuha na rin niya. "I need all these stuff," maikling tugon nito.
"Oh my...this is so insane! Hindi pa rin talaga nag si-sink in sa utak ko na titira tayo do'n. Umupo ito sa kama niya, tinabihan naman namin siya.
"You need to accept it, tanggap ko na nga eh,"matamlay kong sabi. As if we have a choice.
"Yeah right! wala tayong magagawa, sila pa rin ang masusunod," bored na ani Tria. Maya maya pa dumating na si Tita sa kwarto.
"Don't glare at me ladies, I didn't decide this on my own kasama ang mga magulang niyo sa desisyong ito." Well yeah, but they're not here kaya siya na lang pagbabalinan namin ng inis char! Natawa ito ng konti dahil sa mga itsura namin.
"Trust us, this is for the best of the three of you,"aniya. Lagi naman nilang sinasabi iyan. Ano bang alam nila samantalang lagi silang wala. They care more about their businesses.
"Whatever Ma," sagot ni Tria sa ina. Tinaasan siya ng kilay ni Tita. "Seems like mana ka talaga sa akin sa pagiging maldita huh." Umirap lang si Tria sa sinabi nito. Like mother, like daughter.
"You'll not understand now, but soon...I'm pretty sure, you'll thank us." Luminga ito sa kwarto.
"Oh siya, get your luggage...baba na kayo. The car is ready," pagkatapos ay lumabas na ito. Kanya kanyang bitbit kami ng mga maleta namin. 'Yong iba ay ipanabuhat na namin sa katulong kasi mabigat.
"Take care there baby, We'll going to miss you," paalam ni Tita sa anak, "Ang lola niyo na muna ang bahala sa inyo do'n. Have a safe trip ladies!" kumaway ito sa amin bago tuluyang isara ni Tria ang pintuan ng Van.
Isinalpak ko ang earphone sa aking tenga bago umidlip. Malayo layo pa ang biyahe plus traffic pa. Naalimpungatan nalang ako dahil sa malakas na boses ng dalawa. Dahil nakaupo ako malapit sa may bintana which is my favorite spot, natanaw ko ang maganda at malinis na kapaligiran. Pati na rin ang naglalakihang bundok. Province feels; green and clean. Natanaw ko ang mga bundok at mga mabubungang tanim at halaman sa magkabilang gilid ng kalsada.
"Wait kuya, I need to puke," hysterical na sabi ni Tria, nasa bibig na nito ang palad.
"Teka, ma'am may malapit na public cr do'n banda," ani driver at mas binilisan pa ang pagmaneho.
"Hoy pigilan mo 'yan Chantria,'wag kang magkakalat dito," oa at nagpapanic na sabi ni Visha.
"Dito na." Inabot ko sa kanya ang isang clear cellophane na kinuha ko sa bag ko. She looked at me with furrowed brows.
"Really?! No way," aba aarte pa talaga kukutusan ko na sana ito nang huminto ang Van. "Iyon po 'yong cr," turo ni kuyang driver sa isang maliit pero maayos namang public cr na kaharap lang ng kalsada. Mukhang open to all ito sa lahat ng motorista na dumadaan dito.
Dali-daling bumaba si Tria sa Van at tumakbo sa Cr. Hindi ko siya masisisi kung nahilo siya sa byahe, nakakahilo naman talaga ang kalsada dito. May pataas,pababa,zigzag. "Ang tahimik naman," I complained nang makababa sa Van sumunod sa akin si Visha. I stretched my hand and neck na medyo masakit na dahil sa position ko ng pagtulog kanina.
Oh I miss this feels of Kapangan Benguet. Mga bata palang kami nang huling bumisita kami rito.
I must say na ang payapa talaga at ang linis tignan. Kahit ayoko sa buhay probinsya I can't deny the fact that Benguet is one of the perfect place to unwind and refresh minds. It helps your mind be at ease.
BINABASA MO ANG
Keeper of His Heart (Escarra-Lauriel Series 1)
Romance(Photo cover not mine credits: Unsplash) Escarra-Lauriel series #1 Henrietta Faye is such a hopeless romantic girl, sa kanilang magpipinsan siya ang mas naniniwala sa pag-ibig. She believes that 'To date is to marry". She's the type of person that...