19

822 94 36
                                    

Lihim akong natawa nang kamutin ni Jake ang batok niya matapos ko siyang batuhin ng maliit na piraso ng bato na napulot ko dito sa garden

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Lihim akong natawa nang kamutin ni Jake ang batok niya matapos ko siyang batuhin ng maliit na piraso ng bato na napulot ko dito sa garden. Monday nanaman kasi at may naisipan nanamang kalokohan si Jake kaya wala akong magawa kung hindi ang pumayag nalang.

Dapat nga ay hindi ako papayag kasi may pareho lang kaming may pasok sa kanya-kanya naming trabaho, idagdag mo pa yung fact na may pasok sa school ang mga bata kaya lang, kapag talaga gusto ng isang 'to ang dami niyang nakikitang paraan.

Minsan hindi na rin nakakatuwa ang pagiging matalino niya kahit na madalas may silbi.

"Magpipicnic daw po tayo sabi ni daddy, mommy! Ang cute po namin 'no?!" napalingon ako sa direksyon nila Jake, James at Jack na ngayon ay nakatingin sa akin haban nakagngiti--maliban kay Jake na kulang na lang ay patayin na ako sa sobrang sama ng tingin niya sa akin.

Wow, matatakot na ba ako?

"Ah, oo 'nak! Ang cute niyo," lumapit ako sakanila para ayusin ang pagkakatali ng sintas ng sapatos nila. Magkakapareho nanaman kasi sila ng suot dahil inutos ng magaling nilang ama. Nagulat nalang din ako kagabi na pagkatapos ihatid ni Jake sina Sam at Jay papunta sa mansyon ng mga Park, may anim na shopping bag na siyang inuwi.

At ako?

Syempre meron din.

Hindi ko alam kung gaano kalakas ang amats ni Jake pero sa tingin ko ay Family shirt ang binili niya. Ang corny kung iisipin pero pare-parehas lang naman ng design ang damit, may print lang na 'heart' sa bandang dibdib.

Kulay pula ang sa akin, blue ang kay Jake at Green naman sa mga bata. Pati ata pants nila ay magkakaparehas, idagdag mo pa yung sneakers nila na magkakaparehas din ng brand at design.

Ang gastador ng tatay nila. Hindi na talaga ako magtataka kung isang araw lalaking spoiled ang mga 'to kay Jake.

"Uy, cute daw tayo! Does that mean na daddy looks cute din sa paningin mo, mommy?" mukhang chismosong tanong ni James habang ina-assemble ang bagong biling laruan niya.

Bigla akong nasamid sa sarili kong laway at uminom ng tubig na nasa lamesa, "that's my water," kaagad kong nadura ang iniinom ko nang bigla niya iyong sabihin.

Pakiramdam ko natutuliro ako.

Punyeta.

"A-ano?!"

"Pabo, I'm just tricking you. Tubig 'yan ni James, here's mine," inangat niya ang isang kulay itim na tumbler kaya nakahinga na ako ng maluwag. Magdidiwang na sana ako nang bigla siyang magsalita ulit,

"Pero ininuman ko din--" hindi niya na natapos ang sasabihin niya nang mabuga ko sa mukha niya ang iniinom ko. Mariing ipinikit niya naman ang mga mata niya at mariing pinunasan ang mukha niya gamit ang panyo. Iritado niya akong tiningnan at tsaka hinawakan ng mahigpit sa braso.

"Uy sila mommy at daddy oh!"

"Huwag kang maingay, gumagawa na sila ng siblings natin!"

Nanlaki ang mga mata ko dahil sa panggagatong ng mga bata sa harap namin. Seriously?! Ilan taon pa lang sila pero ganoon na kaagad ang iniisip?! Ilalayo ko 'tong mga 'to kay Jay! Delikado na ang mga anak ko kapag nagbinata!

Dear Daddy, I Miss You [Daddy Series #03]Where stories live. Discover now