07

884 106 91
                                    

"Thank you for today, Jake" nakangiting sambit ko sakanya habang buhat ang bag ng anak kong natutulog ngayon at nakayakap pa sa leeg ni Jake

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

"Thank you for today, Jake" nakangiting sambit ko sakanya habang buhat ang bag ng anak kong natutulog ngayon at nakayakap pa sa leeg ni Jake. Buhat kasi siya nito ngayon dahil kailangan kong buksan ang pintuan ng apartment namin ni Jack. Wala kasi si Aling Maring, nagbayad ata ng bill mg kuryente kaya kinailangan niyang umalis ngayon kaya walang magbubukas sa amin.

"Bye po tita Lei! Next time let's go naman po sa amusement park! Pipilitin ko po si daddy!" nakangiting sabi sa akin ni James habang nakadungaw sa bintana ng kotse at iinakaway pa ang isang kamay habang ang isang kamay naman ay nakahawak sa iniinom nitong chocolate drink.

"Uh, about that..." Jake used his free hand to scratch his nape before turning his gaze at me. Napataas na lamang ang kilay ko habang naghihintay sa kung ano mang sasabihin niya. Ang hilig talaga ng isang 'to na mambitin, kung may gusto siyang sabihin dapat sinasabi niya na kaagad hindi yung pinapatagal niya pa. Nasasayang ang oras.

"What?" malapit na talagang maubos ang pasensya ko sa isang 'to, may nakadikit bang dumi sa mukha ko at nakatingin lang siya sa akin ngayon? Ano nanaman ba ang problema at ganito siya makatingin?

"Uhm, gusto sana kitang ayain—oh no, I mean kayong dalawa ni Jack kung okay lang..." napaawang ang labi ko at muling napatingin sa kanya nang sabihin niya iyon.

Anong ibig niyang sabihin?

I mean—

"Kung okay lang sana iinvite ko kayo for dinner sa bahay..." nahihiyang dagdag pa nito at napakamot muli sa kanyang batok. James on the other hand giggled at gave his father a double thumbs up before looking at me, acting innocent as if he didn't do anything.

Teka, kanina lang nasa loob pa yan ng kotse ah??

"Uhm..." nagdadalawang isip ako kung papayag ba ako. Hindi ko na rin alam kung ano bang isasagot ko dahil hindi lang naman para sa sarili ko ang gagawin kong desisyon. Para rin naman ito sa anak ko.

Tumingin ako kay Jack na ngayon ay mahimbing pa ring natutulog habang nakayakap kay Jake. Now I know why Aling Maring told me na maghanda if ever na magkita nga ang mag-ama. Sa loob ng ilang taon, nakakainis isipin na hindi ko nga napaghandaan ang araw na ito. Masaya ako pero mas nananaig ang takot at inis sa akin, gustuhin ko mang itaboy si Jake at palayasin sa harap ko...

Hindi ko magawa dahil iniisip ko si Jack, iniisip ko na kahit man lang hindi siya aware ay makasama niya ang daddy niya...

"It's okay if you don't want to, I'm not forcing you—"

"Sige" nanlalaki ang mga mata niyang tumingin sa akin na para bang hindi makapaniwala sa naging sagot ko kaya natawa ako at ikinaway ang kamay ko sa harap ng mukha niya. Natulala ata ang loko.

Dear Daddy, I Miss You [Daddy Series #03]Where stories live. Discover now