10

788 109 26
                                    

"Happy New Year mommy!"

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

"Happy New Year mommy!"

"Happy New Year daddy!"

Napuno ng ingay ang loob ng bahay dahil sa tunog ng mga paputok sa labas. Sa sobrang tahimik ng lugar na ito kanina, hindi ko lubos akalaain na may mga kapit bahay pa pala siya at may nagtangka pang tumira sa ganito katahimik na lugar. Pero sabagay, hindi ko naman sila masisisi. Sa village kasi sila nakatirankaya malamang ay bawal ang mag-ingay o hindi masyadong maingay dito dahil mga mayayaman ang tao dito. Hindi sila sanay sa ingay o di kaya naman ay busy sila sa trbahao kaya wala na silang time para tumambay pa sa labas ng bahay nila at makipag-chismisan.

Can't relate. Slapsoil kasi ako.

"Happy New Year, Lei," napalingon ako sa gawi ni Jake na ngayon ay buhat ang nakangiting si James sa akin. Nakasuot siya ng puting polo at nakataas ang buhok, halatang nag-ayos. Partida 5 minutes lang siyang nag-ayos pero ganiyan na siya kaagad kagwapo.

"Happy New Year din, Jake" nginitian ko siya sandali at tsaka ibinaling ang tingin kay James. Kamukhang-kamukha siya ng mommy niya at sa tuwing nakikita ko siya ay naaalala ko nanaman ang lahat. Lahat ng nangyari sa aming dalawa ni Jake noon at lahat ng pinagdaanan ko noong panahon na wasak na wasak ako dahil sa ginawa nila sa akin. I felt like the whole world betrayed me, pakiramdam ko hindi ko deserve sumaya dahil sa loob ng maraming taon na kasama ko siya, hindi rin kami ang naging para sa isa't-isa.

Aaminin ko, nagagalit ako sa tuwing naaalala ko ang panahon na iyon pero hindi ako galit kay James dahil labas siya sa kung ano man ang nangyari sa amin noon. Inosente siya at wala siyang kinalaman sa kasalanan ng mga magulang niya at ganoon din naman si James. The two kids are suffering because of the mistake that we did from the past. Masyado kaming naging mapusok at iresponsable to the point na hindi na namin inisip ang kahahantungan ng mga ginawa namin. Naging makasarili kami at inisip ang puro pansariling kasiyahan namin, hindi namin inisip lahat ng sinasabi sa amin ng magulang namin dahil noong panahon na iyon, pakiramdam namin madaming hadlang sa amin at tutol ang buong mundo sa kung anong meron kami.

"Daddy, hindi mo pa po ba ibibigay yung gift mo kay tita Lei?" nabalik ako sa reyalidad nang biglang magsalita si James. Napatingin ako sa pwesto ni Jake na ngayon ay may kinukuhang kung ano sa bulsa niya. Mukhang may bagong pakulo nanaman ang loko, ano nanaman bang binabalak niya?

Teka--bakit parang iba ang naiisip ko dahil sa ginagawa niya?! Leianna Ollie, ano bang pinagagawa mo sa buhay mo?!!

"Uhm here, Happy New Year. That's our gift, 'wag kang maniwala kay James na sa akin lang ang regalong iyan" inabot niya sa akin ang isang maliit na pulang kahon. Tinanggal ko sa pagkakatali ang ribbon nito at tsaka binuksan ang kahon para makita ang nasa loob nito.

A bracelet.

"Look tita Lei oh, Daddy has the same bracelet as yours!" bulalas ni James at itinuro pa ang kaliwang kamay ng tatay niya. Agad kong tiningnan ang kamay ni jake kung nasaan nakalagay ang bracelet nito at tama nga si James, kaparehas nga ito ng regalo nila.

Dear Daddy, I Miss You [Daddy Series #03]Where stories live. Discover now