"Hmmm." Agad kong pinatay ang alarm ng phone ko at kinusot ang mga mata bago tuluyang bumangon. I checked that it was already 8:03 in the morning.
I did my morning routine before going outside my room. I tried to check the two in their rooms but their doors are still locked so it means they are still asleep. Puyat pa rin. Anong oras na kasi kami nakatulog kagabi dahil napasarap ang kwentuhan naming tatlo kasama si Lola.
"Si Lola po?" tanong ko sa isang katulong pagpunta ko ng kusina.
"Lumabas po pagkatapos niyang mag almusal. Hindi rin niya kayo pinagising kanina dahil alam niyang pagod pa daw kayo," sagot naman niya.
Well of course pinagbibigyan niya kami ngayon because we survived our one month at the old house. At proud siya sa amin kahit papaano. Pero sa susunod na mga araw magiging strikto na naman siya sa amin. Knowing her ayaw niyang may tinatanghali na ng gising. Time is precious daw kasi kaya dapat hindi inaaksaya.
Dahil mukhang mamaya pa babangon ang dalawa nauna na akong kumain sa kanila. Pagkatapos kumain nagtungo ako sa garden ni Lola. Nagmumuni muni para maibsan ang pagiging bored ko. Nakabalik na ako sa loob ng mansyon pero wala pa rin akong makitang bakas ng dalawa. Jusko almost 9:30 am na kaya, hindi pa sila gising. Mukhang binabawa nila ang sleepless night nila sa old house.
"Paggising po ng dalawa pakisabi lumabas ako," bilin ko sa isa sa mga katulong.
I decided to stroll outside. I also brought my phone with me in case tumawag ang dalawa or in case mawala ako. Hindi ko na matanaw ang Casa Lauriel kaya mukhang nakalayo na ako. Nagpatuloy ako sa paglalakad dahil naeenjoy ko ang pag sight seeing at sa tahimik na paligid. Nagiging maingay lang kapag may dumaraang sasakyan.
Tanaw na tanaw din mula rito sa malawak na kalsada ang mga pananim ng mga taga rito na siyang nagdaragdag atraksyon sa mga taong dumadaan.
Napabagal ako sa paglalakad nang masilayan ng mga mata ko ang isang pamilyar na sasakyan. Huminto ito kaya agad akong napatago sa malaking puno sa may gilid ng kalsada. Medyo may kalayuan naman ang sasakyan pero ayokong makita niya ako kung siya man 'yon.
Tanaw ko ang pagbaba ni Grant mula sa passenger seat kasabay no'n ang pagbaba naman ng isang magandang babae sa driver seat. Nagpalit sila ng pwesto bago ito tuluyang humarurot.
Nakaramdam ako ng paninikip sa dibdib sa nasaksihan. Sino 'yong babaeng kasama niya?
Siya kaya 'yong Abigail?
Maganda siya sa totoo lang.
Unti-unti akong lumabas sa pinagtataguan at saka naglakad papunta sa may kalsada nang hindi inaalis ang tingin sa dinaanan ng sasakyan ni Grant. Sila lang dalawa magkasama?
Saan naman sila pupunta?
I don't know exactly what to feel.
E ano naman kung sila lang dalawa. Dapat wala na akong pakialam doon. It's his life anyway.
"Oh my god!" Nagulat ako at napaupo sa may kalsada ng makarinig ng sunod sunod na pagbusina.
Sh-t. Sobrang lapit ng sasakyan sa akin. Muntik na ako roon.
"Okay ka lang ba?" tanong ng maputing lalaki pagkalapit na pagkalapit sa akin.
Inalalayan niya akong makatayo. Agad ko namang pinagpagan ang damit.
"Bakit ka naman kasi nakatulala sa may kalsada, Miss?" Halatang naghihintay ng sagot.
"Ah...Rie, just call me Rie," sagot ko naman.
"Sorry ah," paghingi ko ng paumanhin. Ang shunga ko talaga.
"Dahil maganda ka...apology accepted," ngiti nito sa akin. Natawa naman ako ng bahagya.
BINABASA MO ANG
Keeper of His Heart (Escarra-Lauriel Series 1)
Romance(Photo cover not mine credits: Unsplash) Escarra-Lauriel series #1 Henrietta Faye is such a hopeless romantic girl, sa kanilang magpipinsan siya ang mas naniniwala sa pag-ibig. She believes that 'To date is to marry". She's the type of person that...