"Travis matagal pa ba yan? Tangina naman kung anniversary niyo huwag niyo akong dinadamay, may anak akong susunduin" iritadong sambit ko kay Travis habang nakatingin sakanya na hindi magkanda-ugaga sa pagpili ng damit na susuotin niya para sa dinner date nila mamaya ng kaibigan ko.
Tangina nitong dalawa eh, kanina pa ako iniipit sa sitwasyon nila. Parang gusto ko nalang din tuloy kumuha ng walis tambo at ihambalos sa kanila dahil sa inis.
"Kung tinutulungan mo nalang sana ako imbis na kumuda ka dyan, edi sana kanina pa tayo tapos" pamimilosopo niya. Ibinato ko naman sa mukha niya ang isang unan dahil sa inis.
Kitams? Siya na nga ang humihingi ng pabor, siya pa itong may ganang magsungit. Dapat pala hindi ko nalang sinamahan itong loko-lokong 'to para matigok siya sa kakahanap ng damit na susuotin. Kung bakit ba naman kasi ako pa ang napili niya eh marami naman siyang kaibigan na pwedeng tumulong sakanya.
"Tss, oo na. Bilisan mo na, basta ihatid mo ako sa school ni Jack kung hindi naku! Talagang tatadyakan ko yang pwet mong malaki" sinamaan niya ako ng tingin dahil sa sinabi ko.
Ano nanaman ba? Wala namang masama sa pagsasabi ng totoo ah?! At tsaka isa pa, dahil nga doon kaya nainlove sakanya si Wends, kaya bakit niya ikakahiya? Maging proud nalang siya sa pwet niya, buti nga siya meron eh.
Paano naman ako?
"Oo na--ay oo nga pala, ano na nangyari dun sa ex mo? Yung tatay ni Jack? Nakapag-usap na ba kayo?" tanong nito habang nakatuon ang atensyon sa mga damit niyang nakakalat sa kama niya. Lihim naman akong napairap dahil sa tabil ng dila ng lalaking ito, hindi marunong maging sensitive. Kailangan ba talagang pag-usapan namin yan ngayon?
Pero sabagay, hindi ko naman siya masisisi. Wala naman kasi siyang kaalam-alam sa mga nangyayari sa akin dahil hindi ko naman siya masyadong close. Nagkakilala lang naman kami dahil sa bestfriend kong maharot. Mabuti nga at hindi naudlot ang relasyon nila eh, kasi diba sabi nila kapag daw ikinuwento mo ang kaharutan mo sa kaibigan mo o sa kahit kanino mang chismosa, baka mabati at hindi na matuloy.
Ewan ko nalang din, may mga tao talaga na kahit anong gawin nilang bagay kapag itinakda sila, edi wow. Ang swerte nila.
"Hindi pa kami ulit nag-uusap, wala na rin naman sa balak ko ang kausapin ang lalaking yun eh. Masaya na siya sa pamilya niya kaya bakit ko pa siya guguluhin, hindi ba?" pinaglaruan ko ang bote ng tubig na hawak ko bago iyon ishinoot sa trashcan sa tabi ng cabinet niya. Narinig ko ang pagbuntong hininga niya bago inilapag ang damit sa isang tabi at tiningnan ako mula ulo hanggang paa.
Ano nanaman ba ang ginawa ko at binibigyan niya nanaman ako ng ganyang klase ng tingin? Ito lalaking 'to judger din eh. Madalas talaga hindi na ako natutuwa sa mga tingin na ipinapataw nito sa akin, kaunti nalang iisipin ko na crush ako nito.
YOU ARE READING
Dear Daddy, I Miss You [Daddy Series #03]
FanfictionDaddy Series #03. SJY ── ❝ You're right. I'm 7 years late. ❞ completed @takonikii2023