Chapter 39

184 4 0
                                    


"Rie, tumingala ka nga ulit," paghalakhalak ni Visha. Kasalukuyan nila akong inaasar ngayon dahil sa hickeys na nakita nila sa leeg ko last week. Pinipilit nila akong patingalain para macheck kung meron pang bakas nito.

"Wala na nga," I responded as I drank my shot. I lied, may marks pa ito pero tinakpan ko lang ng concealer dahil ayokong magsuot ng scarf dito sa loob ng bar.

Muli kong sinita si Visha dahil sa biglaan niyang paghawak sa leeg ko. "Ayan oh, concealer, ang tindi naman sumipsip ng gumawa niyan. Hanggang ngayon meron pa rin," muling pagtawa ni Visha.

"Ang tanong, sino ba kasi?" si Tria. Nagpatuloy na naman sila sa pag-asar sa akin. Kesyo, may tinatago raw ako, kaya pala ayokong pumayag sa mga sine set up na blind date ni Visha sa akin kasi meron na akong kinikita.

If they only knew who did this, I'm sure mas lalo silang maloloka. Pero syempre ayoko nang sabihin pa sa kanila iyon. Mas lalo lang lalaki ang isyu.

"Tigilan niyo nga ako, nandito tayo para mag-enjoy hindi para asarin ako."

"Tama nga naman, sayaw na tayo," pag-aya ni Tria. "Sige kayo muna sunod na lang ako, hintayin ko muna si Gavin..."

Sabay namin siyang tiningnan ni Tria, "Akala ko ba ladies night out ito? Bakit may jowa?" Tria rolled her eyes.

"Chill, nagpumilit e. Hayaan niyo na mas maganda na iyong may kasama tayong lalaki."

"Baka kasama naman iyong mga kapatid?" Tria asked. Dahil doon ay kinabahan ako. Pagkatapos ng nangyari sa amin ni Grant, iniiwasan kong lumabas ng office sa hotel para hindi ko siya makasalamuha. Mas mainam na ako na ang umiwas.

"Nah, he said he's the only one going."

I breathed a sigh of relief on what she said. Nag-decide rin kami na mamaya na sumayaw, at ienjoy muna namin ang pag-inom.

"Akala ko ba si Gav lang?" Inis na bulong ni Tria kay Visha. Napalingon naman ako sa tinitignan nilang dalawa. "Akala ko rin," tanging sagot ni Visha. Napaawang ang labi ko nang makita ang triplets na naglalakad patungo sa amin. Nag-usap ba silang tatlo kaya pare pareho silang nakasuot ng plain white shirt?

Agad tumayo si Visha para bigyan ng halik si Gavin nang makalapit sila sa amin. Tumabi na si Visha kay Gavin, magkatabi naman kami ni Tria. Si Grant tumabi kay Gav at si Gianni naman ay tumabi sa akin. Magkaharap lang ang kinauupuan namin kaya hindi maiwasang magtama ang mga tingin namin ni Grant. Ako na ang umiiwas.

"Sigurado ba kayo na hindi natin muna ipapaalam sa mga pamilya natin ang tungkol kina Ate Gwen?" Gianni suddenly asked.

"Oo. Mas mabuti na iyong sa mismong party nila malaman ang tungkol sa kanila. Kung sasabihin kasi natin bago ang party, baka hindi pa matuloy iyong engagement nila Kuya at baka pati wedding," I replied.

"Pero baka mas lumala lang kapag hindi natin sinabi agad?" si Gavin.

"Iyon din ang iniisip ko e," Gianni agreed while Grant remained silent. Nilalaro nito ang basong hawak pero halatang nakikinig din sa usapan.

"Teka, I have a question. Gusto niyo ba na matuloy ang kasal ng Ate Gwen niyo at ng Kuya Kelvin namin?" Visha directly asked.

"Wala naman akong nakikitang masama para hindi matuloy," sagot ni Gavin.

"Same with me. Mukhang mahal naman nila ang isa't-isa kahit isang taon pa lang silang nagkakakilala," Gianni laughed a bit.

"One year...but at least their love was genuine and sure. Meron nga riyan nagtatagal pero ang ending iba ang pakakasalan," pagsingit ni Tria. Pansin ko na natahimik si Gianni at nagsalin ng Cuervo sa shot glass.

Keeper of His Heart (Escarra-Lauriel Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon