"Iwasan mong maging close sa kanya." Nag-angat ako sa kanya ng tingin at bahagyang natawa.
"Bakit ko naman gagawin 'yon?"
"Dahil sinabi ko." Nagtaas ako ng kilay sa naging sagot nito.
"T-teka lang, dahil sinabi mo? Tama ba ang dinig ko? Iyon na iyong rason mo? Pwes, hindi ko siya iiwasan. Mabait siyang tao at gusto niya akong maging kaibigan kaya bakit ko itutulak palayo 'yong tao? Sorry pero hindi ko ugali iyon," pagtanggi ko sa gusto niyang mangyari.
"Pero hindi mo pa siya gaanong kakilala para sabihan mo ng mabait. Kung hindi mo talaga siya maiiwasan...mag-iingat ka na lang sa kanya. Be attentive and don't give your hundred percent trust on her." Hindi na ako nakasagot pa dahil pinaandar na niya ang sasakyan. Buong byahe lang kaming tahimik. Pagkahatid niya sa akin sa Casa Lauriel ay umuwi rin siya agad.
Kinabukasan ay kaming dalawa lang ni Tria ang hinatid ng driver dahil si Visha ay sinundo ni Gav gamit ang motor nito. Ang maganda kay Gav ay ipinagpaalam pa niya kay Lola ang tungkol sa pagsundo at paghatid ni Gav sa pinsan namin, knowing they're just flings.
"Sa tingin mo more than fling na lang ba sina Visha at Gavin?" tanong ko kay Tria.
"Ewan ko sa dalawang 'yon. But knowing Visha palagay ko hanggang doon lang sila," she answered.
"You have a point pero wala pa ring impossible malay natin sila pa magkatuluyan," I concluded.
"Di ko alam, Rie saka 'wag mo akong tanungin sa love love thingy na yan kasi hindi pa naman ako naiinlove so, wala akong alam diyan," she rebatted na siyang dahilan ng pagtaas ng kilay ko.
"Talaga? Hindi pa? Sigurado ka?" sunod-sunod kong tanong na para bang nakagawa siya ng isang krimen at pilit ko itong hinuhuli para mapaamin.
She pointed herself, " Excuse me, Henrietta Faye ako? baka sa alak pwede pa. Speaking of, tara sa Friday...inuman," kindat nito sa akin.
"Baka mabastos na naman tayo niyan e," nag-aalangang sambit ko. Hindi ko pa rin makalimutan ang nangyari sa pinuntahan naming Bar noon dahil doon muntik na kaming mapahamak at maaksidente at iyon din ang dahilan kung bakit kami napunta sa Old house.
Ayoko ng maparusahan.
"Hindi na sa ganoong klaseng inuman. May club din pala rito sa UG," nakangiti nitong sagot. Kumunot ang noo ko sa sinabi nito.
"Paano mo naman nalaman?"
"Narinig ko kasi 'yong mga kaklase kong nag-uusap. Gigimik din sila sa Friday." Aba, pagdating sa inuman ang lakas makasagap ng chika.
"Anong UG ba yan? At saan naman yan? Sigurado ka dito sa probinsya?" Nag do-doubt ko pa ring tanong.
"Underground. Meron nga sa may centro ng probinsya."
"Oh siya sige, sa Friday na natin pag usapan 'yan," sagot ko at saka nagpaalam na sa kanya dahil sa ibang hagdan ako aakyat. Magkapareho kami ng building since Events Management naman ang kurso niya kaso sa baba sila.
"Riri!" Nakilala ko kaagad ang boses ng sumisigaw at dahil pamilyar ang 'Riri' alam kong siya na 'yon. Lumingon ako sa banda kung saan ko narinig ang sigaw.
Hindi nga ako nagkamali. May sinabi siya sa mga kaibigan niya bago lumapit sa akin. Umalis na rin ang mga kaibigan nito.
"Alam mo bang kanina pa kita inaabangan sa entrance para makita ka, mabuti na lang maganda timing ngayon...kasing ganda mo," ngiti nito sa akin. Natawa naman ako sa sinabi nito.
"Talaga lang ah?"
"Oo." He proudly confirmed.
"Oh ngayong nakita mo na ako?" tanong ko habang nakatingin sa kanya. Napakamot ito sa kanyang ulo.
BINABASA MO ANG
Keeper of His Heart (Escarra-Lauriel Series 1)
Romance(Photo cover not mine credits: Unsplash) Escarra-Lauriel series #1 Henrietta Faye is such a hopeless romantic girl, sa kanilang magpipinsan siya ang mas naniniwala sa pag-ibig. She believes that 'To date is to marry". She's the type of person that...