06

803 107 150
                                    

"Daddy where are we going to eat po ba?" sabay kaming napalingon ni Jake kay james na ngayon ay naglalkd sa harap namin, nauuna at halatang gustong pumili ng lugar kung saan kami kakain

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

"Daddy where are we going to eat po ba?" sabay kaming napalingon ni Jake kay james na ngayon ay naglalkd sa harap namin, nauuna at halatang gustong pumili ng lugar kung saan kami kakain. Katabi niya si Jack na ngayon ay tahimik lamang na nakamasid at nagoobserba sa paligid niya, hindi ko pa rin lubos akalain na nagkasundo ang dalawang ito kahit na sobrang magkaiba at magkalayo ang ugali nilang dalawa.

May pagka-matigas ang ulo ni James, samantalang si Jack naman ay tahimik lang at nakikinig sa kung ano mang sasabihin ko dahil ganoon ko siya pinalaki. Ewan ko ba kay Jake, bakit ganoon ang anak nilang dalawa ng asawa niya, malamang ay isang successful business woman ang nanay ni James kaya siguro napabayaan. Paano, mukhang alaga ng mga nanny niya.

Hindi ko naman sinasabi na porket business woman o porket may business ang magulang niya ay napabayaan na siya ah, ang ibig ko lang sabihin ay baka hindi masyadong natutukan si James kaya naging ganoon.

"I don't really know, baby. Why don't you ask Jack or tita Lei?" nakangiting sambit nito kay James na ngayon ay naglalakad na papalapit sa akin. Kumapit ito sa binti ko at tsaka ngumiti. "Where do you want to eat po ba tita Lei?" tanong nito sa akin. 

Nag-aalangan na ngumiti nalang ako sa kanya at napakamot sa batok ko. Tangina, sabi ko na hindi magandang ideya ang sumama sa kanila eh, pero kasi hindi ko naman matiis...

Hindi ko matiis ang anak ko!

"Mommy, I want to eat po sa superstar na pulang bubuyog!" lumapit sa akin si Jack at itinuro kung nasaan banda ang jollibee. Pero teka lang, ano daw? Superstar na pulang bubuyog?! 

What the hell?!

Bida-bidang jollibee.

"Mommy?" naguguluhang tanong ni Jake habang nakatingin sa akin kaya kaagad na nanlaki ang mga mata ko.

Tangina...

Hindi niya pwedeng malaman ang totoo, hindi pa ngayon ang tamang oras.

"Ah..Ano kasi, sa akin na siya lumaki kaya nasanay siya na mommy ang tawag niya sa akin." napatango naman siya kaagad at lumingon nalang sa ibang direksyon habang nakangiti.

"So you're still single..." bulong nito na hindi ko naman gaanong narinig. Ano daw? jingle bells? Najijingle siya?

"H-ha? Naiihi ka?" 

"What?"

Akmang asagot pa sana ako nang biglang tumikhim ang dalawang bata sa tabi namin. Nakapamewang pa ang mga ito at nakatas ang kilay sa aming dalawa. Para silang mga pulis na akala mo ay may ginagawa kaming masama. "Aren't we gonna eat pa po ba? My tummy hurts na. Let's eat na nga po sa superstar na pulang bubuyog! Let's go!" pagmamaktol ni James at idinamay pa ang anak ko na halatang trying hard sa pagmamaktol.

Never naman kasi siyag nagmaktol sa akin o di kaya kay Aling Maring, unless tungkol sa chemo teraphy niya.

"Pulang bubuyog?" nalilitong tanong ni Jake sa dalawang bata kaya napatawa ako. Hindi niya maintindihana ng ipinararating ng dalawang bata, parang kaming tatlo na nga lang nila Jack at James ang nagkakaintindihan dito.

Dear Daddy, I Miss You [Daddy Series #03]Where stories live. Discover now