"Whoa! Let's party! party! party!" Visha yelled while dancing wildly on the dance floor.
"Stop your cousin, nasobrahan na siya," nag-aalalang sambit ni Grant. Actually, kanina ko pa yan sinasabihang tama na ang pag-inom sadyang makulit lang. Hindi ko rin siya masisisi dahil nandito rin si Gav kasama si Felia.
Kahit hindi niya sabihin alam kong sila ang dahilan kung bakit siya nagkakaganyan. Ayaw pa kasi umamin na nahulog din siya kay Gav.
Muli kong nilapitan si Visha sa dance floor para hilain. "Vish, stop it...let's go home na," I said pero sadyang makulit ito at patuloy sa pagsayaw.
Mayamaya ay lumapit na si Tria kasama sina Grant at Gianni. "What? Ang aga pa kaya, sumayaw pa tayo," lasing nitong saad.
Hinila na rin siya ni Tria, "teka lang ang sakit," she stopped dancing, agad namang binitawan ni Tria ang kamay nito. "Sorry, napalakas ba?" she asked. Pero hindi sumagot si Visha at nakatitig lang sa isang tabi. Lahat kami ay napalingon sa gawi kung saan siya nakatingin.
And there we saw Gav and Felia flirty dancing at the dance floor. Dikit na dikit ang mga katawan nila sa isa't-isa.
Sabay naming niyakap ni Tria si Visha nang makitang tumulo ang luha nito. "Shhh, mas maganda at sexy ka sa kanya!" pagpapagaan ng loob ni Tria.
"I know that I should not feel this way but f-ck! bakit ang sakit sakit!" she uttered.
"Ladies, tara muna sa table natin," pag-aya ni Gianni bago kami alalayan papunta sa table namin. Si Grant naman nakita kong dumiretso kina Gav at tila may binulong sa kapatid.
Ini-upo namin kaagad si Visha at patuloy na pinapatahan sa pag-iyak. "What are you doing?" Hindi ko alam kung matatawa ako o ano sa ginagawa ni Tria e.
"Para may ebidensya tayong iniyakan niya si Gav. Ayaw pa kasi umamin e," sagot niya habang patuloy na kinukuhanan ng video si Visha habang umiiyak. Saktong nagpupunas na ito ng luha nang dumating si Grant at Gav sa table namin.
Sinulyapan ko ang dance floor pero hindi ko na nakita si Felia. "I'll take her home," wika ni Gav.
"Ayoko," madiing sambit ni Visha. Hindi siya pinansin ni Gav, kinuha niya ang bag nito sa upuan. Nang mapansin iyon ng pinsan namin ay sumigaw ito, "What the f-ck are you doing? Kaya ko ang sarili ko! Doon ka na kay Felia! We already cutted our ties!" Pero nagmistulang bingi si Gav.
Nagulat kami nang biglang tumayo si Visha at dali daling naglakad palayo sa amin. Agad namang nag-abutan ng susi si Gav at Grant bago habulin ni Gav si Visha. Akmang susundan ko sila nang pigilan ako ng boyfriend ko sa pamamagitan ng paghawak sa aking kamay.
"Let them...kaya na ni Gav iyan," he stated. May tiwala naman ako kay Gavin kahit papaano. Kaya panatag na rin kami ni Tria dahil alam naming iuuwi siya ni Gav ng buo at ligtas.
Binigyan ko siya ng matamis na ngiti bago niya iabot sa akin ang shot glass. We raised our shot glasses and tossed. Pagkatapos kong uminom ay inakbayan niya ako papuntang dance floor.
Nagsimula naming igalaw ang mga katawan para masabayan ang music. Pinulupot ko sa kanyang batok ang aking mga kamay habang gumigiling sa kanyang harap. My body shivered when he wrapped his arms on my tiny waist.
Mas lalong dumami ang paru paro sa aking tiyan nang higitin niya ako palapit sa kanya. Our face almost touched because of what he did. His lips formed a playful smirk.
He was about to claim my lips when someone interrupted us. "Grant?" a tall girl approached him. Pareho kaming napatingin sa babae.
"Annie?" Grant responded. They know each other, huh. Hindi pa rin ako binibitawan ni Grant kaya nagawi ang tingin ng babae sa kamay ni Grant na nakapulupot sa aking bewang.
BINABASA MO ANG
Keeper of His Heart (Escarra-Lauriel Series 1)
Romance(Photo cover not mine credits: Unsplash) Escarra-Lauriel series #1 Henrietta Faye is such a hopeless romantic girl, sa kanilang magpipinsan siya ang mas naniniwala sa pag-ibig. She believes that 'To date is to marry". She's the type of person that...