08

781 104 24
                                    

Mabilis na nagdaan ang araw at ngayon ay tahimik akong namimili ng mga kakailanganin namin para sa lulutuin ko mamaya dahil sa sobrang bilis ng araw hindi ko namalayan na magnnew year na pala

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Mabilis na nagdaan ang araw at ngayon ay tahimik akong namimili ng mga kakailanganin namin para sa lulutuin ko mamaya dahil sa sobrang bilis ng araw hindi ko namalayan na magnnew year na pala. Hindi ko alam kung sa amin ba magnnew year si Travis dahil sa naikwento niya sa akin noong isang araw pero babalitaan niya na lang din ako. Noong pasko ko siya inexpect na darating pero nagtext siya sa akin na sa Siargao siya magpapasko kasama ang kapatid niya na kakarating lang galing Paris.

Taray, yayamanin. Paris. Kung saan nakatira ang maraming mambubudol, pipirma ka lang mawawala na cellphone mo.

Hanggang ngayon, hindi ko pa rin makalimutan at lubos akalain na magagawa iyon ni Wendy sa kanya. Knowing Wendy, mas mukha ngang mas may gagawin pang kalokohan si Travis kaysa sa kanya dahil hindi naman ganoong klaseng tao si Wendy. Well, I guess mali lang ako ng pagkakakilala sakanya. At tsaka isa pa, nagbabago naman ang mga tao hindi ba?

"Sorry Miss" napaupo ako sa sahig dahil may isang tao akong nabangga papasok sa entrance ng super market. Hindi ko alam kung bulag ba 'to o talagang sinadya ng taong 'to na banggain ako pero sinong may pake?

Tinulungan niya akong tumayo at tsaka ko pinagpagan ang damit ko. Nanlaki naman ang mga mata ko nang makita ko si Jake na mukhang kukuha ng cart at may bibilhin din. Kaagad akong umiwas ng tingin at tsaka kumuha ng malaking cart dahil medyo marami-rami ang bibilhin ko.

"Mag-isa ka lang?" tanong nito at tsaka kumuha ng cart. Imbis na sagutin siya ay nauna na lang akong maglakad papasok sa loob ng super market para mamili pero mukhang tutang sunod ng sunod sa akin si Jake.

Ano ba?! Hindi ba niya napapansin na naiilang ako?! Hindi talaga marunong makiramdam ang isang 'to kahit kailan.

"Jake buntot ka ba? Huwag ka ngang sunod ng sunod sa akin!" nagpapadyak pa ako bago siya lingunin. Nakangiti pa ang loko habang nakatingin sa akin at tulak ang cart niya. Sa totoo lang, ang ganda ng gising ko kanina pero parang gusto ko siyang bigwasan dahil sa mapang-asar na ngiting iginagawad niya sa akin ngayon.

"Ang sungit mo, meron ka?" pangaasar niya sa akin. Inirapan ko lang siya at tsaka muling naglakad para hanapin ang spaghetti sauce. Wala naman akong mapapala kung makikipag-usap pa ako sakanya lalo na ngayong malakas ang trip niya.

Parang timang lang.

"Saan kayo magbabagong taon?" biglaang tanong niya at sumabay sa akin sa paglalakad dahil medyo maluwag naman dito sa supermarket na pinagbibilhan namin.

Kusang umikot muli ang mga mata ko nang tanungin niya ako. At talaga palang wala siyang balak na tantanan ako? Nagfofocus ako sa pagkuha ng mga ingredients dito tapos ngayon eepal siya.

"Sa bahay malamang, saan pa ba?" pamimilosopo ko kaya napatango nalang siya at muling ibinukas ang bibig niya para muling magtanong pero nauna na akong magsalita. Akala niya ba hahayaan ko soya na siya lang ang mang-interview? Hagisan ko kaya siya ng piccolo?

Dear Daddy, I Miss You [Daddy Series #03]Where stories live. Discover now