"I will surely miss you, my Elliot," I mumbled as I touched the screen of my laptop. Baka sa mga oras na ito ay nasa Manila na sila. I shifted my gaze to my cellphone. Wala pa siyang message.
"Wow! Sana all namasyal!" Aya suddenly commented when she looked at the video playing on my laptop. I compiled all the videos and pictures I took in Tagaytay. I also inserted a romantic song as a BM.
"Kaso LDR na," Emma pouted.
"Ano naman kung LDR na. Hindi pa rin maghihiwalay iyang dalawa na iyan. Diba, Rie?"
"Oo naman!" I confidently responded to Aya.
"Wala naman akong sinabing maghihiwalay ah," sambit naman ni Emma dahilan para matawa ako. Dumating na ang prof namin kaya sinara ko muna ang laptop. Bumalik na rin sa kaniya kaniyang upuan ang dalawa.
Pasukan na namin kaya hindi kami nakasamang magpipinsan sa paghatid sa Triplets at kay Lolo Gustave sa Manila. Bukas pa ang alis nila pero mas maigi na raw na mapaaga sila sa Manila at dahil gusto ni Tita Luisa na maka bonding rin muna ang mga anak. Hindi ako maka concentrate sa pakikinig sa sinasabi ng prof namin dahil panay ang bantay ko ng palihim sa cellphone ko. Nag-eenjoy siguro sila. Ano ba ito, dapat masanay na ako dahil limang taon pa ang lilipas na hindi ko siya makakasama.
Dumaan ang tanghalian at hapunan pero wala pa rin akong natanggap na message o tawag galing sa kanya. I pouted my lips while looking at the screen of my cellphone. Tatawagan ko na ba? Hindi ba ako magmumukhang atat na atat? I was about to click his contact name when I realized something. Huwag na lang, ayaw kong agawan ng oras si Tita Luisa. Tatawag din naman iyon 'pag free time na niya. Bakit ba kasi ang dali mong mamiss, Grant Elliot.
Bumalikwas ako ng bangon sa sofa nang masilayan si Abigail na kapapasok lang ng pintuan.
"Gail?" Anong ginagawa niya rito? Ang alam ko nasa Mt. Province siya.
"Good evening," she greeted and stifled a smile. I noticed her worried face.
"Good evening din, may kailangan ka?"
Lumapit ito sa akin kaya't ilang distansya lang ang pagitan namin. "I- I was about to go to Casa Escarra but Tita called while I'm near their mansion. Nasa Manila na pala sila," she replied. Hindi siya nainform ni Tita Luisa?
"Pero may nasabi rin kasi siya sa tawag...kaya imbes na dumiretso pa Maynila ay naisipan kong dumaan muna rito dahil alam kong...may karapatan kang malaman ang tungkol sa nalaman ko," she concernedly uttered, which cause me to be confused.
"I-I can't understand what you're saying..."
Imbes na sagutin ako ay nilabas nito ang cellphone sa kanyang shoulder bag at iniaabot sa akin na siyang mas lalo kong pinagtaka. "You need to see it..." Kinakabahan man ay inabot ko ito at saglit na tumitig sa kanya. She just gave me a go-ahead-look. I slowly drifted my gaze on her cellphone. Nanlaki ang mga mata ko sa nakitang litrato.
It was Dave hugging me in front of their gate. Sa pagkakatanda ko ito iyong araw na sinabi sa akin ni Dave na may sakit si Tita sa Hotel kaya bumisita ako sa kanila para tingnan si Tita Amy. Tinulak ko siya kaagad dito. Sino ang kumuha ng litrato? Ang bilis naman niya. "Swipe it," Gail uttered.
Sinunod ko ang sinabi niya at tumambad sa akin ilang larawan na siyang gumimbal sa buong pagkatao ko. Napatakip na lang ako sa bibig at nag-umpisang mangilid ang mga luha sa aking mga mata habang tinitignan ang mga pictures. Nakatalikod ako mula sa anggulo ng camera, si Dave ang kitang kita. We're f-cking kissing with his arms encircled on my back and my arms encircled on his nape. Sa mga sumunod na larawan ay nakahiga na ako at nakapatong siya sa akin.
BINABASA MO ANG
Keeper of His Heart (Escarra-Lauriel Series 1)
Romance(Photo cover not mine credits: Unsplash) Escarra-Lauriel series #1 Henrietta Faye is such a hopeless romantic girl, sa kanilang magpipinsan siya ang mas naniniwala sa pag-ibig. She believes that 'To date is to marry". She's the type of person that...