"Oh my ghad! Ang ganda pala dito," di mapigilang mangha ni Visha sa Badi Falls. I agree with her sobrang ganda naman kasi dito. Nature is truly amazing! Nilapag ko na ang food basket na hawak ko sa isang tabi kung saan nilapag nila Grant ang ibang gamit.
"Walang liguan, cr like that?" kunot noo at halatang disappointed na sabi ni Tria.
"Tria...falls ito hindi swimming pool or beach!" sagot ko naman. Siya talaga pinaka maarte sa aming tatlo eh. Mana sa mommy niya pinalaking spoiled at talagang alagang-alaga sa katawan.
"Saan tayo magpapalit?" muling tanong nito at napa kamot sa ulo.
"Do'n o kaya do'n...pwede kahit saan mo gusto," nakangiting sagot ni Gianni.
"Seriously?! so ma e-expose ang katawan namin?" 'di makapaniwalang sabi nito. Ang sarap din batukan nito eh.
"Tatakpan kita if you want." Nginitian at kinindatan siya ni Gianni.
"Duh! no thanks!" pagkatapos ay inirapan niya ulit ito.
"Diskarte lang 'yan okay! Shut up na...mag enjoy nalang tayo," kumontra pa ito pero hindi ko na pinansin.
"Mygad! paano nalang kung maraming taong naliligo dito e di nakikita nila ang dapat 'di makita!"
Among the three of us, si Tria talaga 'yung hindi bagay sa probinsya napaka maselan sa katawan. Parang hindi tumira dito noong bata pa siya eh. I saw Visha and Gavin sa may malapit sa tubig banda, kinukuhanan siya ng litrato ni Gavin at naka bikini na ngayon... Ay wow! ang lakas talaga nitong babaeng ito eh.
Napansin ko naman si Grant na nag aayos ng mga pagkaing dinala namin. He's just wearing a jersey shorts and a sleeveless shirt. Ang simple niya lang pero ang lakas pa rin ng appeal. Lumapit ako sa kanya, "Need help?" tanong ko.
Tumingin ito sa akin pero panandalian lang iyon.
"No." simpleng sagot niya. K!
"Uy! langoy na tayo ano pang hinihintay niyo diyang apat!" sigaw ni Visha bago tuluyang lumusong sa tubig. Lumangoy na rin si Gavin.
I was about to take my shirt off when Grant talked. "Kaya mo?" He's eyeing my wound.
Nakaramdam tuloy ako ng hiya lalo na nang maalala ang nangyari kanina at ang mga pang aasar ng mga pinsan ko.
"Ah oo naman," sagot ko. Keri ko naman e hindi na rin ito dumudugo. Hinubad ko na ang oversized shirt ko at inilapag sa may malaking bato. Sunod kong hinubad ang short pant at saka inalis ang tali ng buhok ko.
"Hindi ka pa lalangoy?"
"Iyong totoo...inaaakit mo ba ako?" unti unti namang nawala ang ngiti ko sa naging sagot nitong patanong naman.
"Excuse me?"
"Bakit sa harap ko pa ikaw naghuhubad?" I could not help to smirk on what he said. Tumawa ako ng mapait. Kasalanan ko ba na nandyan siya sa harap ko?
"Assuming mo rin noh!" Napansin ko ang paninitig nito sa katawan ko na para bang sinusuri niya.
"Oh! my bad, mukha ngang hindi...kasi wala ka namang ipang aakit," ngumiti ito ng mapang asar while his eyes were exploring my body.
"What?" Nakaramdam ako ng insulto sa sinabi nito napatakip tuloy ako sa katawan ko. I'm skinny and fit at kahit paano may dibdib naman kahit hindi mala Kim Kardashian ang laki.
"Bastos!" inis na wika ko...lalo lang akong nainis nang makita ang pagsilay ng ngisi sa labi nito kaya agad ko itong tinalikuran.
Ugh! He's really getting on my nerves. He never fails to annoy me.
BINABASA MO ANG
Keeper of His Heart (Escarra-Lauriel Series 1)
Romance(Photo cover not mine credits: Unsplash) Escarra-Lauriel series #1 Henrietta Faye is such a hopeless romantic girl, sa kanilang magpipinsan siya ang mas naniniwala sa pag-ibig. She believes that 'To date is to marry". She's the type of person that...