Epilogue

896 106 75
                                    

I'm watching them running around, laughing and giggling together.

It's been 7 years...

Pitong taon na rin pala simula nang mawala s'ya.

I miss him.

"Sorry..." I gently touch his grave as I smiled bitterly.

Jack...

I miss you so much, baby.

"Hey..." napaangat ako ng tingin at sinalubong ako kaagad ng halik ng asawa ko. Ngayon ang death anniversary ni Jack kaya napagdesisyunan naming pamilya na dalawin ang puntod n'ya.

Hindi naman na iyon bago sa amin, tuwing linggo kasi pagtapos namin mag-simba, palagi namin s'yang dinadaanan at dinadalaw rito. Magsstay kami ng isa o dalawang oras sa harap ng puntod n'ya.

"Jack... He's the bravest warrior," I saw a tears escaped from his eyes but he quickly wipes it off and smiled bitterly.

Hinawakan ko ang kamay niya na nakapatong sa hita ko at marahan iyong pinisil. Ilang taon na ang nakaraan pero hanggang ngayon buo pa rin ang alaala ng kung papaano nawala sa amin ang anak ko.

Hindi ko alam ang gagawin ko noong mga panahon na iyon dahil noong mga panahong wasak na wasak ako at wala akong masasandalan, s'ya lang ang pinagkukunan ko ng lakas at ng inspirasyon para ipagpatuloy pa yung buhay na nasira namin ni Jake.

"It's not your fault, love." tipid ko s'yang nginitian at ibinaling ang tingin sa direksyon ng dalawang batang nag-tatakbuhan sa harap namin ngayon.

Malamig ang simoy ng hangin dito at masarap sa pakiramdam kaya napag-isipan nila na mag-laro dito. Mabuti nga at hindi sila sinisigawan o pinapagalitan ng guard dahil minsan ay may naaapakan na silang nitso. Nakakaloka, baka mamaya biglang may bunangon na bangkay at hilahin ang paa ng mga anak ko.

"Javi, baby... Come here. Leivianna, ikaw din." malumanay at mahinhin ang boses ko nang tawagin ko ang mga anak ko. Sila kasi yung kanina ko pa binabantayan at sinasaway sa tuwing may ginagawang kalokohan.

Ilalayo ko na talaga sila sa mga uncle nila. Masyado na silang nagiging makulit.

Lalo na si Leivianna! Nagulat ako nung isang araw natusta yung bra ko kasi nilagay n'ya sa oven toaster! Ito namang si Jake, napakademonyo din.

Kinukunsinti.

Hayaan ko na lang daw at bibilhan n'ya na lang daw ako ng bago. Like, gago ka ba? Hindi naman ako nagalit dahil nabawasan yung bra ko. Nainis ako dahil hindi naman dapat mina-microwave ang bra!

"Just let them play, love,"

Kitams.

Kunsintidor! Buti sana kung nasa playground ang mga anak namin e.

Ibinukas ko ang bibig ko para sana magsalita dahil masyado na si Jake sa mga anak n'ya. Madalas nga ay s'ya pa ang pinapagalitan nito imbis na siya ang nagagalit. Uto-uto din kasi sa mga anak n'ya kaya nagiging uno reverse card.

"Mom, I bought food," dumating na si James mula sa school. Bitbit n'ya pa ang bag n'ya at ang isang plastic ng pagkain sa kamay n'ya bago umupo sa tabi ko. Humalik s'ya sa pisnge ko at nakipag-fist bomb kay Jake.

"Binata na anak ko," panggagago ni Jake. Napailing na lang si James at tsaka inayos ang pagkain sa harapan namin. He's 3rd year high school now, nag-aaral s'ya sa school kung saan din nag-aaral si Sean. Actually, they are school mates, sila rin ang madalas nagsasalitan sa ranking.

"Dad, stop," pag-saway ni James kay Jake kaya tumawa ito at tsaka bahagyang ginulo ang buhok. "You look like me, pagwapo ka na ng pa-gwapo," natatawang sabi nito kaya napairap ako.

Dear Daddy, I Miss You [Daddy Series #03]Where stories live. Discover now