"Kaya mo ito...be professional, Henrietta," bulong kong muli sa sarili habang nakatingin sa malaking salamin ng comfort room.
I took a deep sigh.
"Imagine okay kayo..." Kanina pa kasi ako nagwo-worry na baka hindi ko magawa ng maayos ang sayaw dahil hindi kami okay. Baka madistract ako kaiisip sa alitan namin kaya ngayon pilit kong kinukumbinsi ang sarili na magpanggap na ayos lang lahat.
Ibinalik ko ang tingin sa salamin para maitali ang buhok ko at para icheck kung maayos na ba ang costume ko. I was wearing a white long sleeve crop top and a white high waisted cycling na may c-thru cover up, that is similar to a skirt. Pagkatapos, niligpit ko na ang mga gamit bago tuluyang lumabas ng CR ng backstage. Iniwan ko na rin sa locker ang mga gamit ko, hinanap naman ng mga tao ko si Grant.
Lumakas ang kabog ng dibdib ko nang mahagip siya ng mga mata ko. Nakatalikod ito sa akin at tila inaayos ang sarili sa may malaking salamin. May katabi rin siyang ilang kalalakihan na nag aayos rin. He's just wearing a fitted white pant at hindi rin nakabutones ang mga butones ng kanyang suot na plain white polo, kaya malayang nasisilayan ng mga tao rito ang kanyang malamang katawan kahit ang mga pandesal nito.
Ilang saglit pa ay nagsimula nang tawagin ang ilang contestants. Rinig din dito sa backstage ang hiyawan ng mga tao kaya mas lalo akong napre pressure, it's not my first time to perform, pero first time kong mag perform ng hindi kami okay ng kapareha ko. Connection is very important with this kind of dance to be able to bring out the right emotions. Pinagdadasal ko na lang na sana maka focus ako, please lang, Lord.
"Tayo na."
"H-huh?" I surprisingly asked him with a furrowed forehead.
"Tayo na ang next, tinatawag na tayo," he answered without showing any emotion.
"A-ah okay–" Iniwan na niya ako at naunang maglakad, sumunod na lang ako. Paglabas namin ng stage ay naghiyawan na naman ang tao lalo na ang mga kababaihan, nangingibaw din sa mga tili nila ang pangalan ni Grant.
Pumwesto na kami bago tumugtog ang music, nakatalikod kami sa isa't-isa at unti unting humiwalay para magkatitigan. Bumuo ito ng bilog gamit ang mga kamay at pinatagilid para makapasok ako, hindi rin naiwasang nasagi nito ang aking dibdib.
I don't say a word
But still, you take my breath and steal the things I know
There you go, saving me from out of the cold
Feeling ko nakaka relate ako sa ilang lyrics ng kanta dahil sa sitwasyon namin ngayon, kaya naman namo motivate akong ayusin ang sayaw pati na rin ang paglabas ng bawat emosyon ko. Idagdag pa ang mga hiyawan ng mga manonood, na nagpapakitang nagugustuhan nila ang aming ginagawa.
Nagulat ako nang alisin ni Grant ang tali sa aking buhok sa parteng hahawakan niya ako sa likod ng ulo bago ang chorus part. Naguguluhan man pero mas pinili kong 'wag madistract sa ginawa nito. Mas lalo pang nagtilian ang mga audience sa part ng chorus, kung saan mas maraming romantic steps. Literal na nag iinit ang entablado ngayon.
Fire on fire would normally kill us
But this much desire, together, we're winners
They say that we're out of control and some say we're sinners
But don't let them ruin our beautiful rhythms
'Cause when you unfold me and tell me you love me
And look in my eyes
You are perfection, my only direction
It's fire on fire, mmm
BINABASA MO ANG
Keeper of His Heart (Escarra-Lauriel Series 1)
Romance(Photo cover not mine credits: Unsplash) Escarra-Lauriel series #1 Henrietta Faye is such a hopeless romantic girl, sa kanilang magpipinsan siya ang mas naniniwala sa pag-ibig. She believes that 'To date is to marry". She's the type of person that...