15

942 112 182
                                    

"Anong nangyari dun kay Sunghoon? Parang wala sa mood," napaiwas kaagad ng tingin si Jake dahil sa itinanong ni Samantha sa kanya

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

"Anong nangyari dun kay Sunghoon? Parang wala sa mood," napaiwas kaagad ng tingin si Jake dahil sa itinanong ni Samantha sa kanya.

Bago kasi kami makarating dito ay nakasalubong namin si Sunghoon sa lobby ng ospital, nakakunot ang noo at nakakuyom ang kamao. Mukha talaga siyang galit na galit, pulang-pula ang tainga niya at kulang nalang ay umusok ang ilong niya sa sobrang galit.

"Hindi naman siguro kayo nag-away 'no?" curious na tanong ni Jungwon habang inaayos ang prutas na binili namin para kay Jack bago kami pumunta dito.

Sa totoo lang, masaya ako dahil pumayag si Jake na pumunta kami dito. Ang akala ko talaga ay papaabutin niya pa sa korte ang pag-aagawan naming dalawa kay Jack. Syempre, kung totoo man na gagawin niya iyon, hindi ako papayag na kuhanin niya ang anak namin sa'kin. Magkakamatayan muna kaming dalawa.

"Mommy, bakit po ang tagal niyo nila uncle bago dumating? Namiss ka po namin ni daddy," itinaas baba pa ni Jack ang kilay niya habang kumakain ng mansanas na binalatan ni Jake para sa kanya.

Nabaling ang atensyon ko kay Jake nang bigla siyang masamid sa kinakain niyang mangga. Ayan, buti nga sa'yo.

Bagay sa'yo 'yan.

"Ang talino ng anak niyo 'no? Gawa pa nga kayo ng isa para matuluyan na si Jake," masamang tingin lang ang tanging isinagot namin kay Jay dahil sa sinabi niya. Nasa harap kami ng bata tapos puro kabastusan ang lumalabas sa bunganga niya. Eh kung tusukin kaya siya ng lapis sa mata?

Puro kalokohan ang alam e.

"No, thank you nalang," malditang tugon ko sa kanya.

Kaagad na napalitan ng nakangiting mukha ang hitsura ko nang ibaling ko ang tingin ko sa anak ko. Syempre, hindi niya 'ko pwedeng makita na nakabusangot ang mukha at mukhang nakakain ng maraming sama ng loob.

Well, totoo naman.

Marami-rami na rin akong naiipon na sama ng loob sa tatay niya. Kaunti na lang nga ay sasabog na ako na parang dinamita dahil sa sobrang inis.

"Leianna," lumapit si Jake sa pwesto ko bago ibinigay sa akin ang isang mansanas na sa tingin ko ay siya ang nagbalat. May sink naman dito sa hospital room ni Jack, bakit hindi niya nalang hinugasan ang mansanas para matanggal ang wax kaysa binalatan niya? Hirap na hirap na nga siyang magbalat ng mansanas para kay Jack kanina, talagang nagbalat pa siya ng isa pa?

Malakas ang loob ng isang 'to.

"Weird, bakit parang feeling ko may mangyayari," Riki said as he tried to reach for the strawberry.

Malamang ay gagawa ng paraan ang isang 'to para makahanap ng microwave.

"Kaya nga, magkakaalaman na tayo kung after 7 years matino pa rin performance ni Jake--aray! Sam naman!"nagreklamo si Jay nang bigla siyang sabunutan ni Sam.

Ayan kasi.

Napakabastos ng bunganga. Kanina ko pa siya tinitingnan ng masama pero parang wala lang 'yun sakanya. Puro kabastusan nalang ang lumalabas sa bibig niya.

Dear Daddy, I Miss You [Daddy Series #03]Where stories live. Discover now