"Good Morning mommy" unti-unti kong idinilat ang mga mata ko at nakita si Jack na kasalukuyang nakangiti sa harap ko kasama si Sunghoon na ngayon ay nakangisi lang din habang nakatingin sa akin.
Muli kong ipinikit ang mga mata ko pero muli ring idinilat iyon nang marinig ko ang tawanan nilang dalawa.
Ano ba kasi ang ginagawa niya dito?
"Pamangkin pala ah?"
Lihim akong napamura nang sinabi iyon ni Sunghoon. Parang gusto ko nalang tuloy magpalamon sa lupa at huwag ng iharap ang sarili ko kay Sunghoon dahil sa kahihiyan. Malamang ay naikuwento na sakanya ni Jake na sinabi kong pamangkin ko si Jack at alam kong hindi naniwala ang kumag na 'to kaya gumawa talaga ng paraan para mabisto ako sa sarili kong kasinungalingan.
Masyado naman kasi niyang ginagalingan ang pagiging chismoso niya. Pati kami ng anak ko ay nadadamay sa kalokohan niya.
"Bakit ka nandito?" iritadong tanong ko sa kanya pero imbis na sagutin niya ako ay binuhat niya si Jack at pumunta sa sala para manood ng pororo. Tumaas naman ang isang kilay ko dahil sa pagtataka, Jack doesn't like to be with other people except me, aling Maring and his friends. Hindi siya makikipag-usap sa hindi niya kakilala at lalong-lalo naman na hindi siya magpapapasok ng kung sino-sino lang sa bahay namin kaya bakit nauto ni Sunghoon ang anak ko?!
"Jack" seryoso akong nakatingin kay Jack na ngayon ay nakaupo sa lap ni Sunghoon at enjoy na enjoy ang panonood ng pororo, hindi ko alam kung matutuwa ba ako dahil masaya ang anak ko o maiinis dahil nalaman ni Sunghoon ang sikreto ko.
Hindi naman sa gusto ko na ring magsinungaling sa kanilang lahat o dahil ikinahihiya ko ang anak ko pero kaya ko labg naman iyon ginawa para protektahan ang anak ko. At tsaka isa pa, natatakot lang naman ako na baka kunin niya sa akin si Jack once na malaman niya ang totoo.
"Mommy?" nabalik ako sa katawang lupa ko nang bigla ako g tawagin ng anak ko, nakahawak ang kamay niya sa laylayan ng damit ko habang nakatingin sa akin, halatang nagtataka sa nangyayari.
Lumuhod ako para maging magkapantay kaming dalawa at tsaka hinawakan ang magkabilang pisnge niya. Nginitian ko lang siya at pinasadahan ng tingin si Sunghoon at muling ibinalik ang tingin sa anak ko.
"Baby can you go to Aling Maring muna? May pag-uusapan lang kami" ginulo ko ang buhok niya bago tumayo. Nakita ko naman ang pagtango ni Jack at tsaka tumakbo papalabas ng apartment na tinutuluyan namin ngayon at dumiretso sa kabilang apartment which is ang tinutuluyan ni Aling Maring.
Nang masiguro kong nasa malayo na ang anak ko ay kaagad kong nilapitan si Sunghoon at namewang sa harapan niya pero imbis na mahiya o matakot, aba ang tarantado mas lalo pang inayos ang pagkakaupo sa couch. Sumandal pa ito at mapanuya akong tiningnan bago muling ibinalik ang tingin sa screen ng tv.
YOU ARE READING
Dear Daddy, I Miss You [Daddy Series #03]
FanfictionDaddy Series #03. SJY ── ❝ You're right. I'm 7 years late. ❞ completed @takonikii2023