09

751 98 35
                                    

"Mommy wala pa po ba si Mr

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

"Mommy wala pa po ba si Mr. Sim?" nakasilip si Jack sa bintana habang suot ang batman na bag niya. Iniregalo ko kasi iyon sakanya noong pasko kaya hindi niya mabitawan. Natawa pa nga ako nung sinabi niya na gagamitin niya daw iyon hanggang pagtanda niya.

Well, tingnan nalang natin.

"Wala pa baby, pero baka maya-maya dumating na rin--" hindi na natapos ang sasabihin ko nang biglang may bumusina sa harap ng apartment namin. Baka dumating na si Jake, na-late pa nga siya ng ilang minuto.

"Wait baby, titingnan ko muna ha. Baka si Jake na 'yon" kaagad akong lumabas at binuksan ang gate para sana salubungin at kausapin si Jake. Pagbukas ko ng gate at saktong naroon sa labas sina Jake at Travis. Eh? Anong gingawa dito ni Travis? Wala naman kaming usapan ah?

"Let's go?"

"Are you free tonight?"

Napaawang ang labi ko nang sabay silang magsalita ni Jake. Hindi ko alam kung paano ako magrereact dahil talagang hindi ko inasahan na magsasabay sila ng punta dito. Pakiramdam ko tuloy ay kailangan dalawa silang samahan ko ngayong gabi dahil unang-una, nakakahiya. Pangalawa, sayang ang gas, ang layo pa naman ng bahay nilang dalawa. At ang pangatlo at huli, sayang ang effort nilang dalawa. Baka mamaya kapag may pinili akong isa, sbihin nung isa hindi ko man lang naappreciate ang effort nila na magpunta dito.

Alam ko naman na hindi ganoong klase ng tao ang dalawang pugo na 'to pero kasi nahihiya ako na may tanggihan sa kanila.

Pero anong gagawin ko? Nauna akong pumayag kay Jake at hindi ko rin naman alam na pupunta si Travis dito.

"Oh, gabing-gabi na narito pa kayo Ollie? Akala ko ba susunduin ka ni--Ay, nariyan ka na pala hijo? Pero bakit kasama mo si Travis? Magkakasama kayong magnew-new year?" pang-uusisa ni Aling Maring na kaagad inilingan nung dalawa.

Wow, parang magkagalit silang dalawa?

"Hindi po"

"Hindi po"

Yawa. Hanggang sa pagsagot ba nman kay Aling Maring magkasabay silang dalawa? Nagduduet ba sila?

"Ah... Eh bakit ka naparito Travis? Ang alam ko lang naman na pupunta dito ay si Jake para sunduin sila Leianna at Jack" pageexplain pa nito kaya napatingin ako sa gawi ni Travis na ngayon ay masama rin ang tingin kay Jake.

Hindi ko alam kung dahil lang ba sa nalalaman niya tungkol sa past namin ni Jake kaya siya nagkakaganyan o baka dahil may iba pa siyang rason? Kung mayroon, ano naman kaya iyon?

"Eh? I thought Aling Maring will come too?" nagtatakang tanong ni Jake dahil ang alam niya ay sasama si Aling Maring.

Dapat nga ay isasama ko siya kaya lang, ayaw niya namang pumayag. Sabi niya, wala daw maiiwan para magbantay ng paupahan niya kaya nagsabi ako sakanya kanina na baka hindi nalang kami sumama ni Jack kay Jake. Sinermonan niya nga lang ako kaagad nang sabihin ko iyon dahil sabi niya, sinasayang ko daw ang pagkakataon na ibigay kay Jack ang hinihiling niya--at iyon ay ang makasama ang tatay niya.

Dear Daddy, I Miss You [Daddy Series #03]Where stories live. Discover now