32

873 94 90
                                    

This chapter contains spoilers for DS#2.

----------

"Seryoso kayo? Ngayon talaga yung kasal?!" nanlalaki ang mga mata ko nang sabihin sa akin ni Jake na ngayon daw gaganapin ang kasal namin at nakalabas na daw si James sa hospital.

Gago talaga 'tong hudas na 'to. Kaya pala nagkasundo sila Sunny at Heeseung na bantayan si James ngayon. May balak pala talaga siyang magpropose ngayong araw--I mean, gabi.

Tanginang yan gabing-gabi magpapakasal? Kung hindi ba namam gawa sa tanso ang utak nitong ulaga na 'to.

"Ayoko na palang magpakasal, gusto ko nang matulog!" reklamo ko sakan'ya nang makita ko ang marahang pagtango n'ya.

"Leianna," may halong pagbabanta ang boses n'ya nang sabihin n'ya 'yon pero hindi ko s'ya pinansin. Tiningnan ko lang s'ya na parang buryong-buryo na akong kasama s'ya at tsaka s'ya tinalikuran at bumalik sa loob ng kwarto.

Wala naman sigurong masama kung dito na ako matutulog. Tanginang 'yan, ang haba kasi ng byahe. Hindi ko alam kung para sa ibang tao sandali lang 'yon pero para sa akin hindi iyon sandali.

20 minutes ngang byahe sinusukuan ko sa sobrang tamad kong tao.

Nagtalukbong ako ng kumot at ipinikit ang mga mata ko. Naramdaman kong may umupo sa tabi ko at tinanggal ang pagkakatalukbong sa akin ng kumot. He place his hand around my waist at ipinatong ang baba n'ya sa balikat ko.

"Jake nakikiliti ako, kingina mo," malutong na mura ang natanggap n'ya sa akin.

Sino ba naman kasing hindi maiinis e. Ikaw kaya ganunin tapos antok na antok ka na 'di ba? Kung hindi mahaba ang pasensya ko baka nabato ko na 'to sa balcony.

"Bukas paggising mo mukha ni Sunoo sasalubong sa'yo," natatawang sabi n'ya sa akin. Gumapang ang kamay n'ya pababa sa kamay ko at hinawakan iyon. Nakita ko pang tiningnan n'yang muli ang daliri ko kung saan n'ya inilagay ang singsing.

It's so pretty.

Hindi ko naman itinatanggi na maganda ang singsing at mukhang mamahalin.

Magkano kaya palitan kapag sinangla ko 'to 'no?

"Aist. Hindi mo talaga ako papansinin?" reklamo n'ya. Gumalaw ang kama at sa tingin ko ay nakishare na siya sa conforter na iponangtalukbong ko sa buong katawan ko kanina.

Hinawakan n'ya ang bewang ko at marahan akong iniharap sakan'ya. Niyakap n'ya ako ng mahigpit at tsaka hinalikan sa noo.

"I didn't expect na papayag kang magpakasal sa akin... After what I did 8 years ago, hindi ko na inasahan na sasagutin mo ako ng oo--" Hindi niya na natapos pa ang sasabihin niya nang tumingala ako at hawakan ang magkabilang pisnge n'ya para bigyan siya ng halik.

"Oo na. Gusto ko nang matulog, anong oras na 'o? Maga-ala una na ng madaling araw putak ka pa ng putak. Magpatulog ka naman," reklamo ko sakan'ya at humiga sa braso n'ya. Ramdam kong inamoy n'ya ang buhok ko at hinalikan ang ulo ko matapos n'yang gawin iyon.

"I just miss you... Hindi ba pwedeng--" this time, kamay ko na ang pinantakip ko sa bibig n'ya. Akala n'ya siguro makaka-score s'ya ulit ng halik dahil sa kadaldalan n'ya.

Naknamputa kinakabahan na tuloy ako ngayon pa lang. Baka mamaya mas mabunganga pa s'ya kesa sa akin.

Imagine Jaeyun, putak ng putak every morning. Almusal mo sa umaga sermon mula sakan'ya.

Tangina.

Kawawa ako dito.

Di pa naman huli ang lahat para mag-back out 'di ba?

Dear Daddy, I Miss You [Daddy Series #03]Where stories live. Discover now