Epilogue

367 5 3
                                    

Thank you to those who stayed since chapter 1 :) 

------

"Bilisan niyo nga riyan, naabutan na tayo ng alas dose kakalaro niyo," pagsita ko sa mga loko-loko kong kapatid. Hanggang sa pagta-trabaho ba naman ay dala-dala ang kalokohan, lalo na itong si Gianni.

"Kung badtrip ka, 'wag iyong lupa ang pagdiskitahan mo," tumatawang wika ni Gianni habang nakatingin sa binubungkal kong lupa. I glared at him and he automatically stopped being naughty.

Nagpatuloy lang kami sa pagta-trabaho habang patuloy pa rin sa pagdadal-dalan ang dalawa. "Mas nakakagana siguro magtrabaho kung may nobya'ng tagaluto ng pagkain, noh?"

I secretly raised my eyebrows. Babae? Tss. Distraction lang sila.

Binato ni Gianni si Gavin ng binhi. "Baka naman gusto mong mag-share, ang dami-dami mong babae!" Tumatawa nitong asar.

"Gago! May Katelyn ka naman," Gavin answered. "We're just friends," sagot naman ni Gianni sa kanya. Pero hindi naniwala si Gavin sa kanya lalo na at alam namin na may gusto ang anak ng Mayor sa kanya. "Babae na naman ang topic niyo," mahina kong komento.

"Sus, nagsalita ang may nobya," si Gianni. Sinulyapan ko ito habang nakakunot nag noo ko. "Wala ako no'n at wala akong panahon sa babae," agaran kong sabi.

"Ay wala na kayo ni Abigail?" Pang-aasar pa nito. "Hindi naging kami," I denied. Pero hindi pa rin ito naniwala. Abigail likes me, alam ko iyon dahil open siya sa nararamdaman niya sa akin. Maganda naman siya pero hindi ko talaga siya gusto o baka wala lang talaga akong pake sa mga babae.

"Speaking of, may mga chiks oh," rinig kong sabi ni Gianni kaya agad akong napatingin sa kinakawayan nito. Nagtama ang mga mata namin ng babaeng nahuli kong nakatitig sa akin. Ngumisi ako ng palihim nang bigla siyang mag-iwas ng tingin. Nakangiti lang ang babaeng katabi nito samantalang ang isa nilang kasama ay seryoso lang ang mukha at mukhang hindi interesado.

Nanatili ang tingin ko sa babaeng may kulay brown at kulot na buhok. Ako naman ang nag-iwas ng tingin nang bigla itong tumingin muli. Binalik ko kaagad ang atensyon sa ginagawa hanggang sa makaalis na sila. "Bakit ka tumitingin doon? May na-type an ka noh?" Pang-aasar muli ni Gianni.

"Tapusin mo na iyan para makakain na tayo," madiin kong wika. Type? Tss. Normal lang sa lalaki na magandahan sa isang babae pero hanggang doon lang iyon.

"May problema po ba?" Tanong ko kay Lola Clementine ng may halong pag-aalala dahil sa itsura nito.

"Ang mga pasaway kong apo, tumakas na naman, tinakas nila iyong wrangler. Sinusubukan talaga ako ng tatlong iyon." Napainom siya ng wine.

"Baka kung mapaano ang mga iyon, jusko, ang tagal pa naman nilang hindi nakakauwi rito, hindi na nila kabisado ang mga pasikot-sikot dito," dagdag pa niya. Nilagay ko sa aking bulsa ang isang kamay.

Hanggang sa mag volunteer ang makulit kong kapatid. My forehead crumpled. Bakit kailangan naming hanapin ang mga iyon? Mga pasaway sila kaya bahala sila sa buhay nila. Kung mawala man sila, kasalanan nila iyon.

Pero wala na akong nagawa dahil nga nagsabi na itong bida-bida kong kapatid. Hindi na rin iba si Lola Clementine sa amin kaya hindi na ako umangal. "Baka may pictures po nila kayo, Lola?" Untag ni Gavin. Agad na binuksan ni Lola ang kanyang hawak na cellphone.

"Ayan sila, please bring them home safe."

"Ahh, nakita na namin sila kanina sa may bukid. Diba?" Pinakita sa amin ni Gianni ang larawan. Umangat ang isang kilay ko nang makumpirma na sila iyon. Itsura pa lang nila halatang mga pasaway na talaga, halatang galing sa syudad.

Keeper of His Heart (Escarra-Lauriel Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon