17

1K 107 118
                                    

"Are you sure about this, Lei? I mean, hindi ko naman kayo pinipilit na mag-stay sa bahay

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

"Are you sure about this, Lei? I mean, hindi ko naman kayo pinipilit na mag-stay sa bahay..."

Nakabuntot lang sa akin si Jake habang nag-aayos ako ng mga gamit na iuuwi namin sa bahay dahil ngayon ang araw na makakalabas na ulit si Jack.

After 2 weeks of staying here inside the hospital, finally, makakalabas na rin si Jack. Kinausap kaming dalawa ni Jake ng doctor n'ya, she told us na okay naman na daw ang kundisyon ni Jack at pwede na s'yang bumalik sa bahay namin. Babalik nalang daw kami sa ospital kapag schedule na ng chemo at kapag iche-check na s'ya ng doctor n'ya.

Para akong nabunutan ng tinik sa lalamunan nang malaman ko 'yun. Maging si Jake, Jack at James ay masaya nung nalaman nila na pwede nang makauwi si Jack sa bahay.

"Kung kailang nakausap ko na si aling Maring at tsaka mo ako tatanungin n'yan? Nakashabu ka ba, Jake?" inis na sagot ko sakan'ya at isinara ang bag. Ngumuso lamang s'ya at tsaka nangalumbababa sa tapat ko kaya agad kong iniwas ang tingin ko.

"Eh kasi I kinda feel na malulungkot si aling Maring doon lalo na at mag-isa s'ya..." nakayukong sabi n'ya kaya napangiti ako.

Maraming nag-bago sa loob ng ilang taon naming hindi nagkita pero yung ugali n'ya, ganun na ganun pa rin katulad ng dati. Lahay ng taong makikilala n'ya at makakausap n'ya itinuturing n'yang mahalaga para sa kan'ya kaya ganoon na lang ang pag-aalala n'ya kay aling Maring.

Ako din naman. Nag-aalala ako kay aling Maring pero nang makausap ko s'ya kahapon ay masaya n'ya lang akong niyakap. Ramdam ko na masaya s'ya para kay Jack, para sa amin. Nakita n'ya kung gaano kami nag-hirap ni Jack noong panahong wala si Jake sa amin kaya sinabi n'ya sa'kin na sana, maging okay na kami ni Jake at gamitin ko daw ang pagkakataon na 'to para iparamdam kay Jack na hindi nalang kaming dalawa ang mag-kasama.

Kasi nand'yan na ang papa n'ya. Nariyan na si Jake para punan lahat ng pagkukulang n'ya sa loob ng pitong taon na wala s'ya. Sobrang natuwa pa nga ako dahil sa huling sinabi ni aling Maring sa akin.

'Sapat na sa akin ang pitong taon na kasama ko kayo ni Jack. Ngayon na nand'yan na sa tabi n'yo ang ama n'ya, oras na siguro para magkasama ka ulit kayo'

Sobrang bait ni aling Maring. Siguro nga ay dahil sa tagal naming magkasama, tinuring n'ya na talaga ako bilang anak n'ya. Ayaw ko s'yang iwan nung una pero napagkasunduan namin na dalawin nalang s'ya tuwing sabado o linggo para hindi s'ya masyadong makaramdam ng lungkot. Sigurado rin naman ako na sobra s'yang mamimiss ni Jack kaya pumayag na ako.

"Sino bang may sabing malulungkot s'ya? Syempre hindi! Dadalawin namin s'ya ni Jack doon tuwing sabado o linggo para mambulabog!" masiglang sabi ko. Natigilan naman s'ya at umiiling na tumawa.

"I think every saturday ang final schedule n'yo ng pag-punta kay aling maring" pagbibiro nito kaya napataas ang kilay ko.

Bakit may schedule? Pupunta ako kay aling Maring kung kailan ko gusto! Pala-desisyon ang isang 'to!

Dear Daddy, I Miss You [Daddy Series #03]Where stories live. Discover now