Chapter 17

185 6 0
                                    


Lumabas ako sa bathroom nang nakabalot pa rin ang tuwalya sa aking buhok. Inilagay ko na rin sa isang plastic bag na nakita ko sa bathroom ni Grant ang aking mga damit. Nang mailagay ko na ito sa aking bag ay nagmuni-muni muna ako sa kwarto. I checked his bookshelf, puro related sa kurso nito ang mga librong naka-display. Iilan lang yata ang librong hindi related sa pag-aaral. Ngumisi ako nang mahagip ng aking mga mata ang isang pamilyar na set ng libro.

"Fifty shades, huh." Hindi ko nabasa ang librong iyon but I watched the movie adaptations of it. Maganda naman kasi 'yong kwento aside sa spg scenes nito. Dumako naman ang mga mata ko sa study table nito, napaka organize talaga. Hinawakan ko ang picture frame nito na nakalagay sa kanyang side table. It was a picture of him na nakatayo lang at may nakasubong lollipop sa kanyang bibig, base sa picture he's around 4-5 years old siguro. Ang dugyot ng itsura niya sa picture..bukod sa sando lang ang suot kaya kita ang pututoy nito ay wala pa itong suot na tsinelas. Ibinalik ko na ito sa pwesto. Dahil curious ako kung anong meron sa katabing pintuan ng bathroom ay binuksan ko ito.

Wow. May sarili siyang dancing studio. So, talaga palang sumasayaw din siya. Sakto lang ang lawak nito. Dahil sa pangambang baka maabutan niya ako na nangingialam sa kwarto niya ay isinara ko na ito. Napahikab ako ng wala sa oras naramdaman ko na rin ang antok ko. Hindi rin kasi ako nakatulog ng maayos kagabi dahil sa pwesto namin. Mukhang matatagalan pa naman siya. Napunta ang aking tingin sa kama nito, ang linis parang nakakahiyang higaan. Pero dahil gusto kong humilata muna kahit mga limang minuto lang ay humiga na ako pero nakalaylay pa rin ang mga paa. Aayusin ko na lang kapag bumalik na si Grant.

Naalimpungatan ako kaya unti-unting bumukas ang mga mata ko. Anong oras na ba? Bumangon na ako at umupo muna sa kama. My eyes widened when I noticed that I'm not in my room. Napasapo na lang ako sa noo nang maalalang nasa Escarra's nga pala ako. Nataranta pa ako nang mapagtantong hindi rin ganito ang pwesto ko kanina at pati ang tuwalya sa aking ulo ay wala na rin. Umayos ako ng pwesto nang marinig ang pagpihit ng pintuan, iniluwa nito ang may-ari ng kwarto. "Gising ka na pala." Lumapit pa ito ng konti sa kanyang kama. Nahalata yata niyang naguguluhan ako.

"Tinanggal ko nga pala 'yong tuwalya sa ulo mo saka inayos ko na rin ang pwesto mo baka kasi mahirapan ka." Wala akong naramdaman...ibig, sabihin tulog mantika talaga ako kanina.

"A-anong oras na ba?" I asked.

"Mag-aalas dose na kaya kumain ka muna rito bago kita ihatid." Nanlaki na naman ang mga mata ko.

"Lagot na ako kay Lola, nito," I rattled.

"Naitawag ko na sa kanya kanina pa..naiintindihan naman niya kaya wala ka ng dapat pang ikabahala. Ssaka nandito ka naman sa amin kaya hindi iyon mag-aalala." Sabagay, malaki naman ang tiwala ni Lola kay Grant.

Tumayo ako at inayos ang bedsheet nitong gusot na. "It's okay..." pigil nito sa akin. "Tara na sa baba." Dahil masunurin ako ay sumunod na ako sa kanya.

Naabutan namin ang dalawang kapatid nito na kumakain na kasama si Lolo Gustave. He automatically smiled when he saw us coming. I smiled back to show some respect. Hinila naman ni Grant ang upuan para sa akin.

Napatingin kami kay Lolo Gustave nang humagikgik ito na tila kinikilig pa dahilan kung bakit nakaramdaman na naman ako ng pagka ilang.

"Anong kursong kinukuha mo Iha?"

"Hospitality Management po," magalang kong sagot.

"Good choice...Sana ma-manage mo rin ng mabuti ang ugali ng apo ko." Muntik na akong mabulunan sa sinabi nito. He really thinks that Grant and I are in an intimate relationship.

"Gaano na kayo katagal?" Muling tanong nito. Medyo may pagkadaldal pala ang Lolo nila.

I was about to speak to tell him that I'm not in a relationship with his grandson when Grant suddenly spoke. " Lo, hindi pa po kami..." PA? Lolo Gustave's brows furrowed.

Keeper of His Heart (Escarra-Lauriel Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon