"Ikaw putangina mo nambababae ka nanaman kaya di mo nanaman ginamit utak mo! Puro kalandian mo nanaman pinapairal mo!"
"Aray! Sorry na nga kasi! 'Di ko naman alam na ex pala ni Lei yon!"
"Walang sorry sorry dito, putangina mo"
Kusa akong napasampal sa mukha ko habang pinapanood na magbangayan ang mag-nobyo sa harap ko. Kanina pa sila ganyan, sa totoo lang ako na ang naaawa para kay Travis dahil kanina pa siya pinipingot ni Wendy ang tainga niya dahil nahuli niya akong tulala kanina at maraming katangahang ginawa dahil sa biglaang pagkikita namin ni Jake.
Nakita niya pa si Jake, muntik niya na nga atang sugurin. Kung hindi pa siya pinigilan ng boyfriend niya, malamang ngayon ay nasa hospital na si Jake at malala ang lagay.
Paano, napakabigat ng kamay ni Wends.
"So ano? Wala ka man lang sasabihin kay Lei ha?! Potangina mo ba?!" mas hinigpitan pa ni Wendy ang pagkakapingot sa tainga ni Travis nang sabihin niya iyon.
"Babe aray putangina ang bigat ng kamay mo! Bakit ka ba nananakit?! Mas oa ka pa kay Lei--aray puta" reklamo ni Travis dahil binatukan pa siya ni Wendy.
"Ayus-ayusin mo buhay mo Trabucio Viscensco ah"
"Wala namang bulgaran ng full name kapag galit--aray ko! Ito na nga magsosorry na eh!"
Napailing na lang ako tsaka hinubad ang apron at hairnet ko. Ibinalik ko na iyon sa lagayan at iniwan ang dalawa. Bahala silang mag-away dun, hindi naman na big deal sa akin ang nakita ko kanina. Ayos naman na ako, nabuhay naman ako ng ilang taon na 2ala siya 'diba?
"Hoy Lei!"
"Lei puking ina mo, bumalik ka dito!"
Hindi ko na pinansin ang pagtawag nila sa pangalan ko at patuloy na naglakad papunta sa labas nang makuha ko ang gamit ko sa locker ko. Kailangan ko na kasi talagang umuwi. I'm sure my son is waiting for me, lalo na at maaga natapos ang trabaho ko. Inexcuse kasi ako ni Wendy dahil baka daw mmaya magkagulatan na lang kaming lahat na bukas ay sunog na ang buonh restaurant dahil sa pagiging lutang ko.
"Taxi!" sigaw ko at sinubukang parahin ang isang taxi.
"Saan po kayo ma'am?" binuksan ko ang pinto ng taxi at akmang sasakay na nang bigla niya akong tanungin.
"Sa may Katipunan--"
"Ang layo miss, pasensya na po" sambit nito dahilan para mapababa ako ng taxi.
Aba putangina ha?! Edi sana nag-roller blades na lang ako kung malapit lang! Kaya nga ako nag-taxi kasi malalayuan din ako!
"Edi sana di na ako pumara ng taxi kung malapit lang diba?!" bulyaw ko nang umandar na papalayo ang taxi ni kuyang driver. Punyeta ah?!
Para akong batang nagpapadyak sa daan habang sinusubukang humanap ng iba pang sasakyan na maliligaw. Napaka talaga ng mga taxi driver dito, namimili pa ng lugar! Hindi ba nila naisip na kaya kami sumasakay ng taxi kasi ayaw naming maglakad at nalalayuan din kami? So ano? Nagsasayang sila ng gas? Punyawa ah?
YOU ARE READING
Dear Daddy, I Miss You [Daddy Series #03]
FanfictionDaddy Series #03. SJY ── ❝ You're right. I'm 7 years late. ❞ completed @takonikii2023