Tirik na tirik na naman ang araw. What a perfect day to relax on a beach. Inangat ko ang shades na suot sa ulo ko bago pumasok sa paborito kong cafe shop, ang Cafe pup. I found this delightful cafe 2 years ago. Sobrang nagustuhan ko ang ambiance nito at binabalik balikan ko pa ang isa sa pinaka best seller nila, ang Amiesse Strawberry Cheesecake.
The staff at the counter greeted me. I smiled at her, "Good morning, 5 boxes of Amiesse Strawberry Cheesecake, please." I ordered. Ginawa ko ng lima dahil sigurado akong kapag natikman ito ng mga pinsan ko, hihirit pa sila.
After kong makapagbayad ay sinagot ko na ang tawag ni Visha. "Nasaan ka na?" Untag nito.
"Sa Cafe Pup palang, bumili lang ng cake," sagot ko naman. "I see, diyan ka na ba namin dadaanan?"
"Oo sige," I answered. "Got it, otw na kami riyan." After that, I hung up and sat next to the glass wall so I could see the outside of the Cafe.
Umorder din muna ako ng kape habang hinihintay ang order at pagdating nila Kuya. Nagcheck muna ako ng notifs sa aking mga social media accounts. Yes, inactivate ko ulit ang accounts ko 5 years ago, para na rin may libangan ako. Pero lowkey pa rin ako sa pagpost mas ma instagram din ako ngayon.
Ilang saglit pa ay nilapag na ng isa sa mga staff ng cafe ang orders ko sa table. "Thank you, but wait, I just ordered 5 boxes bakit anim ito?"
"It's a freebie from the owner, ma'am, since you are a regular customer," she answered politely.
"Ganoon ba, sige pakisabi salamat," sagot ko habang nagtataka pa rin. Paano naman nalaman ng owner na regular ako rito? Lagi ba siyang nandito sa cafe shop? Wala kasi akong matandaan na naka ingkwentro ko na ang owner nito. Curious tuloy ako kung sino siya.
Sakto namang dumating na sila Kuya. Nagpatulong pa ako sa isang staff sa pagbitbit ng cakes dahil hawak ko sa isang kamay ang di naman kalakihang travel bag.
Lumabas si Kuya sa may driver's seat ng itim niyang Van. Kinuha niya sa akin ang travel bag na hawak at nilagay sa likod ng van. Bumaba rin si Ate Gwen mula sa driver's seat at binati ako. Tinulungan niya ako sa pagbitbit sa mga kahon ng cakes nang makuha ko na ito sa staff.
"Ang dami naman nito," she chuckled. "Sana masarap," dagdag pa niya. "I'm sure you'll love that, Ate," I responded. Binuksan ni Kuya ang pinto ng backseat ng Van nandoon na ang mga pinsan ko. Akmang papasok na ako nang biglang may dumating na tatlong itim na BMW. Alam kong sa triplets ang mga iyon.
"Pinasunod ko na sila rito, para diretso na ang byahe," sambit ni Ate Gwen.
"Kuya, pwede bang doon na lang ako kay Gavin sumakay?" Pagpapacute ni Visha kay Kuya. Pero sumimangot lang ito nang titigan siya ni Kuya kaya natawa ako ng bahagya ganoon din si Tria sa kanyang tabi.
Pumasok na ako sa loob ng Van at sinara ni Kuya ang pintuan. Pagkatapos sumakay na rin sila ni Ate Gwen. "Paunahin muna natin si Grant, siya ang mag ga guide sa directions," Ate Gwen said. Oo nga pala at si Grant ang naghanap ng Resort na tutuluyan sa Pangasinan.
"I can use google maps, mahal," Kuya uttered.
"Mahal..." Malambing at tila nagpapaalalang ani Ate Gwen. "Okay okay, he'll lead the way," pagsuko ni Kuya.
Kung bakit kasi hindi na lang sila dito sumakay sa van, malawak pa naman. Iyon naman ang purpose ng outing e, ang maging close si Kuya sa mga kapatid ni Ate at para maging close kaming tatlo kay Ate Gwen. Pagkatapos kasi ng mga nangyari no'ng engagement party nila kuya ay kinausap ko sila Mommy na huwag nang idamay pa ang dalawa at pumayag pa rin sila na ituloy ang kasal. Noong una ay ayaw pa ni Mommy pero kalaunan ay nakumbinsi ko rin siya para na rin daw kay Kuya. Basta hindi nangangahulugan na pinapatawad na niya si Tita Luisa sa lahat ng ginawa nito noon. Kaya kahit paano ay naging okay naman ang lahat.
BINABASA MO ANG
Keeper of His Heart (Escarra-Lauriel Series 1)
Roman d'amour(Photo cover not mine credits: Unsplash) Escarra-Lauriel series #1 Henrietta Faye is such a hopeless romantic girl, sa kanilang magpipinsan siya ang mas naniniwala sa pag-ibig. She believes that 'To date is to marry". She's the type of person that...