"Love..." I called him while pretending to be busy with my phone.
"Hmmm," he responded while his eyes were still on the road. It's already 8:45pm at hindi pa kami nakakalayo masyado sa bahay. Pauwi na kami sa probinsya. Plinano talaga naming magpipinsan na gabi na lang umuwi at gumawa ng rason sa triplets. Bukas na kasi ang kaarawan ng triplets at plano naming i-surprise sila.
Kaya heto ako ngayon gagawa ng kwento.
"Lola just texted me...May pinapasundo siyang kamag-anak sa La Union. Baka pwede raw nating isabay na lang," I reasoned out as I looked at him.
Lumingon ito sa akin. "Sige, paki text na lang sila Gav para alam nilang mahuhuli tayo," he replied before he averted his gaze on me.
"Oo, tetext ko na." Ngumiti ako ng palihim at tinext ang dalawang pinsan ko na okay na ako kay Grant. Parehas lang kasi kami ng rason.
Chineck ko agad ang group message namin sa viber nang mag-vibrate ang cellphone ko.
Visha: Okay na rin sa akin:)
Tria: Same here, pero nakakainis si Gianni. Tanong nang tanong kung sinong kamag-anak daw ang susunduin namin.
Pinigilan ko ang sariling matawa sa nabasa dahil baka makahalata pa si Grant na busy ngayon sa pagmamaneho.
Nagtipa ako ng reply.
Me: HAHAHAH sagutin mo lang ng sagutin. Mag imbento ka lang, titigil din iyan.
Visha: Nakahanap ka ng katapat noh. HAHAHAH! bleh!
Tria: shatap!
"Saan pala sa La Union?"
Binaba ko agad ang hawak na cellphone.
"Sa Bauang lang naman. Sa Keepers Villa," I answered.
"Alright, matulog ka muna, love. I'll just wake you up when we get there," he responded, smiling. Sumulyap din ito sa akin at kumindat.
"Hmmm."
Naalimpungatan ako nang maramdaman ang marahang haplos sa aking pisngi. Automatikong sumilay ang ngiti sa aking labi nang binuksan ko ang aking mga mata at bumungad sa aking harapan si Grant.
"We're here, love. Halika na...puntahan na natin iyong kamag-anak niyo." Natawa naman ako bigla sa sinabi nito habang inaalayan niya akong bumaba sa sasakyan.
The sounds of the waves are like music to my ears. Mollifying. Para akong dinadala sa ibang mundo.
"What are you doing here?" Kunot-noo na tanong ni Grant kay Gianni nang magkasalubong kami nila Tria sa may lobby.
Nagkatinginan kaming magpinsan. "May susunduin kami. Kayo?"
"What? E, may pinapasundo sa amin si Lola Clementine," Grant answered, confusedly.
"Huh? E, si Lola din nag-utos sa amin na pumunta rito e," sagot naman ni Gianni. Halatang naguguluhan din ito.
"Love, Pwede bang pabasa ng text ni Lola sayo, baka kasi may misunderstanding na nagaganap." Nanlaki ang mga mata ko sa pakiusap niya. Anong text? Wala akong maipapakita. Sinesenyasan ko si Tria na saluhin ako.
"Tama baka nga, patingin din ng text ni Lola sayo, baby...baka nagkamali ka ng basa." Nanlaki na rin ang mata ng pinsan ko at parang tanga na napatingin kay Gianni.
Kung bakit ba kasi hindi kami nag-isip ng plano tungkol sa ganitong sitwasyon. Dapat na lang hindi muna kami dumiritso rito sa loob.
"Guys!" Nakahinga ako nang maluwag nang marinig ang boses ni Visha. Gulat na nagkatinginan ang triplets.
BINABASA MO ANG
Keeper of His Heart (Escarra-Lauriel Series 1)
Storie d'amore(Photo cover not mine credits: Unsplash) Escarra-Lauriel series #1 Henrietta Faye is such a hopeless romantic girl, sa kanilang magpipinsan siya ang mas naniniwala sa pag-ibig. She believes that 'To date is to marry". She's the type of person that...