Sabay silang lumingon sa akin pagkasabi ko ng mga pangalan nila. Nalipat agad ang tingin ko sa wallet kong hawak ni Grant.
"Hi," nakangiting sambit ni Dave pero halata rin nahihiya ito.
"I guess, dumating na ang tamang panahon para magusap-usap tayo," he continued. Nagkatinginan kaming tatlo. Well, he's right. Nandito na rin lang kami. Inabot naman sa akin kaagad ni Grant ang wallet ko. "Thank you," mahina kong sambit.
Inaya niya kaming dalawa ni Grant na pumasok sa may Cafe Pup. Nagtataka pa ako habang nakasunod kami sa kanya dahil imbes na sa may mga mesa kami dumiretso ay dinala niya kami sa may maliit na office ng Cafe Pup.
"Sit down," he offered as he sat on a swivel chair in front of a desk. "You own this Cafe?" I asked.
"Yes," he simply answered. Umupo na ako sa upuan na nasa harap niya. Sumunod namang umupo si Grant sa may harapan ko. Para tuloy kaming magco-consult sa principal nito.
"You mean...you didn't know that he owns this Cafe? E, sobrang dalas mong magpunta rito?" Sinulyapan ko si Grant.
"How did you know that I often go here?"
Natigilan naman ito sa tanong ko, narinig ko rin ang maikling pagtawa ni Dave, "I think he's stalking you...madalas ko makita ang sasakyan niya sa kabilang kalsada, tapat ng Café," Dave said, causing me to glance at him.
"Alam mo rin na madalas ako sa Cafe mo?" I asked with a furrowed forehead, "P-pero hindi ka nagpakita sa akin..."
"Nahihiya ako e. Kaya pinaalam ko na sa mga staff ko na kapag nandito ka sabihan ako para makapagtago muna ako sa office," he stifled a smile. "Alam ko galit ka pa rin sa akin at ayaw mo akong makita kaya hindi na ako nagpakita pa."
Bumaling ang atensyon nito kay Grant. "10 years ago, all that I have told you over the phone were all lies," he began. "We didn't have any intimate relationship while you were together. Gaya ng sabi ko kay Rie noon, I just did all of that because I need money. Iniwan kami ng stepdad ko. Gipit ako noon at problemado. Until a woman named Luisa Escarra approached me, she was with a girl named Abigail. They suddenly came into our house and offered me money pero may kapalit."
Kitang-kita ko kung paano ikinuyom ni Grant ang mga palad. "Iyon ay ang palabasin na may relasyon kami ni Rie, na nagtataksil siya sayo. Noong una hindi ako pumayag kasi ayoko nang masaktan pa si Rie, sinabi ko rin na hindi ko naman kayo kakilala para tumigil na sila pero magaling sila. Pina imbestigahan yata ako ng Mommy mo. Nag-iwan sila ng calling card at mga drugs para just in case na magbago raw ang isip ko magagamit ko kay Rie. Sabi nila makakatulong daw iyong drugs para hindi na ako mahirapan pa sa pinapagawa nila. Kasi kapag napainom ko raw iyon kay Rie wala siyang magagawa kundi sundin ang mga ipapagawa ko. I kept those, hanggang sa lumala ang kondisyon ni Mommy at nawalan na ako ng choice, wala akong matakbuhan na kapamilya dito, baon na baon na ako sa utang at ayokong mawala sa akin si Mommy noon kaya pumayag ako sa gusto nila," he stifled a laugh to restrain himself from being emotional. While I remained silent.
"Noong sinamahan mo akong iuwi si Mommy galing Hospital doon ko na sinamantala ang pagkakataon." Tumingin ito sa akin. Kaya pala iba ang mga kinikilos niya that time. "But I didn't use the drugs they gave me. Pampatulog lang ang pinainom ko sayo at saka na lang ako dumiskarte para makunan yong mga litratong iyon." Tumingin ito kay Grant na matalim ang tingin sa kanya.
"Yes, pictures lang ang pinadala ko sa Mommy mo, nagalit siya kasi hindi raw convincing kaya sinabihan niya ako na tawagan ka para mas kapani-paniwala at kaya siguro siya nagpagawa ng pekeng video. I swear that video isn't true, I'm sure it's edited." Binaling niya ang tingin kay Grant.
BINABASA MO ANG
Keeper of His Heart (Escarra-Lauriel Series 1)
Romance(Photo cover not mine credits: Unsplash) Escarra-Lauriel series #1 Henrietta Faye is such a hopeless romantic girl, sa kanilang magpipinsan siya ang mas naniniwala sa pag-ibig. She believes that 'To date is to marry". She's the type of person that...