Tahimik akong umiinom ng kape habang nakasilip sa balcony ng apartment ko. Pinagmamasdan ko ang mga bituin at dinadama ang lamig ng simoy ng hangin habang iniisip ang mga nangyari kanina.
Nagsinungaling nanaman ako.
When he asked me kung sino si Jack, I told him that he's my nephew. Hindi ko sinabi sa kanya na anak ko si Jack dahil alam ko na hindi siya titigil sa kakatanong kung sino ang ama nito kung magkataon man na sabihin ko sa kanya.
Alam kong mali dahil para ko ng tinanggalan ng karapatan si Jake at Jack na makita ang isa't-isa bilang mag-ama pero ginawa ko lang naman iyon para protektahan ang anak ko.
Ayaw kong masaktan siya kapag nalaman niya na may ibang pamilya na ang tatay niya habang kami naman ay bunga lang ng pagkakamali.
Ayaw kong maramdaman ni Jack na naging bunga lang siya ng pagkakamali namin ng tatay niya. Masyado pa kaming bata noon, halos kaka-graduate lang namin nang mangyari ang lahat ng iyon dahil sa pagiging pabaya namin. Wala pa kaming permanente at mgandang trabaho nun at tinatapos pa ni Jake ang kinuha niyang kurso noon. Alam ko na hindi talaga magandang ideya ang lumayo sakanya noon.
"Ollie anak, mag-isa ka rito?" nilingon ko si aling Maring na ngayon ay may hawak din na isang tasa ng kape.
Hay nako, sinabi ko na sa kanya na bawal siyang magpuyat dahil makakasama daw sakanya sabi ng doctor niya.
"Aling Maring naman, hindi ba hindi na po kayo dapat nag-pupuyat at umiinom ng kape? Makakasama po 'yan sa inyo" sinubukan kong agawin ang tasa ng kape sa kanya pero inilayo niya lamang ito sa akin at umiling.
"Minsan lang naman hija, pagbigyan mo na ako... Tsaka isa pa, mukhang may pinoproblema ka oh," nakangiting sabi nito at tsaka umupo sa maliit na sofa sa isang gilid habang nakatingin din sa kalangitan, pinagmamasdan ang liwanag ng mga bituin.
"Wala naman po ako gaanong problema" pagsisinungaling ko na mukhang hindi bumenta kay Aling Maring dahil napailing ito at inilapag ang tasa sa lamesa. Tiningnan lang niya ako na parang naaawa sa hitsura at sitwasyon ko.
"Siya ang ama ni Jack ano?" natigilan ako dahil sa sinabi ni aling Maring.
Ano bang ibig niyang sabihin?
"P-po?"
"Yung gwapong lalaking naghatid sainyo ang tatay ni Jack hindi ba? Magkamukha kasi sila" natatawang sambit nito.
Halos malaglag naman ako sa kinauupuan ko nang marinig ko ang kumentong iyon ni aling Maring. Talaga palang magkamukha ang mag-ama? So mas nag-enjoy si Jake? Hindi ba sabi nila kung sino daw ang mas nag-enjoy iyon daw ang mas nagiging kamukha— putanginang utak yan Leianna, masyado ng bastos.
YOU ARE READING
Dear Daddy, I Miss You [Daddy Series #03]
FanfictionDaddy Series #03. SJY ── ❝ You're right. I'm 7 years late. ❞ completed @takonikii2023