Chapter 15

185 4 0
                                    


Ilang linggo na rin ang nagdaan nang mangyari ang mga di inaasahang pangyayari sa Underground. Kahit ganoon, kung wala kaming masyadong gagawin pagkatapos ng klase tuwing Biyernes ay nagtutungo pa rin kami roon para magchill. Nagsimula na rin kasi ang formal class namin at sa totoo lang nakaka stress na, ang daming gagawin lalo na at graduating na kami. Hindi ko na rin iniiwasan si Grant dahil na rin sa usapan namin sa UG. Hindi naman na umalma si Gail na siyang pinagtataka ko. Maayos pa rin naman ang pakikitungo niya sa akin. Kaya sumasabay na ako sa kanila tuwing lunch pero kasama na rin si Brixton kung minsan. Malapit din ang Lolo ng triplets kay Mayor kaya hindi nahirapang pakisamahan ni Brixton ang triplets.

"Riri!" Lumingon ako kaagad kay Brixton. Humahangos itong lumapit sa akin.

"Oh, bakit?" I asked. Bumwelo muna ito bago sumagot.

"Kanina pa kita hinahanap...hindi muna ako sasabay sa inyo ah, may training kasi kami mamaya ng Basketball," naghahabol hininga nitong sambit. Tumawa naman ako.

"Talagang nagpakapagod ka pa para lang sabihin sa akin iyan?" Sambit ko.

"Oo, wala akong pangkontak sayo e. Btw can I ask for your phone number?" nakangiti nitong tanong.

"Sure!" Inilahad ko ang aking palad sa harapan niya, senyales na ibigay ang phone niya sa akin. Ilang segundo siyang nakatingin sa palad ko bago ma-gets ang gusto kong gawin nito. Hinablot niya sa kanyang bag ang cellphone at dali daling ibinigay sa akin. Itinipa ko naman kaagad ang aking numero pagkatapos ay ibinalik ko na rin sa kanya ang kanyang cellphone.

"Thanks!" he said, happily.

"No worries," I smiled.

"Sige, una na ako baka mainip ang mga pinsan ko," pagpapaalam ko sa kanya.

"Good luck din sa practice," pahabol ko pa bago tuluyang umalis, sinuklian naman niya ako ng ngiti. Nang marinig kong magvibrate ang aking cellphone ay kaagad ko itong hinablot sa bulsa ng aking skirt. It was a message from Visha.

From Mavisha:

Wer na you? Dito na us sa Chillout Eatery.

To Mavisha:

Coming.

Mas lalo ko pang binilisan ang paglalakad para makarating kaagad doon. As, usual puno na naman ang eatery nina Aling Helen...patok na patok talaga ang mga pagkain nila dahil na rin sa galing at sarap nilang magluto. Hinanap ng mga mata ko sina Visha, nakita ko na nakapwesto sa may malapit sa bintana kung saan kami madalas pumupwesto. Naka order na rin sila.

"Aling Helen, 'yong dati pa rin po ang akin hintayin ko na rin po," Sambit ko kay Aling Helen sa may counter.

"Oh sige mabuti na lang at may natira pa," tumatawa nitong saad. Kumuha ito ng plato at nilagyan ito ng kanin saka ang paborito kong chicken curry at ginataang gabi.

"Salamat po." Kinuha ko na ang aking order at inabot sa kanya ang bayad ko.

"Hindi na Iha, nabayaran na na ni Grant." Huh? Ngumiti ako kay Aling Helen bago umalis at pumunta sa pwesto ng mga pinsan ko.

"We're complete na, kain na tayo," sambit ni Visha. Hinintay pala nila ako bago sila kumain.

"Wala yata si Brixton?" tanong ni Gianni.

"Ah oo may praktis daw kasi sila ng basketball," sagot ko naman.

"Uy, updated siya," pang-aasar ni Visha sa akin at tinusok tusok pa ang tagiliran ko.

"Shhh...kumain ka nga lang," sambit ko. Tumigil naman ito.

"By the way...bakit nga pala hindi pumasok si Gail?" tanong ko sa triplets. Sa kanila naman tumutuloy si Gail kaya for sure alam nila ang dahilan kung bakit absent ito ngayon.

Keeper of His Heart (Escarra-Lauriel Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon