25

659 96 72
                                    

"Happy Birthday!" masayang binati nila Jay, Samantha at ng iba pang bisita na ininvite namin para sa party nila Jake. Hindi kami masyadong marami ngayon dahil tanging ang mga ka-close lang namin ang ininvite namin para hindi masyadong maraming tao sa bahay. Alam rin kasi namin na hindi ganoon kasanay ang mga anak namin sa maraming tao.

Baka mamaya, imbis na maging masaya sila biglang magtago nalang sa kwarto dahil hindi sila pamilyar sa mga mukha ng taong narito.

Tatlong linggo pa naman namin itong pinaghandaan, pagkauwi pa lang namin ay nag-plano na kaagad si Jake. Ayaw naman namin na masayang nalang iyon ng ganun-ganun nalang.

"Make a wish babies," nakangiting sabi namin ni Jake sa dalawang bata. Kahit kasi kasabay niya ang mga ito na mag-celebrate ng birthday, pinauna na niya ang mga ito na mag-blow ng candle.

Tinopak pa nga siya lalo na nung sinabi ko na spiderman nalang ang natitirang cake n'ya. Ang hindi n'ya alam, nagpagawa pa kami ng customize cake niya na may design na aso kaya ayan, tuwa naman ang loko.

Sabay na hinipan ng dalawang bata ang cake nila, at sabay rin kaming hinalikan sa pisnge.

"Thank you po," binuhat ni Jake si Jack habang ako naman ang bumuhat kay James. Nakita ko pa na pinipicturan kami ng mga mokong na sa tingin ko ay binabalak nanaman nilang i-post mamaya sa social media.

Uunahan ko na lang siguro sila, ampipigilan ko nalang na ipost yung mga pictures namin. Ayaw ko naman na magsimula nanaman ng issue, baka mamaya madamay nanaman sila—si Jake at lalong-lalo na ang mga bata.

Marami pa man ding mga marites sa paligid, hindi mapakali hangga't walang naichichismis. Ewan ko na nga lang din kung papaano ba nila nakakayanan na makichismis araw-araw.

Hindi na rin maganda minsan e.

"Anong wish mo baby?" tanong ko kay James, nginitian n'ya lang ako at tumingin sa mga bisita.

"Gusto ko po makumpleto ba tayo as a family--yung totoo na po talaga. At tsaka, hiniling ko rin po na maging ayos ang lahat, especially my brother... At tsaka isa pa po sa hiniling ko..." itinapat n'ya ang bibig n'ya sa tainga ko at tsaka bumulong.

"Sana magkabalikan na si auntie Sunny at uncle Heeseung," humagikgik pa ito. Sandali akong tumingin sa direksyon kung nasaan sila Sunny at napangiti. Magkatabi silang dalawa ni Heeseung ngayon, pinagigitnaan si Jihan—adopted child nila Sunny at Jihoon.

Muntik na kaming makumpleto ngayon, si Sunghoon lang ang wala—pati na rin si Riki. Nasa Japan kasi s'ya at doon na itinuloy ang pag-aaral—oh well, doon naman talaga s'ya nag-aaral. Kaya lang naman s'ya napadpad dito noong nasa ospital pa si Jack ay dahil bakasyon nila noon.

"How about you, Jack?" curious na tanong ni Jake. Ngumuso lamang si Jack at pinaglaruan ang mga daliri n'ya sa kamay, nahihiyang sumagot sa tanong ng daddy n'ya.

"Madami po kasi akong wish e, ayos lang po bang isa-isahin ko?" nagkatinginan kami ni Jake at ngumiti sa isa't-isa. Sabay naming tinanguan si Jack at tsaka ginulo ang buhok.

"Hiniling ko lang po na matupad yung mga nakalista sa bucket list ko, I know it's too much pero yon lang po talaga yung gusto kong matupad. Yung ilan po doon, nagawa ko na pero yung ilan naman po hindi pa kaya hiniling ko po na sana magawa ko po yun lahat. Gusto ko po kasing maging masaya ako, ikaw at tsaka si mommy--ayaw ko po na nalulungkot kayo... I wished for my brother din po," napatingin sa akin si Jake nang marinig n'ya ang mahinang pag-hikbi ko.

Lalapit na sana sa akin si Jake para punasan ang luha sa mga mata ko nang bigla kobg maramdaman ang maliit na hinlalaki ni James. Pinunasan n'ya ang luha ko at isnandal ang ulo sa dibdib ko.

Dear Daddy, I Miss You [Daddy Series #03]Where stories live. Discover now