31

739 98 44
                                    

"I don't want to be with you anymore! Palagi mo na lang po kaming sinasaktan!"

"No baby, please listen to daddy first..." 

Nakaluhod si Jake sa tabi ng kama ni James at sinusubukan na iexplain sa bata ang lahat ngunit mas pinairal lamang nito ang katigasan ng ulo. Nakatalukbong pa s'ya ng kumot at halatang ayaw pakinggan ang explanation ng daddy n'ya.

Sa totoo lang, hindi ko naman masisisi si James kung ganoon na lang ang reaksyon n'ya sa Papa n'ya. Naikuwento sa akin nila Samantha kung anong kagaguhan nanaman ang ginawa ni Jake kaya nagkaganiyan si James. at ngayon pa lang, sigurado ako na mahihirapan s'yang manuyo at mag-explain dahil masyado pang bata si James para maintindihan ang ganitong klaseng bagay.

Malamang ay may tampo pa rin 'yan sa Daddy n'ya at kinikimkim n'ya pa rin 'yon hanggang ngayon. Kahit nga ako e, nasaktan ako para kay James nang malaman ko na ginanon siya ni Jake. 

Hanggang ngayon, narito pa rin sa akin yung takot na baka mawala din si James sa aming dalawa. Kung mangyari 'yon, hindi ko alam kung ano na bang mangyayari sa buhay ko dahil hindi lang isang anak namin ang nawala. 

"Tita Lei... sama na lang po ako sa'yo... Ayaw ko na po kay daddy," nagmamakaawang sambit nito sa akin. Tiningnan ko lamang si Jake at marahan s'yang tinanguan, unti-unti akong lumapit sa pwesto nilang dalawa. 

Bakas ang takot sa mukha ni James. Sa tingin ko, takot pa rin s'ya na baka maulit ang nangyari sa kaniya noon; ang masigawan ni Jake. Nakakatakot naman talagang matakot ang isang 'to. Tama nga sila, kung sino yung taong mabait, sila yung pinakanakakatakot kapag nagalit.

"Lei... Sa labas lang kami. if you need anything o kapag may ginawa ulit na katarantaduhan 'tong asawa mo tawagin mo lang kami," nakangiting sabi ni Samantha at kumindat pa.

Napabukas naman ang labi ko dahil sa sinabi niya at akmang magpprotesta nang biglang sumingit sa usapan si Jay.

"Bakit pa tatawag? Sayang load!"

"Ewan ko sa'yo, Ang sabi ko tawagin hindi 'tawagan'! Bakit ba ako nagpakasal sa tanga!?"

Sa inis ni Samantha at hinila n'ya na si Jay papalabas ng hospital habang hawak ang tainga nito. Napailing na lang ako dahil sa kalokohan nila. Ilang taon na silang dalawang kasal at halata na iyon sa kinikilos nilang dalawa dahil hindi na sila masyadong sweet sa isa't-isa. 

Nakakatuwa nga e, hindi na sila masyadong malantod katulad ng dati. Ngayong matagal na sila at lumalaki na ang pamilya nila, nagsisimula na silang mapikon sa presensiya ng isa't-isa. Ganun naman ata sa lahat ng mag-asawa e. Habang tumatagal, nasasanay na sila at nawawala na yung sweetness nila sa isa't-isa pero hindi iyon nangangahulugan na nawala na yung pagmamahal nila dahil sa bawat araw na minumura nila at nirereklamo nila ang isa't-isa, alam nila sa sarili nila na yung tarantadong hinayupak na pinakasalan nila ay yung taong pipiliin nila habang buhay.

Kaya nga sila nananatili sa tabi ng isa't-isa 'di ba?

Sana all.

Nabalik na lang ako sa huwisyo nang maramdaman ko ang kamay ni James na ipinatong ang kamay niya sa kamay ko. Alam ko na hindi magiging madali para sa aming dalawa ito pero sa tingin ko ay kailangan niya na ring malaman ang katotohanan.

"James... I'm sorry. Daddy didn't mean to hurt you, to hurt all of you... I'm just upset--"

"Kaya po ba lahat ng tao na nasa paligid niyo nadadamay sa sama ng loob na meron ka?" inosenteng tanong ni James. Napayuko naman si Jake at marahang tumango, walang salitang lumabas sa kaniyang bibig. 

Ramdam ko na nahihiya s'ya, hindi n'ya alam kung papaano n'ya ihaharap ang sarili n'ya sa anak namin matapos nitong sabihin ang bagay na iyon.

"Daddy hindi naman po ako galit sainyo e... Hindi ko naman po kayang magalit sa'yo kasi daddy kita at sinabi sa akin ni Jack na palagi ko daw po kayong pasayahin ni mommy..." tumulo ang luha sa mata ni James at nag-iwas ng tingin. Nakita ko pang hinawakan ni jake ang magkabilang pisnge ng bata at tsaka pinunasan ang luha nito gamit ang thumb niya.

Dear Daddy, I Miss You [Daddy Series #03]Where stories live. Discover now