23

842 105 71
                                    

tw: mention of death

----------

"Come on daddy, are you tired already? Tumatanda ka na po talaga!"

"Give me 5 minutes, okay? Just 5 minutes, I promise,"

Namewang ang dalawang bata sa harap ni Jake na ngayon ay hingal na hingal na nakaupo sa isang bato. Mahigit tatlong oras na kasi kaming naglalakad at naghahanap ng lugar kung saan nag-rent si Jay. Pero mukhang mali ata ang nabigay na address ni Jay dahil kanina pa kami paikot-ikot dito. Hindi ko na nga alam kung makakarating pa ba kami sa dapat naming puntahan.

"Daddy kanina mo pa po sinasabi iyan, kapag inadd po lahat ng 5 minutes na sinabi niyo today it is equivalent to 30 minutes already which means, 6 times ka na po humihingi ng 5 minutes," mahabang paliwanag ni Jack kay Jake.

Naipikit nito ang mga mata niya at tsaka dahan-dahang tumayo, sumuko na dahil sa kakulitan ng dalawang batang kasama namin. Bakit ba kasi sa dinami-dami ng pwede niyang unahin sa bucket list ni Jack, hiking pa talaga ang napili n'ya.

"Bakit naging 30?" curious na tanong ni James kay Jack na kaagad naman nitong sinagot.

"Because 5 minutes times 6 is 30,"

Lihim akong napangiti. Matalino talaga ang anak ko. Napansin ko kasi na mavilis siya pumick up ng instruction at umintindi nito. Idagdag mo pa yung fact na mabilis siyang magsolve ng math at kabisado niya na rin ang multiplication table.

"Ugh, bakit ba kasi parang pabalik-balik na lang tayo at hindi nakakarating sa destination natin? Patingin nga ako ng map," hindi pa siya nakakasagot ay hinablot ko na kaagad ang mapa sa kamay n'ya. Hindi na s'ya nakapalag pa dahil alam n'ya na mag-aaway lang kami kung gagawin n'ya pa 'yon.

At isa pa, pagod na rin ako. Lahat kami pagod na, pero itong si Jake bida-bida nanaman, s'ya na daw ang magle-lead ng way.

"What the hell? Kaya naman pala pabalik-balik tayo eh! You're reading the map upside down!"

He shyly smile before scratching the back of his neck. I just rolled my eyes at him before reading the map.

"Ugh, wala na talagang magandang nangyari ngayong araw," pag-mamaktol ko.

Based on my peripheral view, he pouted like a baby while playing with the two kids.

"Sabi nila when nothing goes right, turn left and do not follow the map," pamimilosopo n'ya kaya muli akong napairap.

Habit n'ya na talaga ang mambara ng tao 'no? Lalo na kapag napapahiya s'ya. Yung tipong alam n'ya na mali s'ya pero ipaglalaban n'ya pa rin 'yung sagot n'ya kasi matalino s'ya. Yung mapapaniwala ka talaga n'ya kahit na hindi naman pala talaga totoo yung mga sinasabi n'ya.

Kaloka.

"Jack and James, let's go. Alam na ni mommy ang way," binuhat ko ulit ang backpack ko at hinawakan ang dalawang bata habang si Jake naman ang may buhat ng ibang gamit namin kasama na ang gamit n'ya at ang gamit ng mga bata.

Nakakaawa nga s'ya e. Mukha s'yang hirap na hirap dahil marami s'yang bitbitbat nasa kan'ya din ang tent na dala namin. Kahit kasi may maliit na bahay na inupahan sila Jay, napagdesisyunan namin na magdala na rin ng tent incase matripan namin sa labas na matulog since may garden naman daw iyon. Pwede rin kaming mag-star gazing kasama ang mga bata.

"Malapit na ba tayo?" hinihingal na tanong ni Jake. Ngumiti ako at ipinakita sakan'ya ang mapa.

"Kita mo 'to? Sa kalutangan mo, mas lalo tayong napalayo," inirapan ko s'ya at nagpatuloy na lang sa paglalakad. Kung hindi ba naman kasi baliw, nagbasa ng mapa tapoa baliktad pa! 'Edi ang ending, mas lalo kaming napalayo at nagpaikot-ikot lang sa isang area.

Dear Daddy, I Miss You [Daddy Series #03]Where stories live. Discover now