WARNING: Some scenes have mature content that is not suitable for young audiences.
READ AT YOUR OWN RISK OR SKIP IT.
"Come on, ladies...tell me what you want. You deserve some presents because your grades are high."
Mababakas sa mukha ni Lola Clementine ang saya nang ipakita namin sa kanya ang aming report cards.
Nagkatinginan kaming tatlo. Ano nga bang gusto namin? Kung noon ay naguunahan pa kami sa pagsabi ng mga luho namin sa tuwing tatanungin ang bagay na iyan sa amin, ngayon parang nawalan na ako ng pake.
Tumaas ang dalawang kilay ni Lola, naghihintay pa rin ng mga sagot namin. "To be honest, Lola...we actually don't know what we want," Tria responded, causing our Lola to say 'ohh'.
"Himala, hindi niyo alam ang gusto niyo. Wala ba kayong sakit?" Sarkastikong sambit ni Lola.
"Lola naman," Visha uttered, causing Lola to laugh.
"Hindi lang kasi ako sanay sa sagot niyo. Kay Chantria pa galing..." Tria just rolled her eyes.
"Wala talaga kayong gustong ipabili? New phone, new laptop, branded clothes,shoes, bags?"
"Lola, wala po talaga...okay pa naman kami sa cellphones namin," ako na ang sumagot. Hindi pa naman talaga namin kailangan ng mga bagong gamit dahil maayos pa ang mga ito. Saka mas maganda na rin na kung gusto namin ng bago e paghirapan namin.
"Wow." Tila naa amaze na sambit ni Lola. "Salamat naman at may naidulot ding mabuti ang pags-stay niyo rito. Matutuwa panigurado ang mga magulang niyo sa ibabalita ko sa kanila," abot langit na ngiti ni Lola. Tumayo ito sa kinauupuan at dali daling dinampot ang telepono sa tabi.
"O siya sige, baka malate na kayo sa klase...Keep up the good work, Ladies...I love you!" Tumayo na kaming tatlo para magbeso kay Lola. Pagkatapos sabay sabay na rin kaming lumabas ng mansyon.
Naabutan namin ang triplets na nasa labas ng mansyon. Nilapitan ko kaagad ang aking nobyo para bigyan siya ng matamis na halik at yakap.
"Good morning, love!" May halong excitement ang aking tono. "Good morning too, love! How was your sleep?"
"Good," medyo pabebe kong sagot.
"Gross. Baby talk amp," rinig kong react ni Tria. Aba!
"Una na kami guys, See you at School!" paalam ni Gianni sa amin habang winawagayway nito ang kanyang kamay. Nagpaalam na rin si Tria bago sila pumasok ng Van na maghahatid sa kanila.
"Una na kayo, magpapaalam pa kami kay Lola." Kumunot ang noo ko sa sinabi ni Visha.
"Bakit?" pang-uusisa ko.
"May pupuntahan kami ni Gav after class." she answered before pulling Gav. Hindi ko na natanong kung saan dahil nakapasok na sila sa mansyon.
"Let's go?" nakangiting aya ni Grant habang nakalahad ang kamay nito sa akin. Inilagay ko ang aking kamay sa kamay nito at naglakad kami habang magkahawak ang mga kamay.
Kumunot ang noo ko nang idiretso niya ako sa gawi kung saan nakaparada ang motor ni Gav. Lumingon ako sa likuran dahil nalagpasan namin ang sasakyan nito.
Binitawan niya ang aking kamay para isuot sa akin ang isang helmet. "Nakiusap sa akin si Gav, gagamitin daw muna nila ang sasakyan." Doon ko lang napagtagpi tagpi ang lahat. Saan naman kaya sila mag ro road trip. Paniguradong hindi uuwi si Visha kaya sila magpapaalam. Kung sabagay Friday naman ngayon at walang pasok bukas.
"Okay, lang ba?"
"Okay lang sa akin. Hindi mo na dapat tinatanong iyan," I replied. Inalalayan niya akong makaupo sa motor bago siya sumakay. Dalawa na rin ang helmet ngayon kaya tig-isa kami, for safety na rin.
BINABASA MO ANG
Keeper of His Heart (Escarra-Lauriel Series 1)
Romance(Photo cover not mine credits: Unsplash) Escarra-Lauriel series #1 Henrietta Faye is such a hopeless romantic girl, sa kanilang magpipinsan siya ang mas naniniwala sa pag-ibig. She believes that 'To date is to marry". She's the type of person that...