Chapter 5

224 5 1
                                    


"I hate this life!" Tria grumbled while catching her breath. I gazed on her, "Just walk...for goodness sake kanina ka pa nagrereklamo...wala ka naman na ring magagawa," I said. Pagkahatid na pagkahatid yata sa amin sa taas palang eh panay reklamo na ang naririnig namin sa bibig niya.

I saw her eyes roll 360 degrees.

"Malayo pa ba?" muling tanong nito sa naiinis na tono.

"Lapit na konting tii–"

"Kanina ka pa sa malapit malapit na yan e, inuuto mo lang yata ako," putol nito kay Gianni na nasa may likuran niya. Ewan ko ba kung bakit nagtya-tyaga siya sa likuran ng pinsan namin eh samantalang daig pa ang pagong kung kumilos.

"Hindi kita inuuto, malapit naman na talaga tayo kung medyo...bibilisan mo lang," nakangiting sagot nito sa pinsan ko.

"That's why I don't trust men," irap nito sa kanya. "Bilisan mo na kaya!" sigaw ko sa kanya at saka tumalikod at ipinagpatuloy ang paglalakad. Nasilayan ko sina Visha, Gav at Grant na nauuna na medyo malayo na rin ang distansya nila sa amin. Nakakapagod din naman kasi talaga ang daanan dito may paakyat, may pababa tapos may mga hanging bridge pa, pero mabuti na lang at sementado na ngayon ang daanan ang pagkaka-alala ko kasing sabi nila Lolo noon eh maputik ang daanan nila.

It took too much of struggles para makarating sa bahay, paano pa kaya kung aalis. Pero I think, sanayan lang talaga. Ganito kami ka OA mag react lalo na si Tria dahil first time namin, especially that we grew up in the city, kung uuwi naman kami dito sa province ay sa Casa Lauriel na kami tumutuloy.

Ilang sandali pa ay naabutan namin sina Grant, Gav at Visha. Nakaupo si Visha sa malaking bato at umiinom ng tubig habang pinapaypayan ang sarili gamit ang isang kamay.

Nilapitan siya ni Tria at humingi ng tubig saka uminom, "Asan na ang malapit? Kanina pa tayo naglalakad. Gash! Masakit na sa paa," muling reklamo nito.

"Konti nalang promise..." sagot sa kanya ni Gianni. Siya lang talaga nagtitiis na sagutin ang mga reklamo nito kanina pa. Kinuha ko ang water bottled na hawak ni Tria at uminom.

"Promise your ugly face, ugh! Ang sakit na talaga ng paa ko...I think mag ka-cramps na ito mamaya," muling daing niya. "I can carry you." Nginitian ni Gianni si Tria ngunit inirapan lang siya nito.

"Shut up. I'm not even talking to you argh!" Napakamot nalang sa ulo si Gianni at hinayaan ang pinsan naming tinotoyo na naman.

"Nawa'y lahat binubuhat..." pasimpleng pasaring naman ni Visha. Aba!

"Tara na nga, para makarating na tayo." Sabay hila ko sa dalawa. Dumaing pa si Tria kesyo magpapahinga pa raw. "Sige, pero iiwan ka namin," pananakot ko sa kanya kaya wala na itong nagawa kundi sumunod lang sa akin.

Ipinagpatuloy na namin ang paglalakad. Nuuna na si Grant at Gav habang nakasunod naman kami ni Visha. Si Tria, nasa likuran namin habang si Gianni nasa likuran ni Tria. Mukhang medyo nakakahalata na ako ah. May gusto kaya ito sa pinsan namin?

"Why is it moving?" reklamo ni Tria at humawak sa magkabilang hawakan ng hanging bridge.

"Gaga! Hanging bridge nga diba?" Bulyaw ni Visha sa kanya na siyang ikinatawa ni Gianni.

"What's funny?" taas kilay nitong tanong sa kanya. Gianni just nodded his head.

Nakarating na kami sa dulo ng hanging bridge. " Teka wait me! Don't leave me with this man!" sigaw ni Tria. Medyo malayo pa sila.

"Bilisan mo na kasi...huwag ka nalang tumingin sa baba! Saka if ever na malaglag ka naman di ka mamatay...masusugatan lang!" sigaw ni Visha sa kanya. Tria glared at her, tumawa na lang kami.

Keeper of His Heart (Escarra-Lauriel Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon