"Ayyyyyyy! Sinasabi ko na nga ba! Malandi ka rin!" hinila ni Samantha ang buhok ko dahil sa sobrang kilig. Hindi ko na nga rin alam kung matatawag pa bang kilig iyon o sinasaniban na siya ng masamang elemento dahil kulang na lang ay mangisay s'ya at tumirik ang mga mata n'ya.
"Impakta ka, nasa loob ang kulo!" hinampas n'ya sa ulo ko ang magazine na binabasa n'ya at muling umupo sa upuan. Hindi ko na talaga maintindihan ang sayad ng babaeng 'to. Mag-mula kasi nang ikuwento ko ang ginawa ni Jake kahapon ay kulang na lang ibato ni Samantha ang lahat ng gamit dito sa kwarto namin ni Jake.
Sinabi ko bang kwarto namin? Oo, inangkin ko na rin. Ayaw ko ng itanggi, baka mamaya maulit nanaman yung kanina.
"Ano ba Sam, para kang tanga?! Anong pinagsasabi mo d'yan?! 'Wag kang maingay, baka may makarinig sa'yo!" kinurot n'ya ako sa tagiliran at tsaka kinagat ang throw pillow na kanina pa nalalapirot dahil sa sobrang ligalig n'ya. Bakit ba kas sila biglaang pumupunta ng walang pasabi? Bad trip tuloy si jake kanina. Paano, nagulat kaming dalawa dahil nakapasok na ang dalawa dito sa bahay nila Jake, kasama pa nila yung apat nilang anak.
Hindi naman sa ayaw namin sila dito... Actually, mas okay nga na narito sila e. Pero sana naman next time, 'wag silang pasok ng pasok sa may bahay ng may bahay. Diyos ko, nagulat na lang ako kanina nakasilip na silang dalawa sa pintuan ng kwarto...
Nakita lang nila na magkatabi kami natulog grabe na kung makatanong. Akala mo ang laki ng kasalanan namin sa kanila, itinanong pa nga ni Jay kay Jake kung may balak daw ba s'yang pakasalan ako.
Tss.
Kasal? Hindi na kailangan non.
Ayos kami ngayon at magkasama dahil sa anak namin, hindi dahil mahal namin ang isa't-isa. At hindi na magbabago 'yon.
Simula nang mahanap n'ya sa ate ko lahat ng hindi n'ya na makita sa'kin, doon nagsimula na kahit kailan ay hindi na kami pwedeng dalawa.
"Kunwari ka pang ayaw e! Gusto mo rin naman, garampingat ka!" tumili siya ulit at pinagdiskitahan ulit ang throw pillow. Kung kanina ay kinakagat n'ya ito para pigilan ang kilig n'ya, ngayon naman at nilalapirot n'ya na 'to. Kawawa naman yung unan, kung nakakapagsalita 'yan malamang kanina pa minura si Samantha.
'Hoy tangina mo Samantha kanina mo pa ako nilalapirot, hayop ka' natawa ako mag-isa habang iniimagine ang magiging reaksyon ni Samantha kapag nangyari iyon. Paniguradong kakaripas ng takbo ang gagang 'to.
"Luh s'ya? Nabaliw ka na d'yan? Bakit ka tumatawa mag-isa, ha? May krung-krung ka rin e." nailing na sabi niya. Hindi ko s'ya sinagot at nagpatuloy na lang sa pagtatahi ng damit ni James. Kanina kasi ay umiyak, pinag-agawan nila ni Shawn ang jersey na niregalo ni Jake sakan'ya kaya ayon, medyo nasira ang dulo kaya ako ang nag-aayos ngayon.
Imbis na mainis ako ay mas lalo akong natuwa. Paano ba naman kasi, nung pinapagalitan ni Jay si Shawn ay para lang silang mag-tropa. Jusko, parang alam ko na kung bakit may pagka-sutil si Sean.
YOU ARE READING
Dear Daddy, I Miss You [Daddy Series #03]
FanfictionDaddy Series #03. SJY ── ❝ You're right. I'm 7 years late. ❞ completed @takonikii2023