Chapter 28

161 2 0
                                    


"So that's the case..." Grant uttered as he bowed his head.

"I-I'm sorry...I–wala na akong nagawa. Wala akong choice kung hindi sakyan—"

"It's okay," he coldy answered. Mas lalo tuloy akong nagi guilty sa hinihiling sa kanya. Hindi naman na sana ako papayag sa gustong mangyari ni Dave pero noong malaman ko na may possibility na nag chi cheat si Tito ay mas lalo kong naintindihan ang gustong iparating ni Dave. Nakikita ko rin naman na sincere siya sa mga sinasabi niya.

"Magiging madalas ka ba sa kanila?" he softly asked as he looked at me.

"I'm not sure...pero baka hindi. Pwede ko naman na sabihin kay Tita na busy ako sa OJT para hindi na siya umasa na lagi akong magpupunta sa kanila," I replied. Iyong pagbisita ko pa lang kina Tita habang nandoon rin ang ex ko e alam ko ng masakit iyon sa parte niya tapos hindi pa namin pwedeng sabihin kay Tita na wala na kami ng anak niya dahil sa kalagayan nito. Alam kong mas lalong mahirap iyon sa parte ni Grant. Sana lang 'wag niyang isipin na tinatanggi ko siya.

"Okay, may tiwala naman ako sayo. Let's do it for the sake of his Mom." Ngumiti ito at hinawakan ang kamay kong nakapatong sa aking hita.

"I'm sorry, love...for dragging you into this situation. Sorry, alam ko hindi magiging madali para sayo ito," I sincerely speak. I didn't expect this one. Pero sa mga nangyayari, parang mas gusto ko na lang bumalik sa probinsya. Atleast, doon masaya kami. Wala kaming masyadong prino problema.

"Shhh...nandito na rin naman tayo, panindigan na natin. Basta, ako ang susundo sayo kapag pupunta ka sa kanila para hindi mo na kailangan pa na sumabay sa kanya," he seriously uttered.

"Diba naiba na sched mo?" Ang alam ko kasi 10am-7pm na ang duty niya, eh ako 8am-5pm.

"Susubukan kong maki switch ng sched kung pwede, makikiusap ako kung kailangan," determinado nitong saad.

"Love, hindi mo iyan kailangan na gawin pa, kung hindi talaga kaya...mag co commute nalang ako papunta sa kanila para hindi ka na mahirapan pa. Hindi na ako sasabay kay Dave," I assured him.

"Sige na, ganoon na lang. Mag ko commute na lang ako, tapos kapag sumakto na iyong sched natin isasama kita sa kanila," I added, trying to convince him. Ayoko na mag adjust pa siya para sa akin. Sobra na iyong pabor na hiningi ko sa kanya.

"Sure," he simply answered as he kissed my forehead.

"Basta, tatandaan mo na ikaw iyong mahal ko." I stared at him before pressing my lips into his.

***

"So, how's your tricky setup?"

Nilapag ko ang shot glass ko na wala ng laman sa mesa bago tapunan ng tingin si Visha na kakaupo lang sa aking harapan. Pinanood ko itong inumin niya ang alak sa kanyang baso kasabay no'n ang pagtabi ni Tria sa kanya.

"It's...fine." Maging ako ay hindi rin sigurado sa sinagot.

Tria raised a brow. "Paano naging fine ang ganoong set up?" she unbelievably asked as she looked at Grant who was seated beside me.

"Tama, kung ako si Grant, hindi ako papayag," Visha agreed.

"Let's not just talk about that, ladies," Grant suddenly said. Ramdam ko ang pagbuntong hininga nito dahil sobrang lapit lang ng mukha niya sa leeg ko. Humiwalay siya sa akin bago ilapag sa mesa ang kanyang baso na wala ng laman.

"Where's Gav and Gianni?" he asked the two.

"Nasa baba," Visha answered. Nagpaalam sa amin si Grant na pupuntahan muna ang mga kapatid sa baba. He gave me a quick kiss before he left. Pinanood ko lang itong maglakad pababa sa unang palapag ng Spade Superclub. Nawala siya agad sa aking paningin dahil na rin sa pagpatay sindi ng mga ilaw. Mukhang nagka kasiyahan ang ilang tao sa baba, dahil sa mga sigaw nila at sumasabay pa sila sa kanta na pinapatugtog ng DJ.

Keeper of His Heart (Escarra-Lauriel Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon