WARNING R-18 (Some words and scenes are not suitable for young audiences)
Unti-unti kong minulat ang mga mata at kinusot pa ito. Napatulala ako saglit sa may kisame bago iikot ang mga mata sa kabuuan ng kwarto. Sa itsura at disenyo palang nito ay halatang kwarto ng isang lalaki. Agad akong bumalikwas ng bangon. Sinilip ko ang katawan na natatakpan ng makapal na comforter. Tila nabunutan ng kutsilyo ang baga ko at nakahinga ng maluwag. Kumpleto pa naman ang suot ko. Nagawi ang tingin ko sa side table ng kama at nakita ang larawan ni Dave.
What am I doing inside his room? This is my first time to be here. Kahit noong kami pa ay hindi ako nakapasok sa kwarto niya kasi ayoko. Para maiwasan din namin ang tukso.
But how did I end up here? Wala akong maalala.
Saktong pagtayo ko ay siyang pagbukas ng pinto. Iniluwa nito si Dave. "Gising ka na pala," bungad nito.
"Anong ginagawa ko rito sa kwarto mo?"
I looked at my wrist watch and cursed silently. It's already 6:02 PM. Ang naaalala ko kasi ay mga 10Am na kami nakarating dito sa bahay nila galing ospital. Gaano ako katagal tulog?
"It's not what you think..." He calmly uttered when he saw my reaction. Okay, another relief.
"N-natulog ka lang. Sabi mo kasi kanina inaantok ka mukhang...pagod ka y-yata...hindi mo ba maalala?"
Kumunot ang noo ko at hinawakan ang ulo. Ang weird, pero wala talaga e. Impossible namang epekto ito ng puyat.
"Hayaan mo na. Kumain ka muna bago ka umuwi," pag-aya niya sa akin bago ako bigyan ng tipid na ngiti.
"P-pero...don't be offended ah. Pumayag ako na matulog sa kwarto mo?"
"Ah, hindi...nakatulog ka sa sofa pero nilapat kita rito. P-pasensya na...gusto ko lang kasi naging komportable ka sa pagtulog," he answered as he lower down his head.
I took a deep sigh. "Hayaan mo na. S-salamat pa rin," I replied bago maglakad palabas ng kwarto nito. Ramdam ko ang pagsunod niya.
"Si Tita?"
"Tulog na rin. Nagising siya kanina habang tulog ka. Sinilip ka nga niya e."
Sinulyapan ko ito. "Hindi na ako maghahapunan dito kailangan ko na kasing umuwi. Pasabi na lang kay Tita na babalik ulit ako...hindi ko lang sigurado kung kailan kasi baka aalis na ako ng Lt bukas. Pero sisiguraduhin ko na dadalawin ko si Tita habang wala pang pasok," I said.
"Makakarating."
Hindi na ako nagtagal sa kanila at umuwi na rin agad. Sinalubong naman ako ng mga pinsan ko at kinamusta si Tita. Hindi ko na nabanggit sa kanila na nakatulog ako roon. Baka maging isyu pa. Ayokong gawing big deal iyon. Kahit paano ex ko pa rin kasi siya. May parte sa akin na nagsasabing mali pa rin iyon.
"Siya nga pala, mauna na kayong umuwi bukas ng probinsya. May lakad pa kami ni Grant," pagngiti ko. Sumilay naman ang ngisi sa labi ng dalawa.
"Akala mo kayo lang may date. Kami rin kaya ni Gavin," Visha bragged out. Tumaas naman ang kilay ni Tria at tinawanan kami.
"Hindi lang kayo ang may lakad. Magha hiking kami ni Gianni!" Tria excitedly screamed.
"Sabi na e. Darating din ang araw na titili ka dahil sa lalaki!" Visha makes fun of Tria.
"May kanya kanya naman pala tayong lakad e. Sige, kanya-kanya na rin ng uwi ah," I voiced as I laugh. Mukhang pati sila susulitin ang natitirang araw na makasama ang mga nobyo bago sila sumakabilang bansa.
Nagpaalam na ako sa dalawa bago umakyat. Hindi na ako kakain, hindi rin naman ako gutom. I want to take a rest so that I'm fresh for tomorrow. Of course, before going to bed I didn't forget to text my love.
BINABASA MO ANG
Keeper of His Heart (Escarra-Lauriel Series 1)
Romance(Photo cover not mine credits: Unsplash) Escarra-Lauriel series #1 Henrietta Faye is such a hopeless romantic girl, sa kanilang magpipinsan siya ang mas naniniwala sa pag-ibig. She believes that 'To date is to marry". She's the type of person that...