"Tangina makakapatay ako"
Sabay-sabay naming hinila si Heeseung pabalik sa upuan niya dahil kanina pa niya binabalak na sugurin si Jake sa ospital. Matapos niya kasing malaman ang nangyari sa amin kanina ay hindi na siya mapakali.
Mas galit pa siya sa akin.
"That's fucking against the law. Hindi ba niya ginagamit ang utak niya?! For fuck's sake!?" namumula ang mukha niya. Hinampas pa nga niya ang lamesa dahil sa inis.
Well, ako rin naman.
Magkahalong kaba, inis at takot ang nararamdaman ko ngayon lalo na at alam kong pagdating sa ganitong bagay ay wala akong laban kay Jake. Marami siyang connections at alam ko na iba ang nagagawa ng pera. Wala akong laban.
"Kapag nakita ko talaga yun pipisain ko itlog niya, tangina niya!" nakakatakot na tingin ang iginawad ni Samantha bago lamukusin ang bote ng mineral water. Tangina, gaano siya kalakas?!
"Uy don't go that far. Wala namang pisaan ng itlog oh, madami kang kasamang lalaki dito" nanginginig ang kamay ni Jungwon nang abutin niya ang nasirang bote ng mineral water sa kamay ni Samantha. Nasa tabi lamang ni Samantha si Jay at halatang problemado, hindi man niya pinapahalata ay alam kong nag-aalala din siya.
"Hindi rin naman mananalo si Jake hyung" kibit balikat na sambit ni Riki habang kumakain ng taiyaki. Kanina pa siya ngumunguya niyan simula nang dumating kami dito sa condo unit ni Jay.
Dito kasi muna nila ako dinala para makapagpahinga, medyo malayo kasi ang byahe mula hospital hanggang sa apartment kaya minabuti nila na dito muna ako. Dapat nga ay uuwi na talaga ako kanina kasama ni Travis, pero bago pa kami tuluyang umalis ay nakasalubong namin si Sunghoon. He told me na aayusin niya daw ang lahat at susubukang kausapin si Jake.
Iniwan na muna namin si Travis sa hospital dahil kailangan gamutin ang sugat niya. Kasama niya ngayon si Sunoo at siya rin ang magdadala sa kanya dito para magpahinga kahit panandalian lang.
Hanggang ngayon ay gulat pa rin ako sa nangyari, si Jake... Hindi ko akalain na magagawa niya ang ganoong bagay. Kahit na kanina pa nangyari ang lahat ng iyon, parang ayaw ko nalang alalahanin dahil nakakatakot pala talaga siyang magalit.
"What do you mean by hindi mananalo si Jake? Ano ka judge? Paano mo nalaman?" panggagago ni Samantha sa kanya kaya napasimangot siya at ibinukas ang bibig para magsalita pero kaagad na naunahan ni Jay.
"Use your brain, wife. Pitong taon na wala si Jake sa tabi ng anak niya, at sa loob ng pitong taon na iyon si Lei lang ang nagpalaki at nakasama ni Jack so technically, sa mata ng batas mas may karapatan si Lei" marahang pinitik ni Jay ang noo ng asawa niya dahilan para mapatango ito.
"Ahh, ganun ba yon?" lutang na tanong niya na ikinatawa ni Heeseung.
"May silbi ka rin pala" umuiling na sambit ni Heeseung dahilan para batuhin siya ni Jay ng unan.
YOU ARE READING
Dear Daddy, I Miss You [Daddy Series #03]
FanfictionDaddy Series #03. SJY ── ❝ You're right. I'm 7 years late. ❞ completed @takonikii2023