tw: mention of death, abuse and miscarriage
—————
"What happened? Kamusta na daw si Jack?" sinalubong ako ni samantha pagkalabas ko ng hospital room ni Jack. Nanlulumo akong umupo sa upuan, hindi alam kung anong gagawin ko. Pagkarating kasi namin, chineck na kaagad ng mga doctor si Jack, may biniga pa silang gamot dito at ngayon ay tahimik na natutulog si Jack.
"He's... not going to die, right?" tanong ko kay Samantha. Pansin ko pang nagkatinginan silang dalawa ni Jay, tinanguan lang ni Jay s Sam at umupo na sa tabi ko.
"He's strong..."
Mas lalo akong naiyak sa sinabi n'ya. Yun na nga ang problema e, sobrang lakas ng anak ko to the point na hindi n'ya na sinasabi sa akin na nahihirapan na s'ya.
The doctor told me earlier na lumalala na daw lalo ang kundisyon ni Jack. Sabi pa nito sa akin na sigurado daw s'yang nasasaktan ang anak ko at may kung anong nararamdaman sa katawan n'ya pero nagtaka s'ya nung sinabi ko na hindi nagsasabi sa akin si Jack.
Masakit para sa akin na malaman ang ganoon, pero I didn't expect na mas masakit pala kapag ang doctor niya na mismo ang nagsabi na wala ng pag-asang gumaling ang anak ko.
He said, wala s'ya sa posisyon para sabihin kung kailan mawawala ang anak ko... Pero kung tatanggapin daw namin iyon ng mas maaga, hindi na kami mahihirapan...
At ganoon din ang anak ko.
"Tangina, bakit ka ba kasi umiiyak? Ano bang sinabi sa'yo ng doctor?!" inis na tanong ni Samantha habang sinusubukan akong pakalmahin. Tahimik lang si jay sa isang tabi, pinapanood kaming dalawa, halatang hindi alam kung ano ang gagawin. Parang ayaw niyang mag-salita na lang o magbigay pa ng kumento dahil baka masaktan pa niya ang damdamin ko.
Wala pa man ding preno ang bunganga ng isang 'to.
"Where's Nehan...? Gusto ko lang humingi ng pasensya sa nagawa ko kanina," pag-iiba ko ng topic. Huminga ng malalim si Samantha at kinuha ang cellphone n'ya. May tinype s'yang kung ano dito at tsaka ibinigay sa akin ang cellphone n'ya.
"Hello?" rinig kong sabi ng isang pamilyar na boses mula sa kabilang linya. I cleared my throat, kahit nanginginig ang buong katawan ko at sinubukan ko pa ring mag-salita. Mali kasi ako sa part na inakusahan ko si Nehan, nang tinanong ko ang doctor, hindi naman daw dahil sa pananakit nakuha ni Jack ang pasa na iyon. Normal na iyong lumitaw sa katawan n'ya dahil sa sakit n'ya.
"Nehan... I'm sorry," haos pabulong na sabi ko sakan'ya. Wala akong natanggap na sagot mula sa kabilang linya. Nag-simula na akong kabahan, papaano kung nagalit talaga sa akin si Nehan dahil sa mga pinagsasabi ko kanina sakan'ya? Baka nasaktan s'ya dahil masyadong masakit ang lumabas na salita sa bibig ko.
"Leianna... It's okay... Ako nga dapat ang mag-sorry kasi nakadagdag pa ako sa problema niyo," paghingi niya pa ng paumanhin. Napailing ako bilang sagot kahit na alam kong hindi n'ya makikita iyon.
"No, it's not your fault... Masyado lang akong nadala ng emosyon ko kanina kaya pati ikaw ay nadamay. I'm so sorry Nehan," paghingi ko pa ng paumanhin. Rinig ko ang malalim na buntong hininga niya at muling nag-salita.
"May asawa na ako, Leianna. Huwag ka ng mag-selos sa akin, baka makasama sa baby mo..." mabilis na sagot niya.
Halos malaglag naman ako sa kinauupuan ko nang marinig kong sabihin n'ya iyon.
Ano daw?
Tiningnan ko ng masama si samantha, itinaas lang niya ang kamay n'ya at nag-peace sign. Napailing ako, "I'm not... Jealous," pagtanggi ko. Tumawa s'ya mula sa kabilang linya, tila 'di naniniwala sa mga sinasabi ko sakan'ya.
YOU ARE READING
Dear Daddy, I Miss You [Daddy Series #03]
FanfictionDaddy Series #03. SJY ── ❝ You're right. I'm 7 years late. ❞ completed @takonikii2023