It was our first day at School at halo halo ang emosyong nararamdaman ko lalo na at nasa new environment kami. Hinatid kami ng driver ni Lola. Pagkatapos naming makuha ang schedules namin ay tumambay muna kami sa may School canteen at kumain ng mga meryenda. We already ate before going here pero talagang kumalam pa rin ang mga sikmura namin.
"Nasaan kaya 'yong triplets?" Visha suddenly asked habang lumilingon lingon sa paligid na para bang may hinahanap.
"Bakit 'di mo i-text 'yong fling mo para malaman mo," Tria answered.
"Hindi pa nagrereply eh. Baka maligaw tayo rito," nag aalangan na sabi ni Visha
Tria arched her brow. "Kung shu shunga shunga ka maliligaw ka talaga! Jusko para namang sinabi mong hindi natin kaya ng wala sila. Hindi tayo bata!" inis nitong bulyaw sa pinsan namin.
"Okay okay, sorry naman," natatawang sagot na lang nito at saka binalik ang tuon sa cellphone.
"Sabay-sabay na ba tayong magpa-ID at kukuha ng uniform?" Tanong ko sa dalawa. Dahil transferee kami saka one week namang hindi maguuniform.
"Hmmm not sure with that, kung may time na kayo mag pa ID na and if magtama ang sched natin sa hapon na tayo kumuha ng uniforms," sagot ni Visha. Kung sabagay may point siya. Magkaiba kami ng course at syempre schedule. We all agreed with that.
"Una na ako ah may klase ako ng 8:30 AM," pagpapaalam ko sa dalawa hahanapin ko pa kasi 'yong room ko.
"Okay. text...call nalang," sabi ni Visha pagkatapos iniwan ko na sila. Nakalagay naman sa schedule ang mga room number pati na rin ang building. Mabuti na lang at may mga signage ang bawat buildings kaya hindi ako masyadong nahirapang maghanap.
Sa third floor nga lang ang room ko kaya medyo hiningal ako. May mga nakita na akong estudyante sa loob ng classroom. Pumasok naman na ako. Medyo nailang pa ako nang titigan nila ako. Parang ang co-close na nga nilang lahat e. Kung sabagay matagal na sila rito.
Marami pa namang bakanteng upuan kaya pinili ko nalang sa may tabi ng bintana. Favorite spot ko roon. Ewan ko parang ang special mo 'pag doon ka sa tabi ng bintana nakaupo. I looked at my phone to check what time it was already.
20 minutes nalang.
Kinuha sa bag ko ang earphone saka sinukbit sa tenga at nakinig ng music. Tanaw ko sa may bintana ang quadrangle ng School may mga estudyante ring nakatambay doon.
Napalingon ako bigla sa taong humila ng earphone sa tenga ko. "Gail?" hindi makapaniwala na sambit ko. Anong ginagawa niya rito? That does mean we're classmates?
Tumango naman ito at ngumiti. Tinanggal ko naman kaagad ang earphone para hindi nakaka bastos sa kanya.
"Good thing we're classmates by the way good morning," she greeted. I smiled back," Good morning din." Hindi na ba siya galit sa akin?
"Block section?" she asked again.
"Yes. Ikaw rin?" tanong ko pabalik.
"Same. Mabuti na lang hindi na ako mahihirapang maghanap pa ng kaibigan."
"Y-you want me to be your friend?" Wala sa sariling tanong ko. Lumingon ito sa akin saka tumawa ng bahagya.
"Oo naman bakit naman hindi, diba?" Mabait naman pala siya.
"Oh. About last time...I want to sincerely apologize for my action. Masyado lang siguro akong nagselos but I've realized that I have nothing to be jealous of...since you are his friend right?" She's looking at me waiting for my answer.
"A-ah o-oo naman," I barely laugh. Magsisinungaling ako sa sarili ko kung sasabihin kong hindi ako nasaktan sa mga sinabi nito. Pero hindi ko rin maiwasang makonsensya dahil alam ko at sigurado na akong higit pa sa kaibigan ang turing ko kay Grant.
BINABASA MO ANG
Keeper of His Heart (Escarra-Lauriel Series 1)
Romance(Photo cover not mine credits: Unsplash) Escarra-Lauriel series #1 Henrietta Faye is such a hopeless romantic girl, sa kanilang magpipinsan siya ang mas naniniwala sa pag-ibig. She believes that 'To date is to marry". She's the type of person that...