Chapter 43

194 5 1
                                    


1 week have already passed since Ethan and his colleague were caught. Pati na rin iyong matandang babae na nagsasagawa ng illegal abortion. Nasampahan na sila ng kaso ganoon din si Abi. Mabilis namang umusad iyong kaso dahil na rin sa mga ebidensiya na hawak namin kaya nakakulong na sila ngayon. Huling kita ko sa kanila ay sa korte pa, wala na rin akong balak na bisitahin pa sila sa kulungan dahil baka hindi ko kayanin kapag nakita ko ulit sila. Baka bumalik lang lahat.

Nahuli naman na sila kaya mapapanatag na ako. Nabigyan na rin ng hustisya iyong nangyari sa akin at sa anak ko. Ayos na ako sa ganoon, the rest, ipinapaubaya ko na lang sa Diyos.

"Henrietta Faye!" Natigil ako sa ginagawa sa laptop nang biglang bumukas ang pinto ng opisina ko.

"Ang ingay mo," I said to Visha. Pumasok na sila ng tuluyan at naupo sa may sofa.

"Nabalitaan mo na ba?" Untag ni Visha. I frowned. "Ang alin?" Pabitin pa kasi.

"Iyong tungkol kay Grant?" Natigilan ako sa pagtipa sa keyboard ng laptop ko at tumingin sa kanya. "What about him?" Kunware wala akong masyadong pake.

"Babalik na siya ng Australia the day after tomorrow."

"Mag fo for good na raw siya roon," Visha added.

Talagang tutuparin niya iyong pangako niyang hindi na magpapakita sa akin kahit kailan? Nakaramdam ako ng pagkirot sa dibdib. Hindi nga siya ang nagbalik ng sasakyan ko e, pinabalik pa niya kay Gianni. Ayaw na niya talagang magpakita.

"Akala ko pa naman magkakabalikan na kayo," Visha uttered na parang nasasayangan pa. "Akala ko nga rin e, kasi nga naghalikan kayo sa bahay nila noon," si Tria.

"Ay, I remember that, kung bakit ba kasi umeksena pa si Tita Avary e," sagot ni Visha.

Baka nga hanggang dito lang talaga kami. Ayaw na rin nila Mommy na magkabalikan pa kami. After that kiss, pinagalitan na naman ako ni Mommy. Tanga na raw talaga ako kung babalikan ko pa si Grant. So, maybe we are'nt really meant for each other.

"Uy, natahimik ka riyan?"

Bumalik ako sa wisyo nang muling magsalita si Visha. Kumuha ito ng isang slice ng pizza na dinala nila. "Magsabi ka nga ng totoo. Mahal mo pa ba talaga siya? Gusto mo bang magbalikan kayo?" She asked before taking a bite on her pizza.

"Tinatanong pa ba iyan? Halata naman. Nasabi nga nila sa mahal pa nila isa't-isa,' si Tria habang ngumunguya pa. Nagtawanan pa sila. "Oo nga noh!" Nakwento ko rin kasi sa kanila iyong napag-usapan namin ni Grant sa bahay nila noon.

"Pero ayaw mo na bang ilaban?" Tanong ni Visha.

"Hindi rin naman na kami pwede." Ngumiti ako ng pilit.

"So, after ng lahat ng pinagdaanan niyo? Hindi niyo ilalaban ngayon iyong pagmamahalan niyo?" Seryosong tanong ni Visha.

"Nakapagdesiyon naman na siya e. Saka baka hindi talaga kami iyong para sa isa't-isa, huwag na nating ipilit," I responded, kahit ang totoo ay gusto kong subukan, gusto kong ipilit.

"Kaya mo ba?" Tria raised a brow.

"O-oo naman. Hello? 10 years nakaya ko nga e," pagmamayabang ko pa. Ngumiti pa ako ng pilit.

"Pero iba iyon. Iyong 10 years na iyon, akala mo hindi ka na niya mahal, akala rin niya nagloko ka. E, paano ngayong alam niyo na mahal niyo pa rin pala ang isa't-isa? Hmmm, impossibleng hindi kayo manghinayang," Visha pointed out.

Pero wala akong magagawa, iyon na iyong desisyon niya. Aalis na nga siya e. I took a deep sigh. Kaya mo, Rie. Kaya mo na wala ulit siya. Kakayanin mo.

Keeper of His Heart (Escarra-Lauriel Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon